ONE NIGHT WITH MY BOSS Chapter 6


“Yanna girl!” Bulalas ng kaibigan niyang si Chesca at kaagad siya nitong niyakap. “Omyg! You’re so popular na. Anong pakiramdam na maging girlfriend ng CEO?” eksaherada pa nitong sabi.
“Teka saan mo nalaman?” Kaya agad na nanlaki ang mata nito at nagtatalon sa tuwa na parang kinikilig rin. “So totoo nga?! Kal*ka ang beauty mo! Anong skincare mo te?”
So alam na ng lahat?!paano pa kaya kapag nalaman ng mga ito na sa mansyon na siya ni Lucas nakatira. Baka mamaya iba’t ibang masasakit na salita ang kanyang marinig.
“Well well girl! Ihanda mo naman ang pinakamaganda mong damit kapag haharapin mo ang mommy non.” May itatanong pa sana siya dito pero bigla siyang tinawag ni Lucas.
“Hoy, anong gagawin niyo ha? Baka one of this days may laman ng baby yang tiyan mo ha. I’m willing to be a Ninang naman.” Hindi niya talaga matandaan kung paano niya ito naging kaibigan.
“Bakit?” tanong niya ng makarating siya sa opisina nito. Nakakunot ang noo nito at nakahawak sa sentido. Galit ba ito sa kanya? Pero bakit naman?
“Binibigyan mo pa rin ng pera ang nanay mo?” tiim bagang nitong tanong. “F*ck Yanna! You give them your whole f*cking salary!” Galit nitong sabi.
“Ano namang masama don?Bali baliktarin man ang mundo pamilya ko pa rin sila. Hindi pa rin ba sapat yung sa mansyon mo na ko nakatira?!” Hindi niya na napigilan ang sarili na mapasigaw.
Umalis ito sa pagkakaupo sa swivel chair at unti unting naglakad palapit sa kanya. Kaya siya naman ang napapaatras. Para itong bulkan na sasabog ano mang oras! Takot na ang kanyang nararamdaman.
“Bakit ba galit na galit ka?… Wala naman akong ginagawang masama ah.Dahil lang don aawayin mo ko?” Naiiyak niyang sabi. Akala niya ito ay anong gagawin nito pero bigla siya nitong niyakap.
“Why this place is so gross? Dito ba talaga nakatira ang Yannang yon? So cheap. Eww! Eww.7Bakit ba kasi siya pa ang nagustuhan ni Lucas. ” Maarteng saad ni Cassidy.Inialalayan siya ng kasamang katulong.
“Pare tignan ang ganda noh! Mukhang model!” sabi ng isang tambay doon habang tumutungga ng alak.”Kaso mukhang yayamanin!”
“Ma’am Cassidy umalis na po tayo dito baka hinahanap na po kayo ng mommy niyo.” Kinakabang ani ng katulong.
“Shut up! And don’t ever tell her na nagpunta tayo dito. Okay?! Naiintindihan mo ba ha?” Inis niyang sabi kaya napatango na lang ito.
Bw*sit na bw*sit siya sa Yanna ng yon dahil inagaw nito ang lalaking pinakamahal niya. She loves Lucas so much! Kaya niyang gawin ang lahat bumalik lang ito sa kanya.
“Anong kailangan mo?” Tanong ng babae na naninigarilyo.So eww magkakasakit siya niyan eh. Poor people talaga. “Dito ba nakatira si Yanna Montelban?”
“Bakit mo siya hinahanap? Anong kailangan mo sa anak ko?!” Inis nitong sabi. At binugahan pa siya ng usok ng sigarilyo sa mukha.Kaya napaubo nalang siya.
“So ikaw ang mommy niya? Pakisabi sa anak mo na layuan niya ang boyfriend ko! She’s a flirt*tious secretary!” sigaw niya sa babae.
“At bakit ko naman gagawin yon ha? Sino ka para utusan ako?!” Inis nitong sigaw sa kanya. “Palayuin niyo siya at bibigyan kita ng maraming pera!”
“Mom, I’m begging you wag mo ng guluhin ang buhay ni Kuya Lucas kung ayaw niya kay Cassidy hayaan niyo siya.” Sabi ni Lacey sa ina.Uuwi na kasi sila sa Pilipinas.
“Are you hearing your self Lacey?! Ang katulad lang ni...


Cassidy ang nababagay sa Kuya mo! And besides Cassidy is more better than the other girls out there!” sigaw nito.
“Pero hindi siya gusto ni Kuya. Wag mo ng kontrolin ang buhay ni kuya please mom! Hayaan niyo naman siyang maging masaya.” Nagulat na lang siya ng sampalin siya nito.
“Wag kang makialam sa mga desisyon ko! I am your mother and I only want the best for the both of you! Kung ayaw mong magalit ako sayo shut up!” At bigla nalang ito umalis.
“May dumi ba ko sa mukha?” Tanong niya kay Lucas dahil pansin niya ang pagtitig nito.Ngumiti lang ito at pinahid ang natirang ketchup sa gilid ng kanyang labi.
Katatapos lang kasi nilang kumain ng lunch. Naandun sila sa loob ng opisina..Gusto sana nitong kumain sila sa labas. Pero natatakot siyang pagkaguluhan sila ng mga tao.
“About dun sa mommy mo. Mabait ba siya?Magugustuhan niya kaya ko? ” Wala sa sarili niyang tanong. Parang kanina lang nagkasagutan sila pero ngayon ay bati na agad.
“It doesn’t matter.” Walang emosyon nitong sabi.”She can’t control my life now! And if she hurts you baka tuluyan ko ng kalimutan na ina ko siya.”dagdag pa nito.
“Ano palang paborito mong ulam?” Pag-iiba niya sa usapan. “Adobo why?” simpleng sagot nito. Easy lang sa kanya yon! Gusto niya itong ipagluto ng pinakamasarap na Adobo.
“Alam mo ang weird ng kwarto mo. Bakit parang wala akong ibang makita kung hindi black?” Sa totoo lang ay ayaw niya sa kulay na iyon.
“Because my life is nothing but darkness until you came. Don’t worry babe. I’ll change it for you.” Dati baby ngayon babe naman. Hindi nauubusan ng endearment.
“Babe, gaano mo ko kamahal?” Tanong niya na ikinagulat naman nito. “What did you say?” halos mautal utal pa nitong sabi.
“Gaano mo ko kamahal?” Sagot niya. “No not that! You call me what?..” Di makapaniwala nitong sabi. “Babe.” Pag-uulit niya. Kaya agad na lumapit ang labi nito sa kanya.
Napatigil sila sa paghah*likan ng kapusin na sila ng hininga. Pakiramdam niya talaga mahilig din ito sa PDA.Minsan nga yung hal*kan nila nauuwi na kung saan.
Ewan niya ba kapag niya ba kapag kasama niya si Lucas sobra siyang nakakaramdam ng importansya.
“I want to marry you already.” Bulong nito sa kanyang tenga. Kaya kaagad na bumilis ang tibok ng kanyang puso.
“Kasal agad? Di ba pa natin lubos na kilala ang isa’t isa.” Sabi niya naman. “No babe kilalang kilala na kita. I already know all the things about you.
” So ano kita noon? Stalker? Ang lupet mo boss ha. “Natatawa niyang sabi.” I understand kung hindi ka pa handa. I can wait. ”
May sasabihin pa sana siya. Pero nakaramdam siya na mas*suka siya. Kaya agad siyang nanakbo patungo sa C.R.At doon sum*ka. May mali ba dun sa kinain nila?
May mali ba siyang kinain. Kung ano anong idea ang sumagi sa kanyang isip. Hindi kaya—” Babe are you alright?” Tanong ni Lucas na nasa labas ng pinto.
“Okay lang ako. Napasobra lang ata ng kinain.” Kampante niyang sabi. Agad siyang naghilamos at inayos ang sarili.
Bigla niyang naalala hindi pa pala siya dinadatnan and madalas din ang kanyang pagiging emosyonal.
Ilang beses na rin kasing may nangyari sa kanila. “Hindi kaya buntis ako?” Labis na saya ang kanyang nararamdaman.
Palike po kung gusto niyo yung story♥️Anong gusto niyong ipasabi kay Yanna ipararating ko.😅






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. patuloy po ng story plss

Leave a Reply


top