Incompatible Part 32


Author:Ren Salazar
Maagang maaga ay nasa kusina si Zu kahit madaling araw ng nakatulog. Hinandaan niya ng makakain sa almusal si Schiyev na natutulog pa sa kanilang kwarto.
” Mr. Choi…talaga bang ok lang na kayo ang gagawa ng almusal?”
” Yes po. Kaya ko na to. Gusto kong ipaghanda ng almusal ang asawa ko.”
” Kayo po ang bahala…”
” Pero Ate,yung kina lolo at nanay..kayo na po ang gagawa.”
” Sige po,Mr Choi. ”
Samantala,nagising si Schiyev nang naramdaman niyang wala sa kanyang tabi si Zu matapos maisipang yakapin ito sa tabi.
” Umalis na ba siya?” Bulong nya. Tumayo na siya at nagtungo ng banyo. Naghilamos at nagsipilyo.
Pagkatapos,lalabas na sana siya nang biglang napaisip. Mukha pala ni Zu ang kailangan para makalabas.
Kinuha nya ang frame ni Zu na close up ang kuha. Itinapat sa scanner pero bigo siya.
” Teka …si Zu rin naman to ah.” Ang sabi niya. Ibinalik niya ito sa ibabaw ng maliit na mesa. ” Hay..paano ba ito?” Pabagsak na umupo sa kama.
Hindi nagtagal ay bumukas rin ang pinto ng kwarto at iniluwal non ang naka t shirt na puti at naka padjamang si Zu. Ang linis tingnan nito sa kanyang itsura ngayon kahit na may mga iilang pawis ang tumutulo sa gilid ng mukha nito.
” Hi. Good morning…breakfast sa kama? ” Tanong niya kahit nasa kamay na naman niya ang pagkaing kanyang inihanda para sa asawa.
” Oww…ang sweet mo naman. Lalanggamin ako niyan ng kay aga.” Sagot niyang nakangiti kay Zu.
Inilapag ni Zu sa kama ang dalang almusal ni Schiyev.
” Kain ka na. ”
” Hindi ka ba papasok sa opisina mo ngayon?”
” Papasok ako mamayang hapon. Pinagod mo kasi ako kagabi hanggang umaga kaya masakit yung buo kong katawan.” Sabi niya saka sinubuan si Schiyev.” Ah..”
” Mm..anong pinagod kita?ikaw nga itong….” Napatigil sya sa pagsasalita ng biglang sakupin ni Zu ang labi nya kahit na ngumunguya.
” Kumain ka na muna.”pagkuway sabi ni Zu pagkatapos siyang halikan.
” Hindi mo naman ako kailangang subuan. Kaya ko naman.”
” Hayaan mo na ako. Gusto ko lang na iparamdam sayo na hindi ka magsisisi na minahal mo ko.”
” At bakit naman ako magsisisi?”taka ni Schiyev.
” Syempre..alam mo na. Bakla ako bago mo ko minahal. “Akmang susubuan na naman niya si Schiyev pero siya naman itong pinigilan ng huli sa pamamagitan ng halik.
” Kahit kelan ,hinding hindi ko pagsisihan na minahal ko ang isang gaya mo na mas babae pa sakin kung kumilos at manamit kung tayo lang dalawa ang magkasama.” Ani Schiyev matapos ang isang mapusok na halik.
” Hindi na babalik ang Bekket na kilala mo noon. ” Seryosong nitong saad.
Ngiti lang ang tinugon ni Schiyev sa kanya.
At umusad na ang mga oras,araw at linggo. Maayos na ang relasyon nina Schiyev at Zuriel ngayon. Masaya sila sa pinagsasaluhan nilang pag ibig ngayon. Unti unti na ring nagbabago si Zu. Kahit silang dalawa lang ni Dome sa opisina ay lalaking lalaki na talaga ang ayos at kilos niya. Pati pananalita ay nagbago na rin.
” Nahanap mo na rin yong nakapagbago sayo no?” Biro ni Dome kay Zu.
Ngumiti naman si Zu bago sumagot sa kanya. ” Oo. Akala ko nga ay habang buhay nakong magiging bakla. Hindi ko alam na magiging parte na lang pala ng nakaraan sa buhay ko si Bekket. ”
” Nagpapasalamat ako sa asawa mo.” Sabi ni Dome. ” Siyanga pala. Bakit hindi mo na lang dito pinagtrabaho si Schiyev. Para naman mabantayan at makasama mo palagi?”
” Ewan ko ba sa babaeng iyon. Ayaw rito kasi baka isipin ng iba ,ginagamit niya lang yung pagiging asawa ko para makakuha ng mas mataas na posisyon. Eh,ok lang naman yon kasi nga asawa ko siya. Isa na rin siyang Choi. ”
” Sana pinakiusapan siya ni Director Choi. ” Tukoy ni Dome sa lolo ni Zu.
” Nakuha niya permiso ni Lolo. Mahal ni Lolo ang asawa ko kaya suportado siya nito. ”
” Huu…mas malapit ata si Schiyev sa lolo mo kesa sayo ah..”
” Sinabi mo pa. Hindi kakain si Lolo kapag wala si Schiyev sa hapag.”
” Ahahha kung ganoon…baka lahat ng meron si Director Choi ay ibibigay kay Schiyev.”
” Ok lang sakin yon. Asawa ko naman siya. Saka may sarili naman akong pagmamay ari. At pwede ko ring ibigay yon sa kanya.”
” Ganoon? Ala cinderella pala ang magiging buhay ni Schiyev kung ganoon. ”
” Deserve niya iyon.”
” Sabagay. Mabait namang tao si Schiyev. Matalino rin. At nagawa ka niyang gawing isang ganap na lalaki.”
Matapos ang pag uusap nina Dome at Zu. Sina Schiyev at Rhea naman ang nag uusap sa telepono. Kasalukuyan siyang nasa trabaho ngayon sa ibang kompanya.
” Kelan ka ba malilipat dito sa maynila,Rheang? Para naman magkasama tayo.”
” Ewan ko ,Aning. Mabuti nga nakapasok ka agad sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. ”
” Sinadya kong dito mamasukan baka kasi pagdating ng ilang mga araw ay magkakasama tayo.”
” Hintayin mo na lang ako diyan. ”
” Hhmp..pagbutihin mo yong trabaho mo para ma promote ka at dito ka na i aasign.”
” Oo na. Gagawin ko yang sinasabi mo.” Ani Rhea sa kabilang linya.
” Mm. Sandali ,Rheang..may isa pa kong tawag. Si Zu,nasa kabilang linya. Tatawagan na lang kita ulit.”
” Sige na. Mag iingat ka”
” Ikaw rin.”
Pagkatapos makausap si Rhea ay sinagot naman niya ang tawag ni Zu.
” Hello…”
” Hello ,Yoebo. Kumain ka na ba?”
” Hindi pa ,Zu. Nagpapahinga lang ako saglit. Madami kasing naka atang na paper works eh. Mamaya nako kakain.”
” Ganoon ba…gusto mo pahatiran...


kita ng pagkain diyan kay Dome?”
” Naku..huwag na. Baka ano pang isipin ng mga ka trabaho ko rito. Kakain rin ako mamaya.”
” Sige. Magpahinga ka muna. Tatawag na lang ako mamaya bago kita susunduin.”
” Mm.” Tango ni Schiyev. ” Sige na. Ibababa ko na to. Baka busy ka rin diyan.”
” Tama ka. Busy nga ako.”
” Ano? Tapos tumawag ka pa sakin? Naabala pa yata kita.”
” Busy nga ako. Busyng busy sa kakausap sa mahal ko. At ikaw iyon.”
” Owwhh…kinilig pwet ko.hahhaa. sige na nga,maya ulit.”
“Ok. Bye. Sarang haeyo.”
” Nado.” Ganti niya kay Zu pagkatapos maibaba ang telepono.
Maya maya ay may biglang lumapit sa kanya na ka office mate niya.
” Mukhang masaya ah..”
” O,Hanz..nakabalik ka na pala?”
” Oo. Nakausap ko na yong isang client ko kaya good nako don. ”
” Mabuti. ”
” Ikaw? Ok na ba client mo?”
” Mm. Hindi pa. Mag seset pako ng bagong date para sa meeting namin. Ang hirap habulin ng isang ito. Ang hectic ng sked.”
” Gusto mo tulungan na kita? Bago ka pa lang kasi rito sa kompanya kaya hindi ka pa kilala talaga.”
” Siguro nga. Pero ok lang. Ganyan naman talaga. Sikap at tiyaga lang.”
” Tama. By the way,sinabi nga pala sakin ni Boss na kung pwede samahan mo ko ngayong lunch. May pupuntahan akong isang kompanya at kailangan kong makipag meet sa Director nila.”
” Wow..ang galing mo siguro sa trabahong ito,na mi meet mo na ang mga Directors ng ibat ibang kompanya.” Puri niya kay Hanz.
” Di naman. Sipag at tiyaga rin. Basta mamaya…”
” Mm! Tawagan mo lang ako.”
Magtatanghali na nang tawagan nga ni Hanz si Schiyev para samahan siya nito. Ilang oras ding binyahe papunta sa ibang kompanyang ito. Ngunit laking gulat ni Schiyev nang malaman at makita ang malaking pangalan na nakadikit sa itaas ng gusaling pinuntahan nila ni Hanz.
” B…BC company?” Bulong niya pero hindi rin nakaligtas sa pandinig ni Hanz.
” Oo. Dito tayo pupunta.”
Medyo kinabahan si Schiyev. Hindi kasi alam sa opisina nila ni Hanz na asawa niya si Zu. Apilido niya kasi ang kanyang ginamit at hindi ang Choi na apilido ni Zu bilang asawa siya nito.
” Tara na..” yaya ni Hanz.
Nag aalangan man si Schiyev na pumasok sa loob ng gusali pero hindi naman pwedeng magpa iwan siya sa loob ng kotse.
Pagpasok sa pangunahing pinto ay panay ang yuko niya dahil baka makilala siya ng mga empleyado ng BC. At sa wakas,nasa loob na sila ng elevator.
Hindi alam ni Schiyev kung bakit bigla sumama ang pakiramdam niya gayong nakakayanan na niya ang sumakay sa loob ng elevator. Bigla na lang siyang nahilo at nahimatay pagdating sa ika 45th floor.
Imbes kasi si Director Choi ang kakausapin nila,si Zu na kasi ipinasa ni Lolo sa huli ang pakikipag meet sa empleyado ng kompanyang pinagtatrabahuan ni Hanz at Schiyev.
” Diyos ko ..” dalangin niya habang napapikit ng mga mata.
” Schiyev…ok ka lang?” Nag aalala naman si Hanz nang makitang namumutla ang babae. ” Schiyev….”
Saktong pagdating ng 50th floor ,tuluyan ng nawalan ng malay si Schiyev.
” Schiyev….schiyev..” panay ang tawag ni Hanz sa kanya. Nasa bisig na niya ito.
Sakto ring pagbukas naman ng pinto ng elevator , bumulaga sa harapan ni Zu ang nakahigang si Schiyev at nasa kandungan ng ibang lalaki. Nanlaki ang kanyang mga mata at sinambit ang pangalan ng asawa.
” Schiyev?!” Sigaw niya at dali daling pumasok ng elevator upang lapitan ang asawa.” Yoebo…yoebo..” pukaw niya rito.
Samantalang si Hanz naman ay nagulat rin nang makita si Zu. Alam niyang kompanya ng huli ito kaya aasahan niyang makikita niya ito rito.
Ang hindi niya lang inaasahan ay ang malamang magkakilala sina Schiyev at Zu at tinawag pa itong Yoebo ng huli. Ang katagang lagi niyang tinatawag dito nong sila pang dalawa ni Zu sa korea.
Isinantabi muna nina Zu at Hanz ang tungkol sa kanilang dalawa noon. Inagaw ni Zu sa bisig ni Hanz si Schiyev at patakbong pinasok sa opisina niya. Sumunod naman si Hanz.
” Yoebo…wake up.” Ginigising ni Zu su Schiyev na nakahiga sa sofa. ” Schiyev…”
” Be..Bekket..” mahinang tawag ni Hanz sa kanya. ” Nahilo yata siya sa loob ng elevator.”
” Alam ko. Ganito talaga siya kapag nasa loob ng elevator. Pero hindi ko akalain na mawawalan siya ng malay. ” Ani Zu.
Maya maya….
” I miss you…” Bulong ni Hanz sa kanya at napalingon naman si Zu.
” Shut up. ” Diin niya. ” Sinadya mo to no?” Tumayo at bahagyang lumayo kay Schiyev. ” Sinadya mong isama siya rito para sabihin mo ang tungkol satin noon!”
” Bekket…no! Sinabi ng boss namin na isama ko siya dito. Hindi ko naman alam na magkakilala kayo.”
” Hindi lang kami magkakilala. Asawa ko siya.” Hayag ni Zu.
” Huh? What?!”
” Ayaw mong maniwala?”
Inilabas ni Zu ang kanyang telepono at pinakita kay Hanz ang larawan nila sa kasal.
” I cant believe it.”
” You will.”
“Bekket…paano tayo?”
” Wala ng tayo,Hanz. We’re over. Past is past. ”
” No!”
” Hanz,please…move on. Coz i already did it a year ago. Were done.” Pagkatapos ay bumalik kay Schiyev. ” Umalis ka na. ” Bahagya niyang nilingon si Hanz.
” Paano siya?”
” Asawa ko siya kaya ako na ang bahala sa kanya.”
Walang nagawa si Hanz kundi ang umalis na. Saka na lamang bumalik kapag nag sink in na sa utak niya ang mga sinabi ni Zu. Hindi lang talaga siya makapaniwala na nagka asawa ang lalaking minahal niya ng isang taon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top