Inside Me Chapter 1


Inside Me
By: Abby_nyl
*Chapter 1
(Present)
Naglalakad ako sa tabing dagat nang may natanaw akong batang lalaki na umiiyak habang naka upo sa buhanginan at hawak niya ang kaniyang kamay. Patakbo akong lumapit sa kaniya para tulungan at patahanin ang kung sino man iyon. “Anong nangyari sa iyo bata? Ayos ka lang ba?” Tanong ko sa kanya at lumuhod ako para makita ang namumula niyang kamay. “N… Nasipit ako ng bad na maliit na crab.”sambit niya habang umiiyak parin ng umiiyak. Marahan kong ninaplos ang kaniyang daliri at marahang hinalikan iyon. Napansin kong kumalma sa pag iyak ang bata kaya napatingin ako sa kanya. “Wha..what are you doing bata? Bakit mo h.. hinakilan kamay ko?” Tanong niya sakin habang pinupunasan ang luha niya gamit ang kabila niyang kamay. “Sabi kasi sa akin ni mama, may magic daw ang kiss. Mawawala yung sakit at tatahan ang kung sino man yung nasaktan.” Tumawa ako nang makita kong nakakunot ang kanyang noo. ” And by the way, it’s hinalikan not hinakilan.” Pag papatuloy ko. Biglang namula ang kanyang mukha at nag iwas tingin sa akin. Nakita ko rin na tumangos ang mamula mula niyang labi na totoo namang bagay sa kaniyang ilong. Ang makapal niyang mga kilay at ang mga malalalim niyang mga mata ay totoong nakaka akit. Bumalik ako sa reyalidad nang mapansin ko siyang naka titig sa akin. Umiwas ako ng tingin at ramdam ko na nag iinit ang pisngi ko. Binitawan ko ang kaniyang kamay at tumayo. “Magiging maayos rin iyang daliri mo.” Sabi ko at lumakad palayo. Narinig ko siyang tumawag ngunit hindi ko siya nilingon. Nasa isip ko parin ang perpekto niyang mukha at ang malambot niyang mga kamay. Napahinto ako sa paglakad nang may humawak sa dulo ng dress na suot ko. Nilingon ko ang kung sino man iyon at nakita ko ang batang lalaki na iniwan ko kanina. Nag iwas tingin siya nang magtama ang aming mga mata at napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa damit ko. “I f.. forgot to ask your name. Can I know what your name is? P… please? ” Napatingin ako sa kaniya at napangiti ako nang makita kong muli nanamang namumula ang kaniyang mga pisngi. “Im Kristine, Kristine Lleva.” I offered my hand to him at napatingin naman siya doon. “Im Lhil Sayco,” sabi niya at inabot ang kamay ko. Nagulat ako nang hinalikan nito ang likod ng palad ko at nakangiting tumingin sa akin. “Can i marry you miss Kristine Lleva?” Taas noo niyang tanong sa akin.
Nagising ako sa reyalidad nang yakapin ako ni Lhil mula sa likuran ko. “Anghilig mo talaga yumakap mula jan Darling.” Marahan akong tumawa.” Bakit tulala ang mahal ko? Anong iniisip mo? Mga kabit mo ba? ” Sabi niya at isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Tumawa akong muli, “Baliw, ikaw lang naman ang mahal ko. Ikaw lang at wala nang iba.” Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin, “Ano iniisip mo kanina?” Saad niya. “Wala yun, naalala ko lang yung mga oras na una tayong nagkakilala.” Marahan akong tumawa, “Yung oras na sinabi mo sa akin na, can i marry you?” Panggagaya ko sa kung paano niya sinabi ang mga katagang iyon. Nagdulot ng kiliti saakin ang pagtawa niya habang naka siksik ang mukha niya sa leeg ko. Bigla siyang umalis sa pag kakayakap at tumakbo doon sa medyo may ka edaran nang babae na nag titinda ng ice cream. Natawa ako nang maalala na paborito nito iyon at mukha siyang bata na sabik na sabik makabili at makakain ng ice cream. Lumapit ako sa kaniya at inabutan niya ako ng isa sa binili niya. Paalis na kami ng hawakan ng babae ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at...


nakita ko siyang titig na titig sa akin na para bang kinikilatis ang buong pagkatao ko habang naka tingin sa mga mata ko. “Magkakaroon ka ng matinding pagdadalamhati iha. Paglalaruan ka ng tadhana kaya ngayon palang ay ihanda mo na ang sarili mo. Marami kang uubusing luha, maraming karayom ang tutusok sa puso mo. Mag ingat ka iha dahil pagbumitaw ka, mawawala ang isang kinabukasang higit pa sa inaasahan ng lahat sa iyo.” Sambit ng babae bago bitiwan ang aking kamay. “Ano po ang sinasabi mo? Hindi ko po maintindihan.” Tanong ko ngunit hindi na niya ako napag tuunan pa ng pansin nang may mga batang bumili sa kanya. “Alis na tayo Darling? Marami pa akong gusto ipakita sa iyo dito sa park. Huwag mo nalang pansinin ang sinabi nung nagtitinda ng ice cream.” Sambit ni Lhil saakin kaya winaglit ko nalamang sa isip ko ang sinabi sa akin ng nagtitinda ng ice cream.
Nang makauwi na kami ni Lhil ay yumakap at nangamusta si mama sa naging date namin. (Oo nag date sila, inggit yung nag babasa, chrt). Nag mano muna si Lhil at nakipag beso kay mama bago sumagot sa kanya. “Maayos naman po mama, nag enjoy naman po si Tine.” Nag atuloy sa kwentuhan ang dalawa habang nag hahanda ako ng maiinom at makakain nila. Ngunit nabitawan ko ang basong iniinuman ko nang sumakit ang puso ko. Nabasag ito kaya naalarma ang mga tao sa kusina. Napaluhod ako dahil sa hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makahinga at nanlalabo narin ang mga mata ko. Naramdaman ko nalang ang yakap ni Lhil habang nag hahabol ako ng aking paghinga at iyon ang huli kong na aalala nang mawalan ako ng malay.
Nagising nalang ako sa isang puting kwarto. Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Lhil doon na natutulog habang hawak ang kamay ko. Nakita ko naman si mama na kausap ang doktor ngunit hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila. “Ma, bakit po ako nandito?” Tanong ko kaya tumingin sa akin sila mama. Malinaw kong nakita ang mg luha sa kaniyang mga mata na dahilan kaya ako nag taka. “Bakit ka umiiyak ma?” Tanong kong muli. Lumapit siya at humagulgol habang mahigpit akong niyayakap. Nagtatakang napatingin ako sa doktor, “Ano pong mayroon doc? Ano pong nangyari?” Tanong ko ngunit nag iwas tingin sa akin ang taong tinanong ko. Naramdaman kong gising na si Lhil sa tagiliran ko kaya nagtaka rin akong tumingin sakanya ngunit isang kipit balikat lang ang natanggap ko. “Pasensya na anak, hindi ko kaya sabihin sa iyo. Ayoko sabihin sa iyo kasi ayoko rin maniwala. Hindi ka mamamatay, gagawin ko ang lahat para hindi mangyari iyon anak.” Natulala ako sa sinabi ni mama sa akin. Para akong lumubog sa isang nag yeyelong lawa sa nalaman ko. Ako? Mamamatay? Paano? ” Anong sinasabi mo ma? Hindi ako mamamatay. ” Sambit ko at pabirong tumawa ngunit hindi ko natakasan ang luha na kusang kumawala sa nga mata ko.” You are diagnosed with a heart disease, lumalaki ang puso mo at kailangan nating maagapan ang sitwasyon mo. Kung hindi natin magagawang agapan ang sakit mo, maaaring sooner or later ito ang pumatay sayo. ” Sabat ng doktor. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko tulala ako habang lumalandas ang luha sa mga mata ko. Ramdam kong humigpit ang hawak ni Lhil sa kamay ko, ramdam kong nanlamig rin ang mga kamay niya ngunit hindi ko iyon nagawang pagtuunan ng pansin. Paano na ako, ano nang mang yayari sa akin? Marami pa kaming plano ni Lhil, marami pa akong gustong gawin. Bakit naman ganito. Tahimik akong umiiyak, lumuluha at namimighati. Paulit ulit kong tinatanong sa sarilu ko na sa dinami dami pa ng tao, bakit ako pa?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top