Isa Akong Ina Kabanata 4


Inulit ko ang pagbasa dahiL baka mabasa ko na ng maayos ang nsa pisara..
“erkwek “,bulong ni Dadang..
Narinig ko yun kaya khit di ko nman talaga alam basahin ay nabasa ko..
“erk’kwek “, basa ko..
Nagpalakpakan ang mga klasmeyt ko..
“wow! Merlita.. Ganyan dapat ha? “, sabi ni Mrs Tiu..
Tumango ako at nakangiting umupo..
“EARTHQUAKE,Ano ba sa tagalog ang blah blah blah.. “,
Di ko narinig at naintindihan pa ang sinasabi ni Maam dahiL may bumabato sa akin ng maliliit na bato..
At kilala ko na kung sino..
Si BADONG NA NAMAN!
Inis akong tumingin sa kanya.. At nakita ko kung paano to ngumisi ng nakakaloko..
Talagang inaasar nya ko..
“Humanda ka sa akin “, usaL ko sa isip ko..
Oo.. Di ako papayag na di ako makaganti sa kanya.. Naiinis na ko at ayaw ko ng magtimpi pa..
Nung uwian ng araw ding yun ay kinausap ko si Dadang habang binabaybay nmin ang daan pauwe sa amin..
Sa daan ay madaming nakakakalat na baka dahiL pastuhan ito (kulungan ng baka) ..
At kapag minaLas ka.. Tumakbo ka na dahiL tiyak di ka bubuhayin ng bakang hahaboL sayo pag naabutan ka nya..
Kaya kapag may baka sa daanan namin kung saan saan na kme liliko para lng makaiwas sa mga baka dahiL talaga nmang nakakatakot sila..
“Bilisan mo! “, sigaw ni Dadang na nasa kabilang bahagi na ng baylbwire.Yung wire na may mga tusok tusok..
Di ko alam kung pano akong nakalusot sa wire na yun ..basta ang alam ko mas takot akong map*tay ng mga baka kesa magtusok ng wire..
“natakot ako! “, hingaL na wika ko sa pinsan kong si Dadang na katulad ko ay hingal din na nakahiga sa tabi ko
“ikaw lng ba? Yung espirito ko nga nakaakyat na ata sa langit kanina.. Buti pumalik pa sa katawan ko! “.sabi nito..
Natawa ako at sya dahiL sa sinabi at nangyare kani kanina lng..
Yung mga ibang ksama namin.. Di ko alam kung nsaan na.. Basta ang alam ko nagtakbuhan din sila kagaya namin ni Dadang..
Nagtatakip siLim na kaya nagmamadali na kmeng umuwe ng bahay namin ni Dadang..
“yung usapan natin bukas “, sabi ko kay Dadang bago kme naghiwalay ng daan ..
Ngumisi lng si Dadang at tumango..

Kinabukasan..
Maaga kmeng pumasok ng schooL..
Habang nasa daan ay pinakita sa akin ni Dadang ang baging at isang de tupi na kustsiLyo..
“tatakotin Lng nman natin sya “, sabi ko..
“Di ka ba natatakot? Baka ipakulong tayo ng nanay nya “, sabi ni Dadang na ikinagisi ko…
“bkit nman? Tatakutin nga lng e “, sabi ko..
Di na nagkomento si Dadang at nagpatuloy nlng sa paglalakad ..

Tanghali na at uwian na..
Madalas kmeng tumambay sa puno ng Inyam.. Basta isa yung puno na may maliliit na bilog na bunga,maasim paghilaw at matamis nman pag hinog na..
Ang punong Inyam na yun ay napapalibutan ng puno ng bayabas..
Habang masaya kmeng kumakain ni Dadang at nag uusap.. Pinagsasaluhan ang kanin at daing na ulam ng mga makaamoy kme ng amoy T*e ng tao..
“Ambaho! “, reklamo ni Dadang..
Khit ako ay nasuka ng maamoy ko yun..
Narinig ko ang paghalakhak ni Badong at alam ko na agad na sya ang may kagagawan kung bat nangamoy t*e ang pwesto namin ni Dadang..
Sa asar ko ay agad ko syang hinawakan sa braso..
“anong ginagawa mo tanda!?”, tanong nitong tila d man Lang natakot…
Ngumisi kme ni Dadang..
“talian mo sya Dang at takman mo ng goodmorning(towel) yang bibig ng sutiL na yan “, utos ko kay Dadang..
Inis na inis na talaga ako sa mga pinagagawa nya..
Agad na sinunod ni Dadang ang utos ko..
Tinali nya ang kamay pero hindi nya binusalan ang bibig ni Badong..
“ikaw naiinis na ko sayo ha? Porket anak ka ng prinsipal ay pwede ka ng manggag* ng kapwa mo “, sabi ko habang pinapakita ko ang kutsiLyo na de tupi at niLalaro laro ito..
Pero sa halip na matakot ay ngumisi pa ito kaya lalo akong naasar..
“gusto mo saksakin na kita? “, tanong ko..
“gawin mo para makulong ka na tanda “,..
Kunyare kong tinaas ang kutsiLyong hawak ko para takutin lng sya kso lng ay sinipa nya ko sa paa kaya natumba ako at nadaplisan ng kutsiLyong hawak ko ang mukha nya..
“ay! Dyosko po!”, sigaw ni Dadang..
Agad akong nakaramdam ng subrang kaba ng bigLang nagsusumigaw si Badong..
“aray ko po!!tuLong! P*patayin ako ni Marlita! “, sigaw nito..
Di ko na alam ang gagawin ko..
“.. Pasesnya na! “, nauutal kong wika at akma ko syang hahawakan...


ng bigLa akong hinili ni Dadang..
“Tara na Merling.. Baka bogbogin tayo ng mga kamag anak nyan! ” sabi nito pero umiling ako..
Lumapit ako kay Badong na nakaupo at umiiyak..
Agad kong kinalagan ang kamay nitong may taling baging..
“pasesnya ka na.. Di nman talaga kita —-
Pero di ko na natapos ang sasabihin ko ng pwersahan akong hinila ni Dadang..
Nilingon ko pa si Badong na sapo sapo ng kamay ang dumudugong pisngi..
Alam kong daplis Lang yun pero dahiL sa ginawa ko baka makulong nga ko lalo na’t kaya akong ipakuLong ng Mga maguLang nya..
“Kasalanan ko!” wala sa loob na sabi ko..
“tsk.. Wala kang kasalana ..di mo sinadya yun! ” sabi ni Dadang..
Umiiyak ako habang pauwe sa bahay..
Di na kme pumasok ng klase dahiL tiyak na nangangandalaiti na ang Principal namin dahiL sa ginawa ko sa anak nya…
Subrang kaba ko pagkauwe ko sa bahay..
Alam kong mamumrublema ng Subra si Nanay at Si Tatay dahiL sa ginawa ko..
“Napakab*bo ko talaga! “sabi ko sabay punas ng luha ko bago pumasok ng bahay..

Tama nga ako.. DahiL sa ginawa ko ay pinatawag ang Nanay at Tatay ng kapitan..
Kabandong kabado ako habang inaantay ang pagbabalik niLa..
Subra subrang panalangin ko..
Alam kong galit na galit si Tatay at Nanay mamaya pag uwe dahiL malalaman na niLa ang ginawa ko..

Tila walang lakas si Tatay na naupo sa upuan naming gawa sa kahoy..
Samantalang si Nanay ay dere deretsong pumuntang kusina para uminom ng tubig.
“Merling. Halika nga dito “, tawag ni Tatay sa akin..
Nakayuko ang ulo at dahan dahang lumapit sa kinaroroonan ni Tatay..
“Anong ginawa mo? “, tanong nito pagkalapit ko..
Naiyak ako dahiL galit ang boses ni tatay..
“Di ko po yun sinasadya Tay “, umiiyak na turan ko sa tatay kong galit na nakatingin sa akin..”binubully nya kse ako e. Tsaka sinipa nya ko kaya di ko sinasadyang madaplisan sya ng kutsiLyong hawak ko “,
“saan mo nakuha ang kutsilyo? “, tnong ni tatay…
Ayaw kong ipahamak si Dadang kaya nagsinungaling ako..
“Napulot ko po sa daan..”,
“ang laking problema ng ginawa mo Merling “, sabat ni Nanay.. “di ka na makakapag aral dahiL sa ginawa mo ay mawawalan pa tayo ng katulong sa ating hanap buhay “,
Agad akong napatingin kay Nanay..
“bakit po? “, tanong ko..
Kung di na ko makakapag aral dahiL sa ginawa ko ay ok Lang sa akin pero yung mawawalan daw kme ng katuwang sa hanap buhay ,yun ang di ko maintindihan..
“Ibebenta ang kalabaw dahiL ibabayad sa danyos dahiL sa ginawa mo.. DahiL kapag di tayo makpagbayad sa susunod na linggo ay ipapadampot ka na ng pulis dito khit sabhing menor de edad ka pa.. “,sagot ni Nanay..
Nakaramdam ako ng takot at lungkot..
DahiL sa ginawa ko ay ang laking problema tuloy ng ibinunga nito..
“patawad po Tatay.. Nanay “, tanging nasabi ko..
Niyakap nlng ako ni Nanay at Tatay dahiL wala na rin nman silang magawa dahiL nangyare na..

Di na nga ko nakapasok at wala na rin kmeng kalabaw ngayon..
Di rin nman ako sinumbatan ni Nanay at Tatay dahiL sa nangyare kaya nakokonsensya ako..
“Hoy! Merling! “, boses ni ate Bering..
Nasa balon ako ngayon para mag igib ng maiinom na tubig..
“Ate Bering.. Kelan ka pa dumating? “, tanong ko..
“kahapon Lang! ” sagot nito”ano yung nabalitaan ko.. Sabi ni Maam Karla mo ay kaya ka daw nya pinaalis dahiL daw niLal*ndi mo ang asawa nya! ”
Umiling ako agad dahiL di yun totoo..
“talagang masama ang ugali nya! ” sabi ko..
“Oh hayaan mo na.. Balak mo bang bumalik pa ng Maynila? May kakilala akong nagpapahanao ng yaya sa dalawa nyang anak! “sabi nito..
Agad na kumislap ang mga mata ko…
“oo nman.. Ang tanong mabait ba ang amo? “, tanong ko..
Ngumiti si Ate Bering..
“oo.. Subra kaya ano sama ka na? “,
Sunod sunod ang pagtango ko..
Pupunta akong mayniLa ng makabawe man lng kay Nanay at Tatay dahiL sa nagawa ko..
“sge papaalam ako “, sabi ko.
Nagpaalam na rin ako para makauwe sa bahay..

Pumayag din nman si Nanay at Tatay..

Habang nasa byahe ay halo halong emosyon ang nararamdaman ko..
Masaya dahiL mabibilhan ko na ng kalabaw si Tatay
Lungkot dahiL miss ko na agad si Nanay
At kaba dahiL d ko alam kung anong kapalaran ko pagdating ng MayniLa..
“SANA SA PAGKAKATAONG ITO.. SWERTIHIN NA KO!
– ITUTULOY
Sensya na.. Busy talaga ako dahiL may pasok na po ang anak ko..
Start na ulit sa ModyuL.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top