It’s All About Wealth


PROLOGUE
Ab*rtion? Tch! Sa pagpaplanong ‘yan ni mama ay normal parin naman ako, kaso ang puso ko ay hindi. ‘Wag niyong isipin ‘yon ng literal, kasi hindi naman sakit ang mayroon ang puso ko, kun’di ang poot na itinanim niya sa’kin mula nang malaman kong ganoon pala ang gusto niya habang nasa sinapupunan niya palang ako.
“Jesieca! May lakad kami ng ate mo, pumarito ka na muna sa ngayon, ha?” sigaw ni mama habang naglalakad na papalabas ng bahay.
“Ma, may lakad po ako ngayon, eh. Kailangan ako sa school.”
“Aysus! ‘Wag ka nang tumuloy! Walang tao ang bahay kung aalis ka pa!” napakamot nalang ako ng batok saka naupo sa luma naming sofa!
Papaano ba naman kasi, nag-apply akong student assistant ng school tapos ngayon, hindi ako makakapunta? Nakakahiya naman, pangatlong beses ko pa sanang papasok kaso hindi na agad ako makakaduty! Itinext ko nalang ang mga kasamahan pati ang guro na nirereportan ko kada duty ko bilang SA na hindi ako makakapunta, naintindihan naman nila ako dahil sinabi ko narin naman ang sitwasyon naming magpamilya sa kanila.
“Jesie, siguruhin mo raw na makakaduty ka bukas, may bagong SA na nakuha ang school. Ikaw ang nakatokang turuan at alalayan ‘yon sa mga gagawin since hindi ka nakaduty ngayon.” mahinang binasa ko ang text ni Jude.
Si Jude ang nagkumbinsi sa’kin na pumasok bilang SA sa school na pinapasukan ko ngayon para man lang matubos ng school ang tuition fee ko dahil hindi namin mababayaran lahat ng gastusin sa iskwelahan. Naging kaibigan ko narin siya dahil sa angking bait niya.
Hindi ko tinanggihan ang sinabing ‘yon ni Jude para makabawi man lang ako sa absent ko ngayon. Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa school para maghanda bago dumating yung bagong SA na tutulungan ko. Inayos ko muna ang ibang trabaho ng mga kapwa SA ko na hindi nila natapos kahapon. Maya maya rin ay dumating narin ang hinihintay ko!
“Goodmorning? Ikaw ba si Jesie?” kunot ang noo kong nilingon ang nagtatanong!
“Ahh, oo! Ikaw siguro yung bagong SA?” tumango siya kaya mabilis ko siyang inilibot sa buong building na siyang naka-assign sa aming dalawa sa araw na’to. “Dito yubg tambakan ng papeles. Lahat ng hindi na masyadong nagagamit o kaya ay mga pending na papeles na hindi na kinukuha o ina-update ng may request, dito lahat napupunta.” matapos kong ipakita sa kaniya ang stock room ng mga papeles ay inilibot ko pa siya sa bawat silid at sulok ng...


building at kwarto.
Nang sumapit ang alas dose ng tanghali ay niyaya ko siyang sumabay kumain sa’kin kasi marami pa siyang dapat malaman, alam kong gaya ko ay malilito at mahihirapan siya dahil sa dami ng gagawin namin kada araw. Pero balewala ‘yon kung magtutulungan kami, lalo pa at iniligay siya sa parehong position sa’kin!
Ilang araw rin ang lumipas at nagsimula na ang kalbaryong hatid ng pagS-student Assistant ko, namin. Dumarami na ang ginagawa namin dahil magsisimula na naman ang pasukan. Pero sa hindi ko inaasahan, habang naglalakad ako papuntang office ng mga guro ay nabangga ako ng iilang lalaki na siyang nagdadaldalan lang sa daan! Nagsiliparan ang mga papel na nasa loob ng dalawang box na ang isang box ay ihahatid ko pa sa stock room!
“Hala!” iyon lang ang bulalas ko at mabilis na lumuhod para ayusin ang mga papel! Saka ko nalang namalayan na may tumulong pala sa aking ligpitin ang ibang papel na naglikiparan na sa malayo-layong parte ng hallway!
“Pasensya ka na miss! Eto lang ang maitutulong ko!” sigaw ng isang lalaki at mabilis na inabot sa akin ang iilang papel at nagmamadaling tumakbo! Napabuntong-hininga nalang ako sa nangyari at inulit ang pagse-segregate ng mga papel na naghalo halo na!
“Jesie?” hindi kaagad ako nag-angat ng tingin sa tumawag sa pangalan ko dahil hindi pwedeng mawala na naman sa isip ko ang pagkakaiba-iba ng mga papel! “Jesie?” tawag ulit nito sa’kin kaya mabilis na tiningnan ko lang ito saka ulit ibinalik ang tingin sa papel! “Sorry?” akala ko ay tatawagin niya na naman ang pangalan ko pero sandali akong natigilan sa narinig at binalewala rin agad ang sinabi niya.
“Kung ‘yon ang inilapit mo sa’kin umalis ka na. May ginagawa ako.” kahit anong istorbong gawin niya sa harap ko ay hindi ko na talaga siya pinansin kaya tinuldukan niya ang huling mga sinabi niya bago siya umalis.
“’Wag mong kakalimutan ‘to, Jesieca. Hindi ako titigil hangga’t ganiyan ang pakikitungo mo sa’kin.”
‼️AUTHORS NOTE‼️
Sa katapusan na ang book cover. Mag-uupdate ako sa kung kailan ko gusto, ayaw kong nape-pressure ako dahil nawawala ang takbo ng storya sa utak ko. Comment lang kung may tanong, may komento sa story, o kaya ay may personal na tanong sa’kin. Kung ireremind mo naman ako tungkol sa update ng storyang ‘to, I-MESSAGE mo nalang ako. Salamat!
Ang haba o liit ng sukat ng updates ko ay depende sa nasusulat ko kaya sana maintindihan niyo. Salamat! Magandang gabi!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top