PUSONG SINUNGALING ” – PART 2


KABANATA 2 – ( Ang tapatang Rea at Rosana)
Pinagmasdan ni Rosana si Rea mula ulo hanggang paa…
” Grabe, Rea mukhang mamahalin ang mga alahas na suot mo, ang damit mo ang ang ganda mukhang gawa sa ibang bansa at ang sapatos mo nangingintab rin at parang original… yan ba ang bunga ng paghuthot mo ng yaman kay Rolly? panunuya ni Rosana kay Rea.
Lumapit ng koonti si Rea kay Rosana, idinikit niya ang kanyang bibig sa tainga ni Rosana.
” Sayang maganda ka pa naman Rosana kaya lang ang talas ng dila mo, wag kang maingay dito hindi pa ko nakakaganti sayo at hindi ka pa nakakabayad ng kasalanan mo sa akin, sa pag-agaw mo sa akin kay Rolly.”
Bulong ni Rea kay Rosana.
” Aba, hindi lang pala panlabas mong anyo ang nagbago pati pag-uugali mo Rea.”
Kibit balikat ni Rosana na nakataas pa ang kilay nito.
” lahat nagbabago Rosana, walang permanente sa mundong ito, kahit ang ganda mo mawawala yan kapag di kapa umalis sa harapan ko.”muling paglapit ni Rea at muling bumulong kay Rosana.
” May lilinawin lang pala ko bago ko umalis, ang natatandaan ko kasi ikaw yun nang-agaw, inagaw mo sa akin si Rolly, kaya ikaw dapat ang magbayad ng kasalanan mo sa akin.”nakataas parin kilay ni Rosana habang nagsasalita.
“Wala akong inagaw sa iyo Rosana, kusa akong minahal ni Rolly, ako ang pumuno ng mga kakulangan mo ng mga oras na iniwan mo siya.” paliwanag ni Rea.
” So, ano ginawa mo kay Rolly inakit mo siya, ibinigay mo ang lahat lahat, ang sarili mo sa kanya para lang makuha mo siya kahit alam mong ako parin ang mahal niya.” nangdidilat na mata ni Rosana habang nagsasalita.
” Hindi ko siya inakit, ginawa namin yun dahil mahal namin ang isa’t isa.” lumalakas na boses ni Rea.
” Sinungaling ka talaga Rea, malandi ka at ahas ka…” sabay hawak sa maganda, mahaba at makintab na buhok ni Rea.
Bago pa lamang aakma ng pagsabunot si Rosana kay Rea ay biglang dumating si Rollyson na kanina pa hanap ng hanap sa Ina…
Tinanggal ni Rollyson ang nakahawak na kamay ni Rosana sa buhok ng kanyang Ina.
” Sino ka? ano ginagawa mo sa Mommy ko?.” Tanong ng nagagalit na si Rollyson.
Napatitig si Rosana kay Rollyson at biglang nanglaki ang mga mata niya ng makita niya ang mukha ni Rollyson.
” Hindi.., hindi totoo ang nakikita ko, hindi maaari, hindi dapat, hindi totoo.” Bulong niya sa sarili niya at dali dali siyang umalis…
” Ma…! Kilala mo ba kung sino siya? alam mo, parang nakita ko na ang babaeng yun sa isang restaurant tapos tumabi siya doon sa lalaking kamukhang kamukha ko.” wika ni Rollyson.
” Hindi ko siya kilala, hayaan mo na siya anak, huwag mo na siyang pansinin, may sira lang ang...


isip ng babaeng yun, halika na baka iniintay na tayo ng Daddy Edward mo.” wika ni Rea na inilihim na kilala niya si Rosana.
Sina Rolly at Rosana ay nagsasama na pero hindi pa sila kasal ni Rolly.
Nang makarating na sa bahay si Rosana, inihagis agad niya ang dala dala niyang bag at ang mga pinamili niyang magagandang damit at nakita agad ito ni Rolly na noon ay nanonood ito ng tv at nakaupo sa sofa…
” Rolly, mag-usap nga tayo, meron tayong dapat pag-usapan, kailangan mong malaman ang nakita ko, nakita ko si Rea, may anak siya, kamukhang kamukha mo siya Rolly.” Umiiyak na si Rosana habang ibinabalita agad kay Rolly ang kanyang nakita.
Napaisip si Rolly, baka ang batang tinutukoy ni Rosana ay ang batang tila anim na taon lang noon na sumilip sa bintana ng kotseng sinasakyan ni Rea at ng lalaking katabi nito.
” Rolly, natatakot ako na mawala ka muli sa akin, ayokong iwan mo ko, please wag mong babalikan si Rea, pakasalan mo na ko tapos doon na tayo manirahan sa ibang bansa, tapos bibigyan kita ng maraming anak, tapos magiging masaya tayong pamilya…” wika ng tuliro, umiiyak at nakikiusap na si Rosana.
” Tumigil ka Rosana, hindi ganoon kadali ang magpakasal, hindi ganoon kadali maging masaya.” Galit na wika ni Rolly.
” Ang tagal ko naghintay at nagtiis Rolly, siguro panahon na para pakasalan mo na ko, mahal mo naman ako diba? Siguro naghihintay ka lang ng tamang panahon para pakasalan mo ko, sige maghihintay ako hanggang sabihin mo na sa akin na ready kana na pakasalan ako.” wika ng bumabaha ng luha ni Rosana.
” Rosana, matagal rin akong napako sa iyo, sa sobrang sikip hindi na ko makahinga, gusto kong lumaya na at hanapin kung sino yun totoong makapagpapasaya sa akin, pakawalan mo na ko Rosana, pagod na ko sa Relasyon natin, palayain mo na rin ang sarili mo, marami naman magmamahal sayo Rosana kasi nasa iyo na ang lahat ng hinahanap nila, subukan mong magmahal muli, palayain na natin ang isa’t isa Rosana.” Mahabang paliwanag ni Rolly na tila kumakalas na sa relasyon nila ni Rosana.
“At kanino ka pupunta? Sino hahanapin mo? Si Rea? Rolly, may asawa’t anak na si Rea, may pamilya na siya, huwag mo na siyang gambalain pa, masaya na siya sa pamilya niya, Hindi ako papayag na balikan mo si Rea.” wika parin ng nakikiusap na si Rosana.
” Rosana, hindi na ko masaya sayo, masakit mang aminin at sabihin na mahabang panahon na nagsinungaling ang puso ko pero sa totoo lang pagpahanggang ngayon ang tinitibok nito ay si Rea…”
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
ABANGAN nyo po ang susunod pang kabanata sa pagmamahalang Rolly at Rea.
KAPIT lang, TUTOK lang, wala pong bibitaw, marami pa pong mga eksena ang inyong matutunghayan sa PUSONG SINUNGALING PART 2, marami pong salamat…💖💖💖






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top