ITUTULOY ANG PAG-IIBIGAN


ITUTULOY ANG PAG-IIBIGAN
“Hindi ko lubos maisip na nandito ka.”
“Subalit masakit, at di na mangyayari pa.”
“Nalimutan man ng panahon, ngunit ako’y hindi.”
———
Taong pangkasalukuyan.
“Michael, di ka ba talaga sasali sa prom night? Nandoon lahat ng friend natin, ang KJ mo naman yata kung di mo kami pagbibigyan!” Saad ng kausap ko sa kabilang linya. Tanging buntong hininga lang ang nagawa ko.
‘pupunta kaya sya?’
‘kakausapin nya na kaya ako?’
‘ano kaya ang itsura nya kung magkataong pupunta Sya?’
Magulo at puro tanong ang nasa isip ko. Kinakabahan ngunit gusto ko syang makita. Hindi ko man alam kung pupunta sya ngunit inaasahan ko parin.
———-
“Oh dude, haha look so handsome huh!”
“Akala ko ba di ka pupunta?”
“Oo nga naman, teka mukhang may dahilan din kaya pumunta hahaha!”
Sunod sunod nilang pangungutya. Wala na akong naisagot at nakisama na lang sa pagsasaya nila.
Habang abala sila sa pakikipag sayaw at pakikipag usap sa mga kababaihan ay abala naman ang aking mata sa pag iikot upang makita kung nandito sya.
Nagpaalam ako sa kanila upang mag ikot at makita sya. Kaliwa’t kanan, halos buong paligid natanaw ko na pero bigo akong makita sya, ngunit…
“Bagay sayo ang kasuotan mo ngayon!” Para akong nakaramdam ng pagkasabik ng marinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko.
Humarap ako at sya nga. Naglandas ang paningin ko sa kabuuan nya, mula ulo hanggang paa. Kahit kailan ay napakaganda nya. Nagbago man ang kasuotan ay bumagay parin sa kanya.
“Ela…” Akma ko syang yayakapin ngunit umatras sya. Wala akong nagawa at napayuko na lang. “B-bagay din sayo ang kasuotan mo ngayon, napakaganda mo parin.” Malungkot na ngiti ang pinakawalan ko para sa kanya.”Hindi ko lubos maisip na nandito ka.” Dagdag ko.
“Subalit masakit, at di na mangyayari pa.” Sagot nya.
“Nalimutan man ng panahon, ngunit ako’y hindi.” Tugon ko.
Sinariwa ng alala ko ang mga nangyari.
(Taong 1890)
“Magandang gabi tulad ng magandang binibini sa aking harapan!” Pagbati ko saka hinalikan ang kanyang makinis na kamay.
“Magandang gabi rin aking ginoo, talagang nagpatingkad sa iyong itsura ang iyong kasuotan.” Nakangiti nyang saad saakin saka nagsimulang sumayaw sa gitna ng kasiyahan.
Binuo ng mga tula at sulat kamay ang aming pag iibigan. Walang araw na hindi ko sya sinusulatan at inaalayan ng tula. Tatlong araw sa isang linggo kami magkita, gumagawa ng masasayang alala sa dalampasigan at sa ilalim ng punong mangga.
Ngunit batid naming hindi sang-ayon ang kanyang magulang sa aming pag iibigan.
Isang gabi habang nakasakay sa kabayo at naglalakbay pauwi ay bigla akong hinuli ng ilang mga sibilyan at dinala sa isang lumang bahay. Bugbog at sakit ng katawan ang inabot ko. Mas ikinagulat ko ng lumitaw sa harapan ko ang ama ni Ela. Pilit nyang sinasabi na pumayag ako sa kundisyon nya na layuan ko ang anak nya at sabihing...


may iniibig akong iba. Kung hindi ko gagawin ay buhay ng aking ina ang magiging kabayaran.
‘isang napakahirap na desisyon na sanay ginawan ko ng paraan’
Ginawa ko ang ipinag utos ng kanyang ama.
“Layuan mo ako ngayon din, Miguel! Ayaw na ayaw kong lilitaw pa ang pag mumukha mo sa harapan ko. Layuan mo ako!!!” Halos ipag tabuyan nya ako noong araw na sinabi ko ang ipinag utos ng kanyang ama.
Alam ko nasaktan ko sya sa mga sinabi ko ngunit mas nasasaktan ako.
Subalit hindi pa natapos ang kwento. Isang araw ay dali dali akong pumunta sa bahay nila para ayusin ang problema naming dalawa ngunit sinabi ng mga tauhan sa labas na wala na sya doon. Habang nagwawala ako sa labas ng mansiyon nila ay doon na ako hinarap ng kanyang ama saka pinaulanan ng bala.
Hindi ko naipaglaban ang pag ibig ko para sa kanya.
Kasabay ng mga luhang unti unting pumapatak sa lupa ay ang unti unting pag bitaw ko ng mga salitang…
“B-babalik a-ako E-Ela, m-mahal na mahal k-kita!”
Tila isang papalubog na araw ang aking naging sitwasyon sa labas ng kanilang bahay, unti unti nang dumidilim ang aking paningin ngunit napangiti ako sa pamilyar na boses. Humahagulgol sya at nagsusumamong ako’y manatiling buhay. Ngunit huli na, sapagkat ako’y inagaw na ng kamatayan.
—————
(Kasalukuyan)
“Mika Ela…” Pag habol ko sa kanya dahil bigla na lamang syang tumakbo palabas.
“Itigil na natin to Michael! Nagbalik man tayo sa panahong ito pero ibang tao na tayo!” Umiiyak nyang tugon ng humarap sya sakin.
Napailing ako at nagsimula na ring maglandas sa aking pisngi ang aking mga luha.
“Mahal na mahal parin kita Ela, mahal na ma—”
“Mika! Mika ang pangalan ko at hindi Ela, hindi na ako ang Ela na nakilala mo ok, layuan mo na ako!” Sagot nya. Ngunit nakikita ko parin sa pag iyak nya ang sakit na iginuhit ng nakaraan.
“Hindi pwede Ela, nagmamakaawa ako sayo, ituloy natin yung dating tayo, mababago natin yun hindi ba? Magagawa pa nat—”
“Ikakasal na ako!”
Napaawang ako sa narinig ko. Gusto kong ipaulit sa kanya ang sinabi nya ngunit alam ko ang narinig ko.
‘ikakasal na sya.’
Napayuko ako at umiyak.
“Nagbalik ako Ela, p-pero bakit? B-bakit ang daya mo? A-akala ko ba mahal mo ako pero bakit?” Pag hagulgol ko.
Hindi na nya ako pinakinggan at tumakbo na sya. Naiwan akong halos durog ang puso at basag ang pag asang binigay nya sa akin.
————
Note: this is just my fanmade story, inspired by the story ‘I LOVE YOU SINCE 1892’, at kung medyo nalito ka, opo nag reincarnate sila hehe. Credit to the owner of photo. Salamat nakagawa rin ng tagalog story haha. Nangangamoy yata PART 2 ah, haha nangangalay pa naman ako.
//Work of fiction//
-open for criticism
-visit my timeline
~Zai






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. mercado interno de destino buenas noticias para los pequenos contratistas si esta disponible es muy posible encontrarlo

    arilovexpres peluches gigantes jarros personalizados arreglos florales bouquet de chocolates

    https://empresasecuador.com/sucursal-horario-telefono/slim-medical-fitness/

Leave a Reply


top