Kahit ganyan ka, MAHAL PA RIN KITA” Page 7


Tunog ng cellphone ang gumising sa akin sa mahimbing kong tulog. Idinilat ko ang mata ko at bumangon.
“Hello…” Inaantok ko pang sagot sa tawag.
Umagang umaga may tawag agad sa akin, kainis.
“Rose it’s me, Kevin” wika ng isang tinig sa kabilang linya.
“Kevin!?” Gulat akong napatayo sa higaan.
“Oo, bakit sino pa ba?” Wika nito, “at mukhang kakagising mo pa lang”
“Teka sandali maghihilamos muna ako, bakit ang aga mo tumawag eh day off natin sa trabaho at linggo ngayon wala akong pasok” sagot ko sa dito.
“Oo nga day off nga natin, pero sabi ko lalabas tayo para mamasyal” wika nito na natatawa pa.
“Oo na, eto na nga oh, asan ka na ba?” Tanong ko.
“Ito nakatayo sa labas ng pinto ng boarding house mo” sagot nito.
“Seryoso ka, pambihira kang bakla ka, sandali” natatawa kong wika na lang.
Agad nga akong lumabas ng kwarto at tumungo ang pinto para pagbuksan ito. Nadatnan kong may dala itong isang grocery bag at tila namili na ng mga kakainin namin at babaonin para sa pamamasyal.
“Mukhang nakalimutan mo yung usapan natin noong isang linggo ah” kunwaring nagtatampong...


wika nito.
“Sorry na, marami lang akong inasikaso sa paaralan dahil sa susunod na buwan ay deadline na ng mga research paper namin” mahinang sagot ko.
“Sigurado ka, baka naman siya pa rin iniisip mo” wika nito..
“I told there’s nothing to do with him, let’s not talk about him” sagot ko na lang.
“If you say so” wika nito.
Tinulungan ko na siya sa pagaayos at pagkatapos ay agad akong bamalik sa kwarto para makaligo na rin.
Mag iisang taon na rin mula ng umalis ako at bumalik ng Manila, mag iisang taon na ring wala akong balita tungkol sa kanya at hindi na rin ako nagpapadala ng mensahe sa messenger. Si Kevin ay nakilala ko habang nagtatrabaho ako sa isang call center, naging close kami at naging magkaibigan hanggang ngayon.
Alam din niya ang tungkol dun sa isa, he is kind and handsome pero tulad din siya nung isang taong gusto ko at mahal ko. I like him but I can’t love him cuz he already had someone on his life.
Minsan na rin kaming nagaway pero siya ang unang nagsosorry and I’ll forgive him…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top