Kala ko siya na ‘yung “TheBest”


Willing ako ikwento ang past love story ko.
Field trip noon, naka-Meet ako ng isang guy na hindi ko ineexpect na makakatabi ko sa bus. Nung nalaman ng mga kaklase ko na ibang course pala ‘yung katabi ko, kinilig sila, nagsigawan. Nung katabi ko na siya, knowing each other the nagkakwentuhan kami habang nasa biyahe. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya, ewan ko ba kung bakit ganun kahit babago ko pa lang siya kakilala. Ito ang description ko sa kanya, matalino, gentleman, magalang, mapagbigay, mabait, super bait. ‘Pag nakikita niya ako in the field lagi siyang nakangiti sa akin, ngiting abot hanggang tenga e babago pa lang naman kaming magkakilala. Dagdag ko pa, sobrang bait niya, kahit baon niya ibibigay niya sa akin, share daw kami. Napaka giver niyang tao, as in super. At patuloy pa din ang kwentuhan namin. Hindi kami magkapareho ng course. Past forward na natin, mag-uuwian na, habang nasa biyahe pauwi, kinuha niya ang name ko sa Fb at in-add ako at kinonfirm ko. Bumaba na ako ng bus nagpaalam na ako sa kanya, narinig ng mga kaklase ko, aba kinikilig ang mga kaklase ko. Nung umaga na check ako ng fb ko, sa messenger, nag-chat siya sa akin. Pati sa chat napaka maalaga niya, sweet, magalang ganun. Edi iyon nagchat na siya ng nagchat sa akin. Hanggang sa umamin na may gusto raw siya sa akin. (Kaya pala...


nagpapakita siya ng motibo) Araw ng Lunes, may pasok kami. Same iskul ang pinapasukan namin, kaya niya pala tinanung kung saan ang room ko ay gusto niya daw ako makita kaya gusto niya daw ako puntahan sa room ko, sabi ko ‘wag na kasi malayo mapapagod lang siya. Malapit na mag Time ng biglang tinawag ako ng kaklase ko. Girl, may naghahanap sa’yo sa labas. Tiningan ko, siya pala ‘yun, pumunta pa din, binigyan niya ako ng pagkain, ayaw niya akong nagugutom hahaha. At sa mga sumusunod na araw, linggo ganun pa din siya. Kilala din pala ako ng mga kaklase niya at hindi lang iyon, kilala din ako ng Professor niya. Kasi kinukwento daw ako. Kahit papaano nagging masaya ako sa kanya. Nasanay na ako sa kanya ng kaunti hanggang sa naging busy siya, nagworking student siya kasi alam naman natin na madaming gastusin kapag college na, dami ding bayarin. Mga 3 araw pa saka ko nalaman na nagwowork na pala siya. Nawawalan na siya ng time sa akin, Hindi ko sinasabing may gusto ako sa kanya, nasanay lang ako sa kanya. Inunawa ko ang sitwasyon niya pero umiwas siya at umalis kasi ayaw “daw” niya akong masaktan, babalik na lang daw siya pag may time na siya. Totoo naman may work siya at nakikita ko. Pagkalipas ng 3 buwan, nabalitaan ko, may bago siya.
Buti hindi ako nag-expect sa kanya ng malaki





1
Share On Whatsapp

"3" Comments
  1. Clifford john Anonas

    Sana oll

  2. Ate tama yun wag ka aasa sa mga lalaki d nmn sa minamaliit ko ang aking mga kauri may mga lalaki talaga na mahal ka lng sa una tapos iiwan ka rin nila

  3. Nakaka kilig

Leave a Reply


top