KALBONG KUYA


Hindi ako makatawa ngayon dahil nakikita ko ang inis sa muka ni kuya.
“Tatawa ka? O susungalngalin ko ‘yang lalamunan mo?” Pagbabanta ni kuya.
Paano kahapon nagpagupit si kuya syempre kasama ako tapos nong paglabas niya sa loob ng pagupintan nakakunot ang noo niya.
Nong una hindi pako natawa dahil baka un ang trip niyang gupit pero sinabi niya na bulok daw ang pagupitang napuntahan namin kaya naging ganon ang gupit niya.
Kalbo!
“Bulok na pagupintan sabi ko bawasan hindi kalbuhin. Paano nalang ang kagwapuhan ko?” Inis na sabi ni kuya.
“Bagay naman sayo kuya pero mas bagay sayo ung mahab─ Aray!” Daing ko ng hatakin ni kuya buhok ko.
Bakla eh bakla!
“Sakit sakit naman kuya e!” Inis kong sabi habang inaayos ang buhok ko.
“Kasi kasalanan mo!” Umirap pasiya sa akin.
“Kuya? May lahi kabang bakla? Kasi irap ka ng ira─” hindi ko nanaman natuloy ang sasabihin ko ng batuhin niya ako ng unan.. nasa sala kasi kami at naka upo siya sa couch at katabi naman niya ako.
Pag ako hindi naka pagpigil kakaratihin ko ‘to!
“Kuya! Pwede ‘ba patapusi─” Binato nanaman niya ako ng unan. Napapikit ako sa inis.
“Che! Bakla!” Sigaw ko at binato nanaman ako ng unan.
Sasubrang inis ko naglakad ako papasok sa kuwarto niya at kumuha ng brief niya.
Habang naka focus siya sa cellphone niya. Naglakad ako ng dahan dahan sa likod niya. Binuka ko ang brief para mapasok ko sa ulo niya.
Isa, dalawa, tatlo! Mabilis kong sinuot ang brief sa ulo niya.
“SH*tangINA!” Galit na sigaw ni kuya at mabilis na tinatanggal ang brief sa ulo.
“HAHHHAHAHA─” Napahinto ako sa pagtawa ng ibato ni kuya...


ang brief niya sa muka ko.
Binato ni kuya sa muka ko ang brief niya!
“Yuck! Wourkk!” Masuka suka kong tinangal ang brief na dumakit pa sa muka ko ng maibato niya ito.
“HAHHAHAHA!” Tawa ni kuya na napapahawak pa sa tiyan. “Langhapin mo!” Tawa pa niya.
Sa subrang inis ko hinawakan ko ang ulo niya at sinabunutan siya pero……. Kalbo na nga pala sya.
“HAHHAA ano amoy?” Tanong ni kuya.
“Ang baho!” Sigaw ko.
“Hoy! Bagong laba yan ako pa ang ang laba niyan!”
“Oo ikaw nga labang Tae.” Aalis na sana ako ng umakbay si kuya sa akin at sinakal ako ng braso niya.
“Anong sabi mo?” Natatawang tanong ni kuya. Hinimas himas ko ang braso nikuya dahil nahihirapan akong huminga.
“S-sabi ko l-labang tae n-naman!” Maslalong humigpit ang braso ni kuya.
“Anong Tae? Ikaw ang Tae!” Si kuya na naasar.
“Labang Tae kana nga kalbo kap─” mabilis na tinakpan ni kuya ang bibig ko na para bang bata na sinabihan ng nakakainis na salita.
“Anong kalbo? E kung kalbuhin kita ngayon?” Inis na sabi ni kuya na ako namn ay nagpipigil na ngtawa.
“Kalbuhin mo tapos sunod mo ung baba mo kuy─” Sinampal ako ni kuya.
Napahawak ako sa muka ko dahil sa hapdi. Napatingin ako kay kuya na Nakangiti, natatawa? at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
“A-anong baba?” Si kuya na kunware pa!
“Puro ka sampal! Palibhasa bakla ka! Bakla kana kalbo kapa!” Sigaw ko at mabilis na tumakbo papasok sa kuwarto ko.
Buti nga kinalabo ng manggugupit. Thank you kay kuyang manggugupit. Whahahhaha!
Kalbo!
PLAGIARISM IS A CRIME
DON’t Copy my story
Makunsensiya ka.
Written by Zame Write






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top