ISANG GABI SA JEEPNEY”
By: Ken Anderson
[BASAHING MABUTI]
********************
Alas Onse nang gabi natapos ang practice namin sa isang performance. . . Dahil bukas na ito gaganapin at kinailangan naming mag-ensayo ng maigi upang magkaroon ng malaking grado.
At dahil nga maghahating gabi na eh nandito parin ako sa waiting shed mag-isang nakatayo at nag-aantay ng masasakyan.
Malayo-layo kasi ang bahay namin at kailangan pang sumakay ng jeepney para makarating do’n.
Umihip ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko sanhi upang mapayakap ako sa sarili.
Ilang minuto pa ang nakalilipas nang may natanaw akong isang jeepney na paparating– mabuti nalang at may dumaan pa.
Pinara ko ito at agad na sumakay rito– pagka-apak ko palang sa loob ay binalot agad ako ng kakaibang kaba at tumindig pa ang mga balahibo ko pero pinagsawalang bahala ko nalamang ‘to at sinabi agad kay manong yung lugar kung saan ako baba.
Kataka-takang nag-iisa lang ako sa loob ng jeepney niya.
Kinuha ko ang cellphone ko at nilibang ang sarili pero– parang may dumampi sa balikat ko– sobrang lamig na naging dahilan nanaman ng pagtayo ng mga balahibo ko.
Nanginginig kong pinaglaruan ang cellphone ko, pilit ko ring iwinaksi ang kaba at takot na nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o hindi pero feeling ko ang daming matang nakatingin sa’kin.
Iginala ko naman ang paningin ko sa loob pero wala talaga akong makitang kahit na sino.
Napalingon ako kay kuyang Driver– taka ko siyang tiningnan.
Kanina pa siya tingin nang tingin sa salaming nasa gitna ng jeepney niya. . .
“K-Kuya? May problema ba?” Lakas loob kong tanong. . . Umiling naman agad siya.
“W-Wala wala!” Kinakabahan niyang tugon– nagbuntong hininga naman ako at tumungo ulit sa cellphone ko.
Kinakabahan na talaga ako sobra– kitang-kita ko na ang panginginig ko at paninindig ng balahibo ko. . . Feel ko may kasama ako at may katabi pa, ang lamig kase masyado at ang bigat ng Atmosphere sa paligid.
Mas...