AYAW NG GIRLFRIEND KO SA MGA KAIBIGAN KO.


AYAW NG GIRLFRIEND KO SA MGA KAIBIGAN KO.
“Puro ka nalang tropa! Puro nalang sila inuuna mo paano naman ako Angelo?!” My girlfriend shouted.
“Alam mo ang hirap sayo masyado kang makasarili!” sagot ko naman. Halos mag 5-5 years na rin kami ni Raica pero simulat sapul ayaw nya na sa mga kaibigan ko.
Kesyo mga adik daw ito at madadamay pa ako. Oo nga at gano’n sila but still tropa ko pa din sila kaya wala akong pakealam sa sinasabi ni Raica against sa mga kaibigan ko.
“Ayoko sa mga tropa mo pwede bang dumistansya ka naman kahit konti sa kanila?!
“Ito nanaman tayo sa usapang yan Raica! Wala kang karapatang palayuin ako sa kanila!”
“Alam mo ng dahil sakanila nawawalan kana ng oras sakin,” naiiyak nyang saad.
Isa pa tong pagiging oa nya at overthinker ito ang ayaw na ayaw ko sa kanya.
“Bullshit naman Raica, kailan mo ba maiintidihan na hindi lang ikaw yung tao sa buhay ko?!”
“I’m sorry gusto ko lang naman ng attention mo!” sagot nya. Instead na maawa sa kanya mas lalo pa akong nainis.
“Kaya pinapalayo mo ako sa tropa ko! Napaka bulok ng rason mo!” Saad ko sa galit na tono. Nakita ko naman ang panginginig ng mga kamay nya.
“Baby may sasabihin ako, kaya lang naman kita pinapalayo sa kanila kasi hindi ko gusto yung tingin ni-” Umiling ako at hindi sya pinakinggan.
“Ayan gagawa ka nanaman ng dahilan, pagod na pagod na ako sa ugali mo sa totoo lang! hindi ko alam kung normal lang ba na ganito o talagang baliw kana!”
Iniwanan ko sya at lumabas ako ng bahay para makalayo sa kanya, sya yung problem. Naiistress ako sa kinikilos nya.
“Alam mo pare, problema talaga yang girlfriend mo, kung kami sayo palitan mo nalang yan diba mga pare!” saad ng isang tropa ko.
“Oo nga, halata namang nasasakal kana sa kabaliwan ng girlfriend mo!”
Nagsi tawanan sila at tsaka tumungga ng kanikanilang alak na hawak.
Ako naman ay nag iisip ng paraan kung paano ko to susulusyunan, sakal na sakal na din ako sa girlfriend ko, siguro nga hindi naman masamang sundin yung tropa pa minsan minsan.
Kaya nag desisyon ako na hiwalayan na si Raica ngayon mismo.
Agad ko itong tinawagan at agad naman nitong sinagot.
“Baby! N-nasan kanaba kanina pa ako nag aalala sayo! Nandyan ka nanaman siguro sa tropa mo! Diba sabi ko sayo layuan mo na sil-”
Hindi ko pinansin o sinagot ang sinabi nya.
“Raica we need to talk,” I said directly.
“W-where are you?!”
“Bar. Don’t be late.” Before she could speak I turned off the call.
After 30 minutes nakarating sya. Nakita ko ang pag mamadali nyang lumapit sakin.
“Baby! Alam mo bang alalang alala ako sayo ha?!” naramdaman ko naman ang panginginig nya habang nakatingin sa mga tropa ko.
Agad kong naramdaman ang mga kamay nya sa pisngi ko pero agad ko rin tinanggal iyon.
“Raica I want to talk to you separately.”
“Ano bang gusto mong pag usapan natin pwede bang umuwi muna tayo ayoko dito!”
“Baby umuwi na tayo please!” Sa pangalawang pagkakataon hindi ko sya pinakinggan.


/> “Maybe we need space!”
“What do yo mean hindi kita maintindihan.”
“Gusto ko nang makipag break sa’yo Raica, sakal na sakal na ako sayo!”
“Baby naman! Nag jojoke kalang diba?! Di naman siguro aabot sa-”
“Well you’re wrong. I’m tired Raica nakakapagod ka palang mahalin,” desidido kong saad.
Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mga mata ng girlfriend ko. Pero anong magagawa ko, pagod na pagod nako sa kanya. Kung hindi nya ako maintindihan, kung ayaw na din sa tropa ko, may be eto yung solution para hindi kami mahirapang dalawa.
Bago sya umalis nakita kong ngumiti sya. Yung ngiting hindi mo makikitaan ng kasiyahan. Pero huli na para ma guilty pa.
1 week passed walang Raica na nangungulit sakin. Walang Raica na mag babawal sakin sa lahat. Wala Raica ilalayo ako sa tropa ko, parang namiss ko nalang sya bigla. Parang gusto ko nalang sya puntahan bigla at makipag balikan sa kanya.
Sobrang tanga ko that time na hiniwalayan ko sya.
Agad akong pumunta sa Apartment na tinitirahan nya pero tanging si Daryll na kaibigan ni Raica lang ang nag bukas sa akin kaya nagulat ako.
“Tangina anong ginagawa mong tarantado ka dito?!” Ayan agad ang bumungad sakin hindi na ako nagulat dahil alam kong may kasalan din ako.
“Daryll si R-raica?” tanong ko. Kailangan ko syang makausap.
“Hindi ko alam kung tanga ka o sadyang bobo ka! tinanong mo pa talaga yan ha?!” Galit na saad nya.
“Ano ang ibig nyong-”
“Putangina! Ang bobo mo yung girlfriend mo namatay dahil sa katangahan mo! Namatay ang kaibigan ko dahil sa mga tropa mo! ni rape nila si Raica nung araw mismo na nakipag hiwalay ka sakanya! mga wala silang puso sa ginawa nila sa kaibigan ko!” Nakita kong umiiyak na din sya.
Ako naman ay napatanga ako sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa mga sinabi nya.
Tangina?! Putangina?!
“Tangina! Hindi totoo yan diba?! Alam kong sinasabi mo yan kasi galit ka rin sakin alam kong nandito ang kaibigan mo!”
Akmang itutulak ko sya pero bigla nalang ako nawalan ng lakas at bigla akong natumba.
“Ilang beses sya noon nanghingi ng tulong na layuan mo yung tropa mo pero anong ginawa mo?!” sigaw nya sakin.
Ako ay nakaupo lang at nakatulala sa sahig.
“sinabihan mo sya ng masasakit na salita! Without knowing na ilang ulit syang ni rape ng tropa mo! yung tropang mas pinili mo sa girlfriend mo! Yung taong pinapangarap ko na sinayang mo! Wala na si Raica wala na sya!”
Tuluyan nakong napahagulgol sa mga narinig ko.
All this time ngayon ko lang nalaman! All this time ilang beses na palang nasasaktan ang girlfriend ko. Tangina ang laking tanga ko para hindi mapansin ang hinaing ng girlfriend ko na unat sapul palang ipinahiwatig nya na sakin. Kaya nya pala ako pinapalayo dahil nasa panganib ang buhay nya pero dahil tanga ako iniwan ko sya at hindi ko pinahalagaan ang sinasabi nya.
Kung sana una palang nakinig na ako sa kanya hindi sana mawawala ang girlfriend ko hindi sana mangyayari ang lahat ng to sa kanya.
Written by: Asumi Penrose






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top