Lahat ng bagay ay dahilan


Yes , true to life nga naman no? I just want to share my experience about being too inlove na halos buong buhay ko binuhos ko na pati kaluluwa ko.

Way back in my college days at a nursing school , syempre tayo kabago bago sa colehiyo seryoso sa pag aaral at uwi agad pagakatapos ng klase.

Second year ako nung , nakilala ko si Paul , same year different section lang. Nakilala ko sya nung may event sa school namin at sumali sha sa miss gay. Tawang tawa talaga ako nun sa kanya , hanggat sa pagkatapos ng event umalis ako kasi ako may pag ka loner din, umupo ako saglit sa hallway ng dumaan si paul suot suot pa costume nya , nakatitig lang naman ako sa kanya pero tilat di ko mapigilang tumawa ulit. Na notice nya ko at sinabing ” di kalayuan ang upuan mo para di kita makitang tumawa ng malakas ” sabi ko sorry tawang tawa lang , nag pakilala sya sabi nya ” ako nga pala si paul , ikaw anong pangalan mo? ” sagot ko naman ay ” ah bloomy pala ” at nag shake hands kaming dalawa at umalis sya umalis din naman ako.

Parang wala naman yun sakin di naman ka gwapuhan.

Days had passed , sakaka scroll up and down ko din sa Friendster , yes tagal no? Friendster pa. Nakita ko yung profile nya , tas nag message ako ” aba pa tulog tulog kalang sa profile picture mo ” at dun na sumagot din sya sa message ko hanggat sa nag ka bigayan na nga ng number ( wala akong jowa that time , studies lang talaga )

To start with , yun na message2x na , kumain kana ba? Anong oras pasok mo? Sched mo sabi nya , or tara ! Vacant ko kain tayo. Hanggat sa nag ka ibigan na nga kami , 1 month na kami ng nalaman ko na kaka break bya lang pala sa gf nya , sabi ko baka panakip butas mo lang ako bat di mo sinabi paul na kaka break up byo lang at ang babae sa iisang school pa. Yun na nga iisang school at nag iinitan na kami ng babae. Hanggat sa sinabi ni paul na ” mahal na mahal kita , prove ko sayo lahat ”

So ako sige okay , mahal din naman kita paul . Hanggat sa pinakilala na sa magulang ko at magulang nya na nasa ibang bansa , na parang mag asawa na, 5 years umabot kami sa 5 years nandun na ang awayan break balik break balik , sa loob ng limang taon na yon , despite ng mga away namin naging matatag at nanatiling matatag kami sa isat isa sabay ng panalangin at guidance ng both parents , ganon ka close parents namin. Hanggang sa grumaduate kaming dalawa sa nursing at naging nurse din , nasa 6 years na kami nun umabot na , sa kanya lang umikot mundo ko waa ng iba , di ko sya niloko di rin ako naging pasaway.

Dun na nag simulang mag trabaho , plans para sa future busy na sa ibang hospital sya ako sa iba din , di naman ako nag kulang ng oras. Sa ika 7 years , dun na , nasa trabaho ako nun sa out patient department , wala talaga sa utak ko ni isang bigkis ng duda , naka tanggap po ako ng messages galing sa kanya , sabi nya ” bloomy , ayo ko na sa relasyong ito , wala na akong gana bloomy puso ko’y parang gusto munang mapag isa ”

Para akong binagsakan ng mundo pati langit na , di ako makaiyak , di rin ako maka imik sabi ko sa kanya ” paul ano ba ???? Seryoso kaba ??? Ano ?? Please pag usapan natin to antayi mo ko puntahan kita sa apartment ! Ano ba to paul ngayon pa na lahat pina plano na sa kasal????? ”

Pagkatapos ng trabaho halos di ako makahinga sa pag pigil nga ng luha at bugso ng nararamdaman ko sakay sakay pa ng jeep di ko alam gagawin ko. At naka rating nga ako sa apartment nila , dali dali akong umakyat sa hagdan balisa pagot luhaan kinatok ko pinto sabing ” mahal ko paul buksan mo pinto please ! ” ng binuksan nya humagulgul ako sa iyak mga kapatid , iyak na parang di mo maintindihan , yakap yakap ko sya niyakap nya rin ako umiyak din sya tanong ko sa kanya ” anong nagawa ko bt mo sinabi yung mga bagay na yun? Ha paul? Umupo kami at hinagkan ko sya ulit ng mahigpit sabi ko mahal na mahal kita paul di ko talaga kayang mawala ka sayo...


lang lahat umikot mundo ko an tagal na natin bat ngayon pa ? Tinitigan ako ni paul sabay sabi na ” patawad bloomy , siguro its time for us to find ourselves muna , gusto ko hanapin sarili ko let’s just be friends nalang muna ”

Ganun kadali , yes ganun kasakit , ganun nadurog puso ko nung gabing yon , wala talaga sa isip ko na mag gaganun si paul ee ,wala talaga pero bakit??? Di nya man lang sinabi dahilan as in wala talaga , alam nyo napaluhod ako sa harap nya humagulgul nag mamakaawa ako na pag usapan at ayusin to lumuhod ako pero sabi nya lang bumangon ka at umuwi na muna please lang tama na to. Sabi ko ayo ko ! Mamatay ako sa sakit paul ni hindi mo man lang sasabihin kung ano ba talaga dahilan , may third party ba ? May pag kukulang ba ako? Di paba ako sapat sayo? Sabay open ng laptop nya pinakita ko sa kanya mga pictures namin with friends , or naming dalawa , at mga pamilya namin sabi ko sa kanya , look at these photos , ang saya saya natin lahat naka plano na sa kasal lahat masaya na ano pa ba kulang ? Para na akong loka loka . Pero wala pinauwi ako ni paul sa bahay, nag lakad ako mag isa ka kalsadang marami pang mga adik pero wala lakad lang ako naka tulala na parang di ko maintindihan bakit.

Umuwi ako ng bahay hinagkan ang nanay ko sabay hagulgul sabi ko ma wala na kami ni paul. Umiyak nanay ko sabay sabi anak nandito ako para sayo mawala man lahat nandito lang ako anak mahal na mahal kita aking anak.

Panay text ko sa kanya di nag rereply , di nako pumapasok ng trabaho deretso lang sa kanya pero wala namn sya sa apartment , nag ka sakit nanay ko 50/50 sya that time doon sya isinugod sa ospital kung nassan nag ta traaho si paul , nag message ako sabi ko paul tulungan mo kami ni mama hinahanap ka nya , sabay sagot ” bloomy please wala na tayo bloomy ”

Para akong mababaliw , pinuntahan ko sya sa area nya , mabuti naman at may mabuting mga kalooban ang mga nag lilinis doon sinabi sa akin ang totoo , na may babae si paul ka trabaho nya dun ako humagulgul ng tapat.

Di ko matanggap lahat , hanggat sa umalis ako papumtang ibang bansa. Isat kalahating taon ako dun. Ng nakatanggap ako ng message galing sa kanya facebook na yun. Sabi nya ” bloomy mahal mo pa ba ako? ” nagulat ako pero sinagot ko ” dalawang bwan nalang at uuwi ako ng pinas , sasagutin ko yan sa harap mo mismo wag dito sa pa message2x lang.

Makalipas ang dalawang buwan ay nakarating ako ng pinas sundo sundo ako ng mama ko. Masaya ako kasama pamilya , 4 days na pahinga sa bahay ay nag kita nga kami ni paul. At doon ko na sinagot tanong nya

Nag lunch kami , after that sabi ko ” nga pala paul sa katanungan mo na ku g mahal pa kita sa got ko nalang ay oo maha pa din kita hinding hindi mawawala yan sa pyso at isip ko naging parte ka ng buhay ko paul , pero ayo ko ng makipag balikan ”
At tinanggap din naman ni paul lahat2 , after nun di nakami nag chat or message man lang. Or nag kita hanggat sa namatay ang nanay ko december 2016. At dun kami ulit nag kita ni paul. Sabi ko noon hinanap ka ng nanay ko ngayon wala na sya paul. Nag pahinga na. Sabay tulo ng luha ko.

Hanggat sa inilibing ang mama ko wala na talaga si paul di na nag pakita. At ngayon nabalitaan ko na na may anak na sya at may asawa.

Masaya ako para kay paul. Pero nandun parin ang longingness ko sa kanya , yung pag mamahal nya , akap at halik , amoy nya na di ma kuha kuha sa isip ko pero wala na.

Mga kapatid , di basehan ang katagalan ng relasyon , hanggat nabubuhay tayo sa mundong ito makaka dama tayo ng sakit at kaba , pero maging matatag tayo sa hamon ng buhay. Di man kami nag katuluyan ni paul gayun pa man ay masaya na ako sa piling ng pamilya ko at kaibigan , di pako kasal hanggng ngayon. Kasi simula noon parang hirap na akong mag trust ulit sa relasyon. In God’s time. Dyos nalang nakaka alam at mag bibigay ng partner na para talaga sa atin. Maging mabuting tao tayo we have to grow . And believe in God’s timing .

Nag mamahal
bloomy 🙂






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. Judy ann Singua

    Nkakaiiyak po yung story..
    Tama ka kailangan lang tagala nating hintayin ang tamang lalake na ibibigay ni God sa atin.

  2. Krissel jane dioso

    Salamat sa story mo my natutunan ako sa story mo salamat ceguro may planu pa c God sa iyo na mas magandang buhay God Bless po

Leave a Reply


top