Lara’s revenge Chapter 13


” Pasensiya kana hon, kung na gising kita? Kailangan talaga kita, lalo na ngayon sa pag luluksa ko” paunmanhin nito sa kanya yakapyakap niya ito.
” Sino kaya sa inyong tatlo ang susunod na pagluluksahan?” sa isip niya
Umupo siya sa tabi nito ” Hon ,handa ako damayan ka dahil magiging asawa muna ako, kaya dapat lang tayo ang nagdadamayan” pinulupot niya ang kamay sa braso nito.
Panakaw siya ngsulyap sa dalawang magkatabi ng upo sa dulo ng mahabang upuan. Nanumbalik sa isipan niya ang ginawa nito sa kanya, pinaniwala siya nitong dalawa na ihahatid siya sa bus terminal namulat nalang siya nakapatong na sa kanya si Mike. at ang boses ni Marco nagpapaalam matapos siyang pagsawaan..Hindi niya nakita ang mukha nito noon pero alam niya ito ang lalaking nagpapalam sa dalawa dahil sinundo ito ng dalawang demonyo bago siya gahasain.
” Aray hon” anas ni Marco ng bumaon ang koko niya sa braso nito
” I-am sorry hon, diko sinasadya” hinilig niya ang ulo sa balikat nito.
” Kumusta na pala ang pakiramdam mo?” alala nitong tanong ng maalala kung bakit siya maagang umuwi sa home coming party ni Abner.
” O-okay lang hon, uminom kasi ako ng gamot, tapos nakatulog ako. Dala lang yon ng pagud sa kakalakad natin ng papers para sa kasal natin”
Nakita niyang tumayo si Abner at naglakad ito papunta sa loob ng morgue.
” Hon, bakit nga pala pinadala si Abner sa dad niya sa ibang bansa?” curious niyang tanong rito.
” Napa-away kasi yan sa restobar. Yong kalaban niya may pera din handang re-resbak. Bago pa may mangyari sa kanya pinadala siya ng ama niya sa London”
Naalala niya ang unang beses na mukhaan niya si Marco sa tv niya ito napanuod nong ini-interview ito ng newscaster. Yon yong napaaway si Abner. Kaya pala ng magtagpo sila ulit nina Anton hindi ito kasama ng dalawa.
“Ano ba kayong dalawa, dito ba talaga kayo nag lalampungan?” inis na saway sa kanila ni Monica ng madatnan sila nito. naglalambingan.
” Monica pwedi ba, ipagpaliban mo muna yan pagiging brat mo” saway ni Marco rito.
Tumayo siya at nagpaalam sa binata bibili ng kape.
Nakailang hakbang na siya ng sundan siya ni Anton. ” Lara samahan na kita” anito ng maabutan siya.
Nginitian niya lang ito.
” Lara, salamat pala sa pagdamay mo sa amin sa pagkawala ni Mike”
” Mabuti ngayon dahil nakikita ko kayong nasasaktan.Baka nga ikaw na ang susunod” sa kaloob looban niya.
” Wala yon, katungkulin ko yon bilang fiance ni Marco. Dapat nasa tabi niya ako, lalo na sa ganitong situation.” tugon niya nagpatuloy sa paglalakad.
” Alam mo ba nong una sinasabi sa amin ni Marco na magpapakasal siya sayo, nabigla kami kasi ang bilis ng pangyayari. Nong nag-abot tayo sa opisina niya, bago ka dumating nag sabi na siya na papakakasalan ka. Grave talagang tama nitong si Marco sa’yo” Napatingin siya rito
” Nagduda naba ito sa kanya?
” Iba talaga tong umiibig si Marco” dagdag nitong napapailing.
Nagkibitbalikat na lamang siya sa mga pinagsasabi nito.
” Lara, hindi ba talaga tayo nagkakita noon?”
Natigilan siya sa tanong nitong ” Namumukhaan naba siya nito?
” Huh? H-”
” Dibali nalang may nakilala kasi ako dati, Lara din pangalan niya” hinagud siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
” Ano ang gagawin ko?” kinabahan niyang tanong sasarili.
” Pero, ang layo niya sayo wala sa kalingkingan mo ang babaeng iyon, kapangalan mo lang yon.”
“Madami naman tayo kapareho ang pangalan. Ewan ko ba sa mommy ko bakit Lara ang pinangalan niya sa akin” patampo niyang sabi rito.
bitbit ang kape binalikan ang binata nakatayo sa labas halatang hihintay siya.
” Hon, ihahatid nakita para makapagpahinga na tayo” bungad nito halata sa mata pagud na pagud na ito.
Pagkahatid nito sa kanya sa bahay nila. Agad siyang naligo para puntahan si Chesca hindi niya ito nakausap pagkatapos ng nangyari. Dahil nong tawagan siya ng ginang at sinabi nito masama ang pakiramdam nito ay taranta siyang iniwan si Chesca hinahabol si Mike kasama...


ng dalawang lalaki sinuhulan nila. Importante sa kanya ang ginang kung hindi dahil rito wala siya sa kinatatayuan niya ngayon. Matapos niyang maligo ay tinungo niya ang bahay ni Chesca. Limang minuto ang nilakad niya bago nakarating sa bahay nito.
” Akyatin mo nalang sa kwarto niya Lara” sabi ng katulong sa kanya ng tanungin niya. Alas nueve pa nang umaga ng puntahan niya ito.
Mula ng makarating siya sa bahay ng ginang si Chesca ang una niyang naging kaibigan. Nagkakilala sila nito ng makita niyang hinahabol nito ang snatcher. Sakto papunta sa direction niya ang snatchers kung saan siya nag aabang ng kotse ay naiharang niya ang isa niyang paa ay nasapid ito at natumba. Laking pasalamat niya ng mabilis din sumaklolo ang mga taong nasa paligid niya ay kinuyog ang snatcher dahil kung hindi napapahamak na siya. Mula noon naging matalik silang magkakaibigan.
Daha dahan niyang pinihit ang seradura ng pinto sa silid ng dalaga ng matapat siya.
Nakatihaya itong nakahiga ng mabuksan niya ang pinto.
” Gumising kana maypag-uusapan tayo” sabay yugyug sa balikat nito.
Nagmulat ito ng mata. ” Ano na ang balita? tanong nito ng makita siya. bumangon ito at umupo sa kama.
” Dead on the spot si Mike” umupo siya sa tabi nito kagagaling ko lang sa morgue.
” Hindi ba nagtaka si Marco nawala ako kagabi?”
” Hinanap ka niya nong papauwi na kamj pero, nagdahilan ako sa kanya nasa hospital ka dahil dinala ang katulong niyo sa hospital”
” Galing mong umarte sa party ha, kunwari hindi mo kilala si Abner” humiga ito.
” Ikaw ngarin diyan eh, galing mong mang-akit” tukso niya rito
” Babae talaga ang kahinaan ng mga rapist na iyon” nagtagis ang bagang niya.
“Salamat talaga Chesca sa pagtulong mo sa akin, akala ko tatanggihan mo ako sa pakiusap ko sayo” aniya rito tumabi ng higa.
” Galit ako sa mga rapist Lara, dahil ang daming inocente ang nagahasa dahil sa mga demonyong iyan. Pero hanggang ngayon ha, hindi parin nag absorb sa akin ang pagpapakasal mo kay Marco. Nagtatampo parin ako na ako ang pinakahulihang nakakaalam diyan. Ang sabi mo gagamitin mo lang para makalapit ka sa mga kaibigan niya nanagdadala sayo sa kapahamakan.
” Ang huli mong sinasabi sa akin nasa farm kayo, tapos bigla nalang kayong ikakasal” nakasimangot nitong sabi.
” Ang bilis din nang mga pangyayari. Nong nag proposed sa akin si Marco sinakyan kuna ang kahibangan niya. At nasa vacation karin kaya inantay ko makauwi ka dahil gusto ko personal ko sasabihin sayo dahil alam ko mag re-react ka kapag malaman mo” paliwanag niya.
” Kaya inayos niyo na agad ang papers niyo para sa kasal? Without thinking? Bakit ba nagmamadali si Marco makasal kayo?” nagtataka nitong tanong sa kanya.
Napaisip narin siya,. Hindi kaya na mukhaan siya ni Marco at nakunsinsiya ito sa ginawa kaya papakasalan siya nito, nang ganon ganon nalang kabilis?”
” Pero bahala na basta ang mahalaga namatay na ang isa nilang kasamahan hayup” sa isip niya.
” Baka takot lang si Marco maagaw ako ng iba kaya gusto na niya akong pakasalan para nakatali na ako sa kanya” paliwanag na lamang niya rito.
” Ewan ko sayo, kinakabahan ako para sayo. Baka ikakapahamak mo iyang pagpapakasal mo kay Marco”
” Mag-double ingat ako. Ang mahalaga ngayon ay hawak kuna si Marco sa leeg”
Bumangon ito” So what is next, and who?” tanong nitong nakatingin sa kanya.
“Hanap tayo ng tyempo, lalo na ngayon nag luluksa sila. Pag-isipan natin mabuti nag tatanong narin si Anton. Kailangan natin mag ingat.”
” Ma swerte tayong na bundol si Mike natakpan ng pagkabundol niya ang nagawa natin” turan nito.
” Kaya nga pag-isipan natin maigi ang susunod natin hakbang”
Matapos ang pag-uusap nila ay nagpaalam na siya umuwi. Nakaramdam siya ng antok. Wala siyang tulog ka gabi. Patulog na siya kagabi nong tinawagan siya ni Marco para ipaalam sa kanya ang nangyari sa kaibigan. Upang hindi ito makahalata sa kanya ay napilitan siyang bumangon para puntahan ito sa morgue para mapanindigan niya ang pagpapangap niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top