Kinuha ni Baste ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Tiningnan ang inbox kung may message galing sa kanyang Auntie Lucia ngunit wala. Tinawagan niya ito ngunit puro ring lang ang kanyang naririnig. Pagkatapos ng ilang tawag na hindi sinasagot pinatay na niya ang cellphone.
Huminga siya ng malalim saka iwinaksi ang hindi magandang imaheng naglalaro sa kanyang isipan. Maaring hindi nito naririnig ang kanyang tawag, dahil abala ito sa kung ano pa mang ginagawa sa bahay. Napapailing na pumasok nalang siya ng banyo.
Naghihintay sa may sala si Baste habang hindi parin mapakali. Patingin-tingin siya sa may pinto na kung saan lalabas ang hinihintay na si Mateo nang bigla naman sumulpot si Timothy. Halatang bagong ligo ito dahil mamasa-masa pa ang buhok nito.
“O Baste,aalis naba kayo?” tanong nito na may pagtataka sa anyo,”mag breakfast muna kayo bago kayo umuwi ready na naman eh.”
“Salamat nalang pare, ok na ‘yong kape na binigay ng maid mo kanina.” Baste said.
“Sure ka? Mabuti narin kumain muna kayo. May dalawang oras din mahi___.” Natigil bigla ang pagsasalita nito nang mapansin ang suot na kuwintas ni Baste.
Nasundan naman ni Baste ang tinitingnan nito. Napayuko siya nang mapansin ang kuwintas na suot ang tinitingnan nito. Wala sa loob na hinawakan ito ng mahigpit saka ipinaloob sa damit.
“Kakaiba ang ku-kwintas mo pare.” Turan ni Timothy sa kanya na sa leeg parin niya nakatingin kahit pinasok na niya sa loob ng kanyang damit ang kuwintas.
“Ito lang ang alaala ng mama sakin bago kami I mean bago niya ko iniwan kay Auntie Lucia.” Hindi maiwasan magkalambong ang mukha niya ng maalala ang ina.
Hindi na nakasagot si Timothy nang sumulpot si Mateo.
“Timothy pare, salamat sa mainit na pag tanggap sa’min dito ah.” Anito ng makalapit sa kanila.
“Wala iyon, welcome kayo anytime dito. Sabi ko nga kay Baste mag breakfast muna kayo bago umalis.”
“Di bale pre pinabaunan naman kami ng sandwich ng maid niyo.” Pinakita pa ang isang supot na pinaglagyan ng sandwich. Napatingin pa ito kay Baste na mababakas ang pagkainip, “saka itong si Baste nagmamadali na kasi hindi daw sumasagot ang Auntie Lucia niya sa tawag.”
Tumingin naman muli sa dako niya si Timothy na biglang nag-alala. ” May emergency ba?” tanong nito.
“Wala naman pare,” sagot ni Baste na sinabayan pa ng iling. “Hindi lang ako sanay na hindi sumasagot sa tawag ko ang Auntie Lucia at isa pa iba kasi___.” Hindi maituloy ni Baste ang gustong sabihin.
“Naiintindihan kita pare. Basta ‘yong napag-usapan natin huh at saka tawagan mo ko pag nakauwi na kayo. At tumawag kalang kung kailangan mo ng anumang tulong.”
Bahagya naman napataas ang kilay ni Baste sa huling sinabi nito na diniinan pa ang salitang anumang tulong.
Tinapik niya si Timothy sa balikat,” salamat ng marami pare. Saka pasensiya na kung nagmamadali kami sa pag-uwi may Ibang araw pa naman.”
“Of course don’t worry. Ingat sa pag da-drive.” Timothy said.
“Paano tutuloy na kami wala ng urungan to pare. Tumawag ka pag lumuwas ka ng Manila para makapag good time naman tayong tatlo. Kami naman ang taya.” Saad naman ni Mateo.
“Sure mga pare ko.” Nagtapikan pa ang mga ito sa balikat.
Hinatid hanggang labas ni Timothy ang dalawa. Kumaway pa siya sa mga ito bago minaniobra ang sasakyan palabas ng resort. Saka lang siya pumasok ng hindi na niya matanaw ang likuran ng sasakyan ng mga ito. Dumiretso siya sa living room kung nasaan ang painting ng mag-anak na Ruiz.
Pinagmasdan niya ang suot na kuwintas ni Alejandro. Kasing laki ito ng isang medalyon na hugis bilog na kulay bronze. Sa paligid ng pendant may nakapalamuting mga mumunting bato. At sa gitna ng pendant ay may nakaukit na parang kastilyo.
Hindi siya maaaring magkamali ang suot na kuwintas ni Baste at ang kuwintas ni Alejandro Ruiz ay iisa. Maraming naglalaro sa kanyang isipan ngayon kung ano ang kaugnayan ni Baste sa pamilya Ruiz? Isang misteryusong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Timothy habang pinagmamasdan ang larawan.
๐๏ธ๐๏ธ๐๏ธ๐๏ธ๐๏ธ๐๏ธ๐๏ธ๐๏ธ๐๏ธ๐๏ธ
Habang daan hindi parin mapalagay si Baste. Muli niyang tinawagan ang numero ng tiyahin ngunit sa pagkakataon iyon ay out of coverage na ayon sa operator. Maging ang numero ng telepono sa kanilang bahay ay tinawagan narin niya ngunit hindi rin sinasagot. Patingin-tingin naman sa kanya si Mateo habang nagmamaneho.
“Sa tingin mo kaya may masamang nangyari kay Auntie Lucia? ” hindi napigilang itanong nito kay Baste. Hindi rin siya mapakali sa nakikitang pagkabalisa ng kaibigan.
“Sana nga wala pero iba kasi ang pakiramdam ko.” Hindi tumitingin na sagot ni Baste dito.
Naramdaman naman niya na bumilis ang pagpapatakbo nito sa sasakyan. Batid ni Baste na nag-aalala din ang kaibigan. Naisip tuloy niya na sana hindi nalang siya umalis ng bahay.
Ang dalawang oras sana na biyahe ay nakuha lamang nila sa isa’t kalahating oras na pagpapatakbo. Mabilis pero maingat na pagpapatakbo ang ginawa ni Mateo,tumanggi narin ito noong unang sinabi niyang siya nalang magmamaneho. Dahilan nito mas mukhang may hang over pa siya kaysa sa kanya. Alam niyang nagbibiro ito pero hindi man lang siya natawa dahil mas nangingibabaw ang pag-aalala niya.
Halos talunin na niya ang pagbaba ng sasakyan. Agad siyang pumasok sa gate ng kanilang...