HIS HEARTLESS LOVE Chapter 2


( Paul Santiban)
___________
—-ContinueFlashback—-
Dahan dahan itinuro ng tatlo si Sherin kaya napa lingon sa Gawi niya si Paul
“Please wag niyopo akong saktan ” mahinang sabi ni Sherin sapat na para marinig ng Apat. Naka siksik lamang siya sa Dulo ng Sasakiyan . Madilim narin ang paligid at tanging ilaw lamang ng sasakiyan ang nag sisilbing ilaw at tanging sila lamang ang Naroon sa Madilim na lugar na yun , wala rin kahit ni isang bahay. Mataas na mga Puno at tanging ingay Lang ng mga insekto ang maririnig.
“Hala nag sasalita siya ” gulat na sabi ni Marco
“Boss nag salita ang White Lady” sabi naman ni Jayson
” boss nakikita niyo po Ba ang magandang multo nayan? ” tanong naman ni Marco kay Paul na seryoso lamang naka titig sa babae.
” hindi po ako multo” mahinang sabi ni Sherin.
” waaaaah boss nag salita nanaman siya. ” sabi ng Tatlo at nag yakapan.
Gustong matawa ni Sherin dahil sa Reaction ng tatlong lalake. Ngunit nanlalambot siya sa paraan ng pag titig sa kaniya ng isang lalakeng Matangkad.
Humarap si paul sa Tatlo at sinenyasan niya ang mga ito na akyatin ang babae ngunit sabay sabay umiling ang tatlo. ..
“Sabi ko ibaba niyo siya at iharap saakin! ” madiing utos ni Paul sa Tatlo.
“Boss naman walang ganyanan. Kahit maganda yan hindi ko kayang humarap sa Multo ” sabat naman ni Marco.
Ngunit hindi nag salita si Paul at kinasa ang hawak na Baril na kina putla lalo ng tatlo. Maging si Sherin ay natakot narin.
Nangangatog at nanginginig ang tatlo at sinunod na ang Utos ng amo
Lalo naman nag sumiksik si Sherin sa kina uupuan niya dahil natatakot siya baka tanong gawin sa kaniya ng Apat ng lalake.
” please wag niyo akong saktan. E uwi niyo nalang po ako” sabi ni Sherin habang naka harap sa tatlo.
” hi-hindi k.. Ka namin s.. Sassssaktan basta w-wag morin kaming s… Saktan ” nangangatok na sabi ni Rayan.
Dahan dahan naman tumayo si Sherin at humarap sa Tatlong lalake.
Napa atras naman ang tatlo dahil Sa pag harap sa kanila ng babae.
“Ang tapang niyopong maki pag bArilan kanina tapos ngayon nangangatog kayu sa Takot dahil Lang sa akala niyang multo ako ” kunot nuong sabi ni Sherin sa Tatlo.
” buhay kaba talaga? H-hindi ka Multo? ” tanong naman ni Jayson.
“Hindi ako multo saka nag tago Lang ako dito kan—aray bakit ka nangungurot ” inis na sabi ni Sherin kay Rayan .
” ah Hahaha Tao nga. Tao nga. Hindi Siya multo ” nanlalaking ang mga matang sabi ni Rayan.
Ngunit napa tigil sa pag tawa si Rayan ng Makitang masama ang tingin sa kaniya ng babae.
” hala Ry ginalit mo, baka mag Transform nayan sa pagiging Multo ” sabi naman ni Marco.
” tignan mo nasa probinsya parin tayo at nasa kalagitnaan tayo ng mapupuno. Baka isa Yang ingkanto ” sabat naman ni Jayson
“Para kayung mga tanga ” naka ismid na sabi ni Sherin sa tatlo.
” aray ano Ba nakaka sakit na kayo ha ” inis na sabi ulit ni Sherin ng kurutin ulit siya ni Rayan sa Balikat.
“Ang lamig ng balat niya at ang lambot ” nanginginig na sabi ni Rayan.
“Faster! ” pagalit na sabi ng kanilang Amo kaya mabilis hinila ng tatlo si Sherin pababa.
“Aray nako naman dahan dahan Lang ” sabi ni Sherin bago siya naibaba ng tatlo at ipinaharap siya Sa Matangkad at seryosong lalake na kahit madilim ay...


naaninag parin niya ang kaguwapuhan ng lalakeng kaharap.
“Who are you ?” Seryosong tanong ng lalake sa kaniya.
“Sorry nag kung nag tago ako sa sasakiyan niyo. Sobrang taranta kolang talaga kanina dahil sa barilan kanina at s—
“I said Who are you ” sabi ulit ni Paul. Titig na titig parin siya sa Babaeng naka Yuko na.
Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. Naka suot parin ito ng Uniform at nakita niya ang ID ng babae kaya Dinapot niya ito para tignan nalang ang pangalan ng babaeng nasa Harapan.
Ng mabasa niya ang pangalan ng babae ay kaagad na niyang binitawan ang ID nito. At duon niya nalaman na Estudyante Pa lamang ito.
“Nakita niyo napo wag niyo ng itanong. Please gusto ko napong Umuwi nag aalala napo ang Ate at nanay ko ” malungkot na sabi ni Sherin.
“in ” tipid na turan ng lalake at tumalikod na ito sa kaniya at sumakay na ng sasakiyan.
Naiwan namang guluhan si Sherin dahil hindi niya alam ano ibig sabihin ng lalake. Nakita niyang pumasok narin ang tatlong lalake kaya mas lalo siyang natakot na baka iwan siya ng mga ito sa madilim na lugar na yun.
” huy White Lady pumasok kana ” sabi ng isang lalake kaya wala ng nagawa si Sherin kundi ang mabilis na pumasok sa Sasakiyan ng mga ito.
” e uuwi niyo napo ba ako? ” tanong niya sa tatlo.
“No. ” tipid na sagot ni Paul
“Huh bakit po please gusto ko napong umuwi “. Sagot niya.
Ngunit walang ni isang sumagot o nag salita kaya lihim na napapaiyak si Sherin hanggang sa matangay narin siya ng antok. At tuluyan ng maka tulog.
Habang natutulog si Sherin ay panay tingin ng Tatlo sa babae. Sobra silang namamangha sa Taglay na Ganda at kaputian nito.
“Para siyang si Snow white napaka Puti niya at napaka ganda ” wala sa loob na sabi ni Marco habang naka titig parin kay Sherin
“Stop the car! ” utos ulit ni Paul kaya kaagad naman sinunod ni Rayan.
“Marco sa Harapan ka maupo. ikaw Jayson bumaba ka muna ” utos ni Paul sa isang lalakeng katabi ni Sherin.
Pumasok sa loob ng sasakiyan si Paul at tinabihan ang natutulog na babae. Bago niya pinapasok si Jayson. Kaya napa Gitna si Paul habang todo alalay sa ulo ng babaeng natutulog at dahan dahan niyang pina higa sa kandungan niya ang babae. Habang ang tatlo naman ay nag tatakang pasimpleng tumitingin sa kanilang amo.
” aba may Pa DA move na si Boss ” naka ngising sabi ni marco ”
Habang nasa Biyahe ay naka tulog na sina Jayson at Rayan habang si marco naman ang nag mamaneho. Si Paul naman ay hindi parin inaalis ang tingin sa
Babaeng mahimbing na natutulog
Sobrang pagka mangha ang nararamdaman ni Paul habang naka titig sa babaeng natutulog. Sobrang puti nito na animoy pinag lihi sa Snow. Sobrang ganda nito at napaka amo ng mukha. Matangos na ilong, mahabang pilik mata at hindi gaanong kakapalan ang Kilay maganda rin ang pagkaka korte nito at hugis puso at mapupulang mga labi nito.
“Boss baka matunaw na niyan si whiteLady ” pukaw ni Marco sa Amo niyang naka tulalang naka titig lamang sa babae.
“Tsk Just Focus matagal paba tayo? ”
” malapit na boss. At ano balak niyo sa white Lady nayan boss ?” Tanong ni Marco habang naka tuon ang atensyun sa Daan.
” I don’t know “. Tipid na sagod ni Paul at tiningnan ulit ang babaeng natutulog.
// UpNext Chapter 3
“ANG PAG TAKAS NI SHERIN “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top