THE STORY OF US CHAPTER 4


“Hi Baby! Miss me?”
Nagulat sya at napatulala. Di nya namalayan na nayakap na sya nito.
“Burn?” di makapaniwalang tanong nya dito.
“Yes! The one and only!” masiglang sagot nito sa kanya.
The man hugging her is Burn Icarus Garcia. Her childhood friend. Kasa kasama na nya ito mula ng magkaron sya ng muwang sa mundo. Inaanak ito ng mama nya at ninang din nya ang mama nito. Magbestfriends ang mga magulang nila. Mula pa pagkabata hindi na sila mapaghiwalay dalawa. Ito ang unang naging bestfriend nya bago pa si Jax. Pero noong Grade 4 sila ay umalis ito at ang pamilya papuntang america. Nagkaron kasi ng magandang opportunity doon ang papa nito kaya napilitan sila lumipat sa ibang bansa. Grabe ang iniyak nya ng malamang aalis na ito at iiwan sya. Ito lang kasi ang kaibigan nya noon. Kasi sobrang mahiyain sya. Kaya ganun na lang ang lungkot nya ng umalis ito.
“I miss you so much baby!” masiglang sabi nito habang pinanggigilan sya ng yakap. Napangiti sya. Di pa din ito nagbabago. Baby pa din tawag saken. Nakasanayan na nya iyon.
“I miss you too! Kelan ka pa nakabalik?”, tanong nya dito at ginantihan ng yakap.
” Just last nigh-” hindi natapos ni Burn ang sagot ng biglang may magsalita sa likod nila.
“Nana! Yung wallet mo naiwan…” nagulat si Jax ng madatnan sya na may kayakap. Nakita nya ang reaksyon nito kasi sya ang nakaharap sa pinto. Napalayo naman sya agad kay Burn at napaayos ng tayo.
“Ahm Jax!” natataranta nyang sagot dito. Hindi nya alam kung bakit sya bigla kinabahan.
“Who is he baby?” tanong ni Burn sabay akbay sa kanya. Nakita niya ang pagsimangot ni Jax ng marinig ang tinawag ni Burn sa kanya. At napatingin ito sa braso ni Burn na nakaakbay sa kanya.
Naku po! Seloso nga pala tong bestfriend ko! sabi nya sa isip. habang dahan dahan tinatanggal ang pagkaka akbay ni Burn sa kanya at lumapit kay Jax.
“Jax!” nakangiti ng alanganin na tawag nya dito at kinuha ang wallet nya dito.
“Ahm Burn this is my bestfriend Jax and Jax this is my childhood friend Burn.” pakilala nya sa mga ito.
“Nice to meet you brad.” bati ni Jax at nilahad ang kamay sa harap ni Burn.
“Nice to meet you too.” inabot nito ang kamay ni Jax at nag shake hands sila. Nagtaka sya kasi bakit parang ang tagal maghiwalay ng kamay ng mga ito at masama ang tingin sa isa’t isa.
“Oh anjan na pala kayo.” biglang nagsalita ang mama nya galing sa kusina. Saka lang napabitaw ang dalawa sa isa’t isa.
“Hi Tita!”
“Hi Ninang” sabay na sagot ng dalawa.
“Magmeryenda muna kayo. Nagprepare ako ng sandwich.” yaya ng mama nya sa kanila.
” Mauuna na po ako Tita. May inuutos pa kasi si Mama sa akin. Binalik ko lang po yung wallet ni Lyna naiwan sa kotse.” paalam nito sa mama nya.
“Ok sige mag iingat ka. Anak hatid mo si Jax sa labas.” sabi ng mama sa kanya.
“Opo ma. Wait lang Burn hah. hatid ko lang si Babs sa labas.” hinila na nya si Jax palabas ng bahay nila.
“Bat parang nagmamadali ka paalisin ako? Excited ka na masolo ang lalaki na yun?” masungit na puna nito sa kanya.
Natawa sya.
“Haha! Hindi! Anu ka ba. Childhood friend ko nga lang si Burn. Ikaw pa din nag iisang bestfriend ko.” alam nyang nagseselos to kasi iniisip na hindi na lang sya...


ang bestfriend.
“Sabi mo yan hah. magtatampo talaga ako kapag iba na ang bestfriend mo.” tampu tampuhan pa nitong sabi sa kanya.
” Syempre naman! Wala makakapalit sayo bilang nag iisang bestfriend ko!” masayang sabi nya dito. Niyakap pa nya ang bewang nito para maglambing dito.
“Ok i trust you.” nakangiti ng sagot sa kanya ni Jax at pinulupot pa ang isang braso sa kanya. Nagpaalam na ito na uuwi na ng tuluyan. Bumalik na sya sa loob ng bahay at naabutan si Burn na kumakain sa kusina.
“Kelan ka pa nakabalik?” tanong nya dito.
“Just last night.” sagot nito.
“Talaga? Kamusta sila Ninang? Nasan sila?”
“Nasa bahay nag aasikaso ng mga gamit namin. Sama ka madami ako at si Mommy pasalubong sayo.” yaya nito sa kanya.
“Sige ba!” natatawa syang marinig itong magtagalog. May pagka slang na kasi ito magsalita. Halos 6 years din sila sa America.
” After this punta na tayo sa bahay. Di ka ba kakaen?” tanong nito.
“Hindi na. Kakakaen lang namin ni Jax bago umuwi.” hindi nakatingin na sagot niya dito. Nakatutok ang atensyon nya sa cellphone nya kasi nagtext si Jax na nakauwi na ito.
“Babs sasama ako kina Burn. Madami daw sya pasalubong saken para makita ko na din sila ninang” reply nya dito.
“Sino katext mo?” napaangat ang tingin nya kay Burn ng magtanong ito.
“Ah si Jax. Nagpaalam ako na sasama sayo.” nakangiti nyang sagot dito. Napakunot naman ang noo nito.
“Boyfriend mo ba yun? Bakit kelangan mo pa magpaalam?”, tanong nito.
“Haha! hindi. Ganun lang talaga kami ni Jax. Nasanay na kami na pinapaalam sa isat isa ang ginagawa at pinupuntahan.” natatawang paliwanag nya dito.
“Ok sabi mo eh.” nakangiti na nitong sabi sa kanya. “Tara na punta na tayo sa bahay. Baka anjan na ang driver sa labas.”, yaya nito sa kanya.
” Wait lang magbibihis lang ako. Magagalit si Jax pag lumabas ako ng bahay na ganto suot at di sya ang kasama.” nagmadali syang umakyat sa kwarto nya at nagbihis. Di na nya narinig ang sinabi ni Burn sa kanya.
Napagpasyahan nya magsuot ng simpleng Tshirt at maong pants. Nag rubber shoes na lang din sya.
Pagbaba nya ay umalis na din sila matapos magpaalam sa mama nya na pupunta sya kina Burn.
Nang makarating kina Burn sinalubong agad sya ng kanyang ninang ang mama ni Burn.
“Lyna baby! I miss you!” niyakap sya ng Ninang nya.
“I miss you too Ninang!” bati nya din dito.
“Oh mygad! dalagang dalaga ka na! Napakaganda mo!”, namula sya sa sinabi nito.
” Ninang naman nambola pa. Kamusta po kayo?”
“No! Im telling the truth! Diba anak ang ganda ni Lyna?” naghanap pa ito ng kakampi.
“Yeah ‘my. She’s still beautiful at mas lalo pa nga sya gumanda mula noon.” dumagdag pa ito at mas lalo naman sya nahiya sa mga papuri na naririnig nya.
“Nasan po pala si Ninong?” iniba na nya ang usapan.
“Oh nasa loob. Tara na at madami ako ibibigay sayo.” yaya ng ninang nya at hinila na sya papasok sa loob ng bahay.
Pumasok sila sa loob ng bahay at nagkwentuhan. Ang saya nya at madami syang natanggap na pasalubong sa mga ito. Hindi nila namalayan ang oras at inabot na sila ng gabi sa pagkkwentuhan.Doon na din sya inabot ng dinner. Pauwi na sya ng saka lang nya naisipan na silipin ang cellphone. Nagulat sya sa dami ng missed calls at messages sa kanya.
36 missed calls
58 messages.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top