LAST DESCENDANT OF THE DARK KINGDOM


Prologue
Colon St.1850 Philippines ( Spanish Period )
Malakas na ulan na sinasabayan pa ng malakas na hangin at panaka-nakang pagkidlat at pagkulog. Sa gitna ng madilim na gabi na bukod tanging nagsisilbi nilang liwanag ay paminsan minsan na pagkidlat, patuloy sa pagtakbo ang dalawang babae sa gitna ng kalye. Ang isa sa kanila ay may karga pang bata ngunit hindi nila alintana ang malakas na ulan ang importantante makalayo sila sa mga humahabol sa kanila.
Habang patuloy sa pagtakbo, ang isang babae ay lumingon pa sa kanilang pinanggalingan. Nanlaki bigla ang mga mata nito.
“Prontos nos alcanzaran!” Sabi nito sa kasamang babaeng may tangan ng bata.
Hindi sumagot ang babae, patuloy lang siya sa pagtakbo. Ramdam niya ang panginginig ng batang karga. Basa na ng ulan ang telang binalot niya dito na basta nalang niyang hinila sa pagkakatupi sa aparador.
Nararamdaman narin niya ang pamamanhid ng buong katawan dahil sa nanunuot na lamig ng tubig ulan. Pero ang nasa isip lang niya ang makalayo..ang maitakas ang bata. Lumiko sila sa kanang daan. Wala na silang matanaw na kabahayan, mukhang magubat na ang kanilang tinutumbok.
Bahagya narin humihina ang ulan hanggang maging ambon nalang ito. Hindi parin sila nagmabagal sa pagtakbo. Alam nilang nasa likod lang ang humahabol sa kanila.
“Busquemos un escondite”.hinihingal na sabi ng babae.
Tumango lang siya, nagpalinga linga siya sa paligid malapit lang sa kanila may isang malaking puno,ang paligid nito ay may matataas...


na damo. Nag patiuna na siya sa paglakad. Nagkubli sila sa likod ng malaking puno.
“Mama a donde vamos? Por que dejamos a papa?” Tanong ng bata sa babaeng may karga sa kanya. Limang taon pa lamang ito,paano niya ipapaliwanag na maaring patay na ang ama nito. Na kailangan nilang makalayo sa mga humahabol sa kanila para sa kaligtasan nito.
Hindi na nasagot ng babae ang mga katanungan ng anak. Naramdaman niyang malapit na ang humahabol sa kanila. Nagmamadali niyang hinubad ang kuwintas na nasa leeg at isinuot niya sa leeg ng bata. Hinagkan sa noo at sandaling niyakap ng mahigpit.
“Tu padre y yo te amamos”. huling salita nito sa bata.
Tumalikod ang babae sa kanila. May mga katagang binigkas ito ng paulit ulit. Isang liwanag ang lumitaw sa kanilang harapan.
“Has entrado Lucia. Cuidar a mi hijo.” Wika nito sa kanila.
Ngunit hindi kumikilos si Lucia.
“No podemos dejarte aqui.” Kita sa mga mata nito ang pagtutol sa nais ng ina ng bata.
“Sabes que sucedera. No tenemos tiempo.” Halos pagtulakan na sila nito na pumasok sa liwanag.
Habang unti-unting nawawala ang liwanag sa harapan niya na kung saan pumasok si Lucia kasama ang anak. May luhang namalisbis sa kanyang pisngi.
“Donde estan?” Isang espada ang nakatutok sa kanyang leeg.
“En un lugar al que no puedes ir.” Sagot niya ng hindi lumilingon sa may hawak ng espada na nakatayo sa kanyang tabi.
Open for critiques and advice.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top