L’ex
#OOS
๐๐ท ๐ฝ๐ฑ๐ฎ ๐น๐ช๐ผ๐ฝ ๐ผ๐ฒ๐ท๐ฌ๐ฎ 1936
“Leon” sigaw ko habang winagayway ang kamay pataas at naglalakad patungo sakanya.
“Luna?” taka niyang sambit hanggang sa—-natapilok ako at mabuti ay nasalo niya ako agad.
“Tsk kahit ngayon madalas ka paring nadadapa” reklamo niya at malapad ko naman itong nginitian. Nakatitig lang siya saakin na parang ako’y minamasdan ng magaganda niyang mga mata. Ngunit pinalo niya ng mahina ang noo ko na dala dala niyang envelope na ikinasimangot ko.
“Aishh ano ba” inis kong sambit at tinabig ang kamay niya. Nakasimangot ko namang inayos ang buhok ko na isang daan kong sinuklay tapus guguluhin lang niya.
“Bala ka nga diyan” mataray kong sambit at padabog na naglakad at narinig ko ito tumawa ng mahina na ikinabalik tingin ko sa kanya at pinaikotan ko ng mata at muling naglakad ngnit sa ilang saglit lamang ay may humila ng aking bag na ikinabalik ko at muntikan pa talaga akong matumba mabuti nalang at nahawakan ang bewang ko at parang humina ang pagtakbo ng oras sa aking pagtingin sakanya habang ang mahabang buhok ay sumasabay sa pagdaloy ng hangin.
Nagkatinginan kami sa mata na parang kami lang ang tao sa paligid na kahit ang pagtibok ng puso ay napaparinggan. Ilang segundo ay nabalik ako sa reyalidad na ikina pikit ng mata ko ng ilang beses.
Itinulak ko ito ng mahina at napaiwas ng tingin.
“Ikaw kasi eh” ani ko at umuna na sa paglalakad habang nakakamao ang palad dahil sa unti unting pamumula ng pisnge. Pagtingin ko sa gilid ay nasa tabi na pala siya.
“Bakit ang tahimik mo?” sambit ko at tumingin sakanya at nahagip ng mga mata ko na may agad itong tinago sa bulsa niya na ikinatingin ko sakanya at agad naman iyong umiwas.
“W-Wala g-gusto ko lang pake mo ba?” inis niyang sambit at masama ko itong tinitigan.
“Malamang may pake ako hmp pasalamat ka gwapo ka” bulong ko
“Alam ko” pilosopo niyang sambit at ginulo ang buhok ko na mas ikinainis ko.
“Aishhhyahhhh” sigaw ko at hindi ko manlang namalayan na nakapasok na pala kami ng room na ikinatikom ng bibig ko.
Mabilis ko namang tinakpan ang bibig ko ng makita ko ang guro naming nakataas kilay na nakatingin saakin.
“G-Good morning” ani ko habang kinakabahan at hinay hinay na pumunta sa desk ko…
*Makalipas ang ilang oras
“Oooh a letter again huh?” ani ng kaibigan kong amerikana habang nakatingin sa bag ko. Hindi ko manlang kilala kung kanino to nanggagaling eh kakagaling ko lang sa canteen. Nilibot ko ang paningin ko pero wala parin akong bakas.
Tumingin naman ako sa likod ko kung saan nakaupo ko Leon pero tulog naman. Palagi naman siyang tulog. Imposible naman kung siya kasi kaibigan lang ako para sakanya. Sana sakanya nalang nanggaling lahat ng to.
Araw araw lang naman akong nakakatanggap ng liham na hindi ko naman alam kong sino ang nagbibigay. Sana makikila ko manlang siya. Ibinalik ko ang mga liham sa bag ko at umupo ng bigla nalang akong nakaramdam ng pagbigat ng talukap ko.
“Makatulog na nga” ani ko at ipinikit ang mga mata
* A few moments later
Napahikab ako at napatingin sa relo at tapus na pala ang klase. Pero ang aga pa para umuwi. May tatlo pa akong oras makapaglibang dito sa classroom. Napainat naman ako at napatingin sa gilid na ikinangulat ko ng makita si Leon na mahimbing na natutulog. Teka teka kanina lang ba siya dito.
Mahina kong pinidot ang pisnge nito pero wala manlang kibo. Napagdesisyonan kong bumalik sa dati kong posisyon para mapagmasdan angmala anghel nitong mukha. Hindi nakakapagtaka na maraming nagkakagusto sakanya. Matangos ang ilong, pulang mga labi at mas mataas pa nga ang pilik mata niya kesa saakin at sa lahat ng nakita ko siya ang may pinakamagandang mata.
“Bakit ba ang gwapo mo” bulong ko at napangiti ng biglang—–
Nakadikit ang noo ko sa noo niya ng mahina niyang hinila ang ulo ko papalapit sakanya. Hindi niya tinanggal ang kamay nito nakakapot sa ulo ko na mas ikinatibok ng puso ko na parang aatakihin na ako. Pinilit kong kumalma.
Hindi ko alam pero pumikit ng kusa ang aking mga mata at parang may sariling buhay ang kamay dahil mahina kong hinimas ang buhok nito na kasing lambot ng balhibo ng bibe.
*Sumunod na araw
“Hello?” ani ko sa telepono
“Luna s-si Leon” napabitaw ako sa telepono at walang segundong inaksaya. Hinila ko ang jacket ko...