NAWALA YUNG BABAENG MAHAL KO DAHIL SA PRIDE KO


NAWALA YUNG BABAENG MAHAL KO DAHIL SA PRIDE KO”
Written by:Shin writer’s🖋️
“Mahal alam kong sawa kana”
“Alam kong pagod kana”
“Pero kapag nawala ako wag kang malulungkot ha”
“Alagaan mo palagi sarili mo”
“Mahal na mahal kita”
Iunsent ko ulit lahat ng chat ko sa kanya…buti nalang naunsent ko agad dahil sakto online na sya.
“??”Zane.
“Wala yun mahal”
“Ok”Zane.
“Kumain kana ba?”
“Yeah”Zane
“Anong ginagawa mo?”
“Nothing”
“Iloveyou”
“👍” Zane.
*End convo*
This is the last time na makakachat ko sya…dahil malapit nakong kunin ni god…i have a leukemia stage 4 cancer.
“Ate ito na yung phone..salamat”ako.
“Ang lungkot mo naman yata bunso?”ate.
“Wala po ate…nga pala ate kapag wala nako pwede bang pakibigay toh kay Zane”sabay abot ko ng box
Doon lahat nakalagay yung mga memories namin like pictures at yung mga bigay nya sakin.
“C-cge bunso”umiiyak na sabi ni ate.
“Ate promise me wag kang malulungkot kapag nawala nako ayaw kong nakikita kang umiiyak”nahihirapan kong sabi.
“Oo bunso promise”Ate.
Itinaas ko yung kamay ko tsaka pinahid yung luha ni ate..ramdam kong kukunin nako bago pumikit yung mga mata ko nginitian ko muna si ate.
“B-bunsoo hindi wag na muna please”
“Wag mo munang iwan si ate”
“Pleasee bunso mahal ka ni ate”
*ZANE*
“Mahal”
“Kumain kana ba?”
“Hoy babae magoonline ka pa ba?”
“Oyyy mahal”
“Ano ba”
Letse naibato ko...


yung cellphone ko dahil sa frustration.
“Oyy pare chillax magoonline pa yun baka may ginagawa lang”Leo.
“Oo nga pare alam mo nmn si Ali busing tao”.
“Pare tignan mo tong post ng Ate ni Ali?”Cody.
Lumapit naman ako dun at tinignan yun…pero parang binuhusan ng malamig na tubig yung katawan ko dahil sa nabasa ko.
(Rest in peace bunso sana masaya kana dyan kasama si God..Aliyah Valdez)
*Doorbell ringing*
Hinang hina akong napaupo sa sofa..hindi alam kong hindi totoo yun..nangako sakin si Ali na di nya ko iiwan.
“Pare may nagpapabigay at ang sabi wag muna daw subukan pumunta sa burol ni Ali”Leo.
Inabot ko naman yung kahon tsaka binuksan nandun lahat ng pictures namin pati yung mga bigay ko sa kanya may nakita din akong sulat kinuha ko ito.
Mahal,
Mahal alam kong sawa kana at naiintindihan ko yun sorry kong hindi kita nakakausap ng matagal pasensya na hindi ko namn ginusto na magkasakit eh..mahal ingatan mo palagi sarili mo ha wag kang magpapalipas ng pagkain..tsaka wag ka rin malulungkot at higit sa lahat wag mong sisihin sarili mo mahal na mahal kita–Ali.
Umiyak na talaga ako dahil sa nabasa ko.
Patawad mahal ng dahil sa sobrang Pride ko nawala ka sakin kong alam ko lang na may sakit ka idi sana inalagaan kita patawarin mo sana ako mahal.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top