Love at First Seat Chapter 9


One week nalang at birthday na ni Jemay. Excited na talaga siya. Nauna na nga yung bonggang surprise birthday gift niya eh. Pero alam niyang mas masaya ang birthday niya ngayon kasi nandito ang mama niya. First time niyang mag cecelebrate ng birthday na kasama ang kanyang mama.
Nakauwi na si Jemay ng makareceive siya ng text.
“Hi Jhems! Nakauwi ka na ba?” Si Nate.
“Oo best. Kadadating ko lang dito sa bahay. Bakit?”
“Pwede ba tayo magkita? May ibibigay lang ako sa iyo.”
“Huh? Importante ba iyan Nate? Pagod kasi ako sa trabaho eh.” Nakalipat na kasi siya sa Restaurant ni Jander. HIndi na sila naging okay nito mula ng malaman niya na ito ang nagbayad ng kanyang Hotel Suite sa Palawan. Para sa kanya, ayaw niyang tumanaw ng utang na loob dito. Akala pa naman niya, mahal talaga siya nito. Yun pala, naawa lang ito sa kanya. Kaya naman para mabilis ito mabayaran, tinanggap niya ang promotion kahit ayaw niya.
“Oo Jhems. Please? Promise, hindi naman talaga tayo magtatagal eh.” pagsusumamo ni Nate sa kanya.
“Okay. Sunduin mo nalang ako dito.”
“Thanks Jhems!”
After one hour, dumating din si Nate.
“Ang tagal mo naman. 5PM na oh.”
“Sorry naman Jhems. May dinaanan lang kasi ako saglit. So, let’s go?”yaya na nito sa kanya.
“Okay.” at sumakay na sila sa kotse nito.
Habang nasa daan na sila, nagsalita siya.
“Saan ba talaga tayo pupunta Nate?”
“You’ll see later. Wag ka mainip.” at nagpatuloy na ito sa pagda drive. Makalipas ang ilang minuto, nakita niyang papasok na ito sa Tagaytay. Anong gagawin nila doon? Ang alam niya, wala namang bahay ang mga magulang ni Nate doon. Lalo na ang binata. Kasi ang bahay na nabili ni Nate ay nasa Dasmarinas, Cavite.
“Nate, what are we going to do here?” nagtatanong na siya. Naguguluhan na kasi siya eh.
“Wag ka mag alala best. Wala akong gagawing masama sa iyo okay? Just sit back and relax.”
“Nate ah! Kinakabahan na ako sa iyo eh.”
“Don’t be Jhems. I’ll assure you, this is really great.”
Pagpasok nila sa isang subdivision, nagulat siya kasi pumasok ang kotse ni Nate sa isang unfamiliar place.
“Nate? Anong lugar ito?”
“Malalaman mo din later. Come on. Pasok na tayo sa loob.” inalalayan siya nito pag baba ng kotse. After niya makababa, nilagyan siya ng BlindFold nito.
“Nate! Anong ginagawa mo?”
“Relax Jhems. Just trust me on this.” habang inaalalayan siya mag lakad.
Makalipas ang ilang minuto, naramdaman niyang tumigil na sila sa pag lakad.
“Nate? Asan na tayo?” naramdaman niyang tinatanggal na Nate ang blindfold.
“Basta, wag ka muna didilat ah.”
“Nate! Baka kung ano na ito ha?”
“Relax Jhems. Makikita mo na rin ito later. For now, just relax.” Natatawang sabi nito.
“Nate naman eh!” sabi niya.
“Okay, on the count of three, open your eyes princess.”
3
2
1
“Open your eyes my princess.” sabi ni Nate sa kanya. Dahan dahan niyang binuksan ang mga mata niya para lamang mamangha sa nakikita niya ngayon.
“It’s very beautiful Nate! Did you.. Did you do this for me?”
“Advance happy birthday my princess. Hindi na ako makapaghintay saka gusto ko ako ang maunang bumati sa iyo. Isa pa, gustong gusto mo ng Underwater World theme for your birthday diba?” sabi nito.
“Oh! Thank you Nate. Appreciated it much. Sobrang Thank you talaga. You made my dreams came true.” Niyakap niya ito. Inalalayan siya nitong makapasok sa loob. Pagpasok palang niya sa loob, pakiramdam niya, nasa underwater world talaga siya. The design on the glass wall, yung mga cute sea creatures with animation pa talaga, then the coral reefs and many more. (Check the picture on the side.. )
“Nate, bakit mo ito ginagawa?” tanong niya.
“I want you to be happy my princess. Hindi kita kayang dalhin sa underwater world due to our busy schedules kaya ang underwater ang dinala ko sa iyo.” Pagtapos sabihin yun, pinaupo siya nito sa upuan sa palasyong iyon. Para tuloy siyang si Ariel ng The little Mermaid.
“Will you take me as your loving, caring, and undderstanding Boyfriend my princess?” tanong nito ng lumuhod ito sa harapan niya habang may hawak hawak na personalized bracelet.
“Nate?”
“My princess, hindi ko na kayang hintayin pa ang birthday mo. Alam ko na masyado kang nabibilisan sa mga pangyayari pero believed me, Sobrang mahal na mahal na talaga kita.”
“Nate, I didn’t know what to say. I am.. Speechless.”
“Just say Yes my princess.”
“Pero, alam mong si Jander ang mahal ko.”
“Jhems, ako ba kahit konti, hindi mo minahal?”
“Nate, aaminin ko, sinubukan kong turuan ang puso kong mahalin ka, pero hindi ko talaga magawa.” naiiyak na sabi niya rito. Kung pwede lang sana turuan ang puso niyang makulit na patuloy pa rin nagmamahal sa taong ayaw naman sa kanya na ibaling nalang sa iba ang pagmamahal niya, ginawa na sana niya noon pa.
“Jhems, please? Just give me a month to make you fall in love with me.” nagsusumamong sabi nito.
“Nate, hindi ko alam. Ayoko din naman maging unfair sa iyo. Mas mabuti pa sigurong ngayon palang turuan mo na ang puso mong kalimutan ang nararamdaman mo para sa akin higit pa sa pagkakaibigan. Ayoko din naman masira ang friendship na iningatan natin ng matagal na panahon.”
“Jhems, naiintindihan kita. Sige, kung yan ang gusto mo. I will keep my distance. Pero walang magbabago sa friendship natin.”malungkot na sabi nito sa kanya.
“Thank you Nate. You’re the best.”
“Pero Jhems, promise me, kapag ayaw niya talaga sa iyo, bibigyan mo ako ng chance ah?”
“Nate naman eh.”
“Jhems, seryoso ako sa iyo. Anong magagawa ko kung ayaw ng puso ko na tumingin sa ibang babae?”
“Nate, thank you for this wonderful surprise for my birthday. Super na touched talaga ako.” maluha luhang sabi niya pagtapos niya ito yakapin.
“Jhems, basta para sa iyo gagawin ko lahat makita lang kitang masaya kahit na hindi ako kasama roon.”
“Nate, napakabuti mong tao. I am sure you will find the right girl for you. And when that time comes, don’t ever let her go. Kasi alam ko na magiging masaya siya sa piling mo.”sabi niya. Matapos nila kumain, nagyaya na umuwi si Jemay kasi may pasok pa sila kinabukasan.
Pagkahatid ni Nate kay Jemay, hindi niya inaasahang may daratnan siyang bisita sa bahay niya.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa napakalamig na tono.
“Nate, you have to know this. I am two weeks pregnant.”
“What?!! That’s not true!” sigaw ni Nate.
“It’s true Nate. Hindi ko hinihingi sa iyo na panagutan mo ako. Alam ko namang tapos na sa atin ang lahat eh. Ang gusto ko lang ay ipaalam sa iyo na magkaka anak na tayo.”
“There’s NO us! Kahit kailan hindi naging tayo. Alam mong sa simula palang, mali na ang lahat ng nangyari ng gabing iyon.” galit na sabi ni Nate.
“Alam ko. Kaya nga hindi ko naman ipinigpipilitan ang sarili ko sa iyo eh. Ang gusto ko lang, masabi sa iyo na magkaka anak ka na kasi ayoko ng magkaroon ng regret sa bandang huli. Atleast, wala akong pinagsisisihan sa mga bagay na nagawa ko. Para sa akin, masaya na ako na alam mong magiging tatay ka na. Kung ayaw mo talaga sa bata, wala naman ako magagawa dun eh. Sana lang, pag nagkaisip na siya, wag mo sana siyang pagkaitan ng karapatang makilala ka.” sabi ng babaeng parang maiiyak na.
“Please! Hindi ko matatanggap ang batang iyan. At pano ka naman nakasiguro na sa akin nga ang batang dinadala mo?” sabi ni Nate. Isang malakas na sampal ang nagpaingay sa buong silid.
“How dare you accused me of someone i am not?! You’re so unfair Nate! Sinabi ko bang gusto ko magpakasal sa iyo? Ang sinasabi ko lang, malaman mo lang na may anak ka, kuntento na ako dun. Goodbye Nate. This will be the last time na pupuntahin kita. Hinding hindi mo na kami makikita ng anak mo.” Paalam nito.
Hindi malaman ni Nate ang gagawin niya ng malaman ang balitang iyon. Kung tutuusin ay isang gabi lang yun ng malasing sila sa birthday party ng common friends nila. After that incident, hindi na sila nito nagkausap pa. Pinili niyang iwasan ito dahil alam niyang masasaktan lang ito. Hindi naman kasi niya talaga ito mahal. Pero ngayon, nagdadalawang isip na siya. May bata na kasing involve.
Kahit naman kasi hindi niya ito mahal, alam niyang kailangan niyang panagutan ang batang dinadala nito.
Nasa ganun pa rin siyang pag iisip ng biglang tumawag ang ama niya.
“Nathaniel, busy ka ba?’ sabi nito sa kabilang linya.
“Hindi naman po dad. Bakit?”
“I need you to come here to my office right now. I need to discuss with you some important things.”
“Okay dad. I’l be there in 15 minutes.” pagkababa niya ng phone niya, nagbihis lang siya at dumiretso na sa opisina ng kanyang ama. Alam niyang sobrang importante ng sasabihin nito dahil bihira siya nitong tawagin sa totoong pangalan niya.
Pagpasok niya sa opisina nito, agad siyang pinaupo nito sa pangdalawahang upuan.
“Sit down Nate. I heard the news. Wether you like it or not, pakakasalan mo siya.” diretsong sabi ng ama niya.
“What?! Dad, alam niyong hindi ko siya mahal. At alam niyong si Jemay ang mahal ko. Kung may pakakasalan man akong babae, si Jemay lang iyon.”
“And what about the child? Are you going to...


dumped the baby? No Nathaniel! Hindi kita pinaliking ganyan. Pinalaki kita sa tamang asal at alam kong alam mo rin iyan. Nate, kung gugustuhin mo lang, kaya mong mahalin ang ina ng magiging anak mo. Isipin mo nalang na kailangan ng tatay ng anak mo.” mahinahong sabi nito sa kanya.
“Pero dad, hindi ko yata kaya ang ipinapagawa niyo sa akin. Kaya kong suportahan ang bata financially pero hindi ko kayang pakasalan ang nanay niya dahil hindi ko naman siya talaga mahal.”
“You have to Nate and that’s an order! Ayokong lumaki ang apo ko na walang ama! Gaya ng pagpapalaki ko sa iyo na ni hindi mo man lang naranasan ang mahalin ng isang ina.” malungkot na sabi nito.
“Dad, we’re two different cases. Ipinaampon ako ng sarili kong magulang sa iyo. Samantalang ang magiging anak ko, mayroon siyang nanay na gagabay sa kanya.”
“Anak, iba pa rin kapag buo ang pamilyang kalalakihan ng bata. Ayokong matulad siya sa akin na ni minsan sa buong buhay ko, hindi ko nakilala at nakita ang nanay ko.” mahinang sbai ng kanyang ama.
“Okay dad. Just give me a week para makapag isip. Kasi hindi talaga madali ang gagawin kong ito lalo na at hindi ko naman siya mahal.”
“Thank you son. Gusto ko lang buo ang makakagisnang pamilya ng magiging apo ko.” Yun lang at niyakap na siya nito.
*********
Habang daan, tinawagan ni Nate si Jemay.
“Hello?”
“Jhems, are you still up?”
“Patulog na ako Nate. Bakit? Problema?”
“Oo eh. Pwede ba dyan tayo mag usap sa bahay mo?”
“Sige. Punta ka nalang dito.”
“Okay. I’ll be there in 10 minutes.”
Pagkababa ng phone, nagpunta na agad si Nate sa bahay ni Jemay.
**Doorbell**
“Nate!Halika, pasok ka!” sabi ni Jemay pagbukas ng pinto.
“Thank you Jhems!”
“Anong problema?”
“Jhems! Kelan mo ba ako sasagutin?”
“Nate! Ano na naman bang kalokohan iyan?” natatawang sabi nito sa kanya.
“Hindi ako nagbibiro Jemay. Kapag sinagot mo ako ngayon, mapipilitan si dad na hindi na ituloy ang kasal ko sa babaeng hindi ko naman talaga mahal.”
“What??? Bakit naman gagawin ni Tito Roldan iyon sa iyo?”
“Because… Because… Because I got the girl pregnant Jhems.” mahinang sai niya.
******
Parang hindi makapaniwala si Jemay sa sinabi ng kanyang kaibigan. Nakabuntis ito pero ayaw nitong panagutan!
“Nathaniel James! Are you crazy? Or are you nuts????!! Nakabuntis ka pero ayaw mong panagutan????” malakas na sigaw niya rito. Parang nabasag yata niya ang ear drum nito sa sobrang pagkakalakas ng sigaw niya.
“Jhems naman! Nabasag yata ang ear drum ko doon ah.”
“Nagagawa mo pang magbiro ng ganyan ah Nate???!!”
“Okay, okay. Calm down. Sorry naman. Sige, seryoso na. Ayun nga, hindi ko naman alam na magbubunga pala yung kalasingan namin eh. And isang gabi lang yun nangyari.”
“Whose the girl?”
“Si -” bago pa makapagsalita si Nate ay may biglang kumatok sa pinto ng bahay niya. Sino naman kayang bibista sa kanya ng ganitong oras? Imposible namang si Jander kasi wala na siyang balita rito after what happened to them.
“Mom?! What are you doing here???”
“Binisita lang kita anak. Kasi tumawag ang tito Edward mo at gusto niyang pumunta na tayo sa Switzerland sa susunod na linggo. Gusto niya na doon ka na daw magcelebrate ng birthday mo.”
“Pero Mom, hindi pa ako nakakapag file ng leave sa opisi-” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sumigaw ang kanyang mama.
“Nate?! What are you doing here?”
“Mom! Ikaw anong ginagawa mo rito?”
“What?! Mom??? Kailan mo pa naging nanay ang nanay ko Nate?”
“She didn’t know right?” tanong ni Nate sa nanay niya at hindi siya pinansin nito.
Wala ng nagawa ang mama niya kaya kinuwento na nito ang totoong nangyari.
“He is your brother Jemay.” paunang sabi niya rito.
“What?!!! You’re just kidding me Mom!”
“Hindi anak. Siya ang dahilan kung bakit ako umuwi ng pilipinas. Gusto kong makita ang kalagayan niya. Gusto kong malaman kung nasa maayos ba siyang kalagayan. Natakot ako sabihin sa iyo kasi baka hindi mo matanggap.” naiiyak na sabi ng kanyang mama.
“Ibig sabihin, magkapatid kami?” – si Nate
“Oo Nate. Ate mo si Jemay.” nasabi ng kanyang ina. What a Revelation!
“Mom, bakit hindi mo sinabi sa akin noon pa?” – si Jemay.
“Kasi hindi ko pa siya nakikita noon. Yung mga private detectives na inupahan ng tito Edward mo, mabagal ang paghahanap. Siya rin mismo ang nagsabi na wag ko muna daw sabihin sa iyo hanggat hindi ko pa siya nakikita. Hanggang isang araw, may nakuhang Lead ang isa sa mga private detectives na inarkila ng Tito Edward mo at sinabi ngang nandito sa Pilipinas ang taong umampon sa kapatid mo. “mahabang paliwanag ng mama niya.
“Nate, magkapatid pala tayo.” sabi nalang niya.
“Oo nga a-ate. HIndi ako sanay tawagin kang ate eh.”malungkot na sabi naman ni Nate.
“Patawarin niyo ako mga anak. Ipinapangako ko na hinding hindi na tayo magkakahiwalay pang muli.” sabi ng mama nuya at niyakap silang magkapatid.
“Mom, hindi ko pwedeng iwan ang Daddy ko.” sbai ni Nate.
“Hindi mo naman siya iiwan eh. Ang gusto ko lang, sumama kayo sa akin para na rin makilala niyo ang Tito Edward niyo. Pati na rin sina Nadiane at Jellie.” sabi ng mama nila.
“Sige mom, magpapalam ako kay dad.” yun lang ang nasabi ni Nate.
“Teka pala, anong ginagawa mo rito Nate?”
“Mom, nanliligaw kasi sa akin si Nate. Hahaha! Matagal na. Pero hindi ko alam kung bakit parang may pumipigil sa akin na sagutin siya. Yun pala, kapatid ko siya.” natatawang sabi ni Jemay.
“What?! Totoo ba yun Nate?”
“Yes mom. Pero hindi ko naman kasi alam na kapatid ko pala si ate. Kaya pala parang sobrang gaan na agad ng loob ko sa kanya.”mahinang sbai ni Nate.
“Okay. I understand and I’m sorry kasi hindi ko nasabi sa inyo ang totoo. Pero Nate, maiba tayo, tumawag ang papa mo sa akin at sinabi ang problemang kinakaharap mo ngayon. Did you love this girl?”
“Mom, no! Hindi ko siya mahal. Pero alang alang sa kagustuhan ni daddy, pumapayag na akong magpakasal sa kanya para sa batang dinadala niya.”sabi nito.
“Nate, kung hindi mo naman pala siya mahal, why marry her? You can still support the child financially kahit walang marriage involved.” sabi naman niya rito. Bilang kapatid, kelangan din niya isaalang alang ang damdamin nito.
“Ate, kailangan ko siyang panagutan. Hindi naman siguro mahirap mahalin si Rhea. Tutal alam ko namang matagal na niya ko mahal eh.” nasabi nalang ni Nate.
“Wait! Si Rhea??? As in si Rei ng Comp and Ben?!” gulat na sabi ni Jemay.
“Oo ate.”
“Paano nangyari yun? Kelan? Saan?” sunod sunod na tanong niya rito. Wlaa siyang kaalam alam na may namamagitan na pala sa kanilang dalawa.
“Isa isa lang ang tanong ate.” Natatawang sabi ni Nate sa kanya.
“Umayos ka Nate ha!” galit na sabi na niya rito.
“Okay. Nagkayayaang mag inuman ang barkada kasi birthday ni Rick. Tapos nalasing kami parehas. Then ayun, may nangyari sa amin. Pero i swear, isang gabi lang yun. Hindi ko nga alam na magbubunga yun eh.”
“Nate, pagkakamali man yun o hindi, kailangan mo siyang panagutan.” sabi naman niya.
“Kaya nga pumapayag na ako ate eh. Siguro naman matututunan ko na siyang mahalin kapag kasal na kami.”malungkot na sabi ni Nate.
“Nate, kaibigan ko din si Rei. Ayoko namang madehado siya at isa pa, babae din akong gaya niya.”paliwanag niya dito.
“Okay na ate. Nakapag decide na din ako. Pupuntahan ko si Rei bukas, at aalukin ko ng kasal.”
“Good decision Nate.”sabi niya. Nagpaalam na ang kanyang mama sa kanila. Pati na rin si Nate.
******************
Nalate ng gising si Jemay kaya late siya pag pasok. Gusto niya makauwi agad dahil ngayon niya malalaman kung anong resulta ng pagpunta ni Nate sa bahay nila Rei. Excited na din siyang malaman na magkakaroon na siya ng pamangkin. She really loves kids.
Nasa kalagitnaan na siya ng trabaho ng ipinatawag siya ni Mr. Nickho. May kailangan daw sa kanya si Sir Jander. Si Jander! Kamusta na kaya siya? Mula kasi nung huling encounter namin, hindi na kami nagkikita. Kahit text wala na. Aaminin ko na namimiss ko na siya. Pero alam kong kailangan kong pigilan ang damdamin ko kung ayaw kong masaktan ng bonggang bongga.
Natigil lang ang pagmumuni muni ko ng tapikin ako sa balikat ng isa sa mga kasamahan kong crew din sa Raintree.
“Jemay, tawag ka daw ni Sir Jander.”
“Ah eh oo, susunod na ako. Pakibantay nalang muna ang niluluto ko ah. Salamat.” yun lang at umalis na siya.
Pagpunta niya sa office ni Jander, agad siyang kumatok.
“Come in.” sigaw nito. Hay! Kay tagal na niyang gustong marinig ulit ang boses ng lalaking ito. Nakakamiss talaga.
“Sir, ipinapatawag niyo raw po ako?” sabi niya pagkapasok niya sa opisina nito.
“Oo. Ikaw kasi ang i aasign ko para sa malaking function na gaganapin bukas sa Fernwoods Garden. Ako na ang magmamanage sa pagluluto for the meantime.
Kailangan ko kasi ng mag oorganize sa mga crew para maging maganda ang lugar. And since alam kong kaya mo naman iyon, ikaw na muna ang i aasign ko doon.” sabi nito.
“Ano po bang event dun Sir?”
“Wedding ng isang malapit kong kaibigan.”
“Okay sir. I will do my best para po hindi kayo madisappoint.”
“Okay. That’s all. You are dismissed now.” yun lang at lumabas na siya ng opisina nito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top