LOVE AT FIRST SLAP 2


LOVE AT FIRST SLAP 2
“Nasa’n na si San Pedro?” bulalas ko ng maimulat ang aking mga mata.
“B-Bro, akala ko iniwan mo na ako,” pagd-drama ni Henry matapos ambahan ako ng mahigpit na yakap. Ang pangit niya na nga, lalo pa siyang pumangit ngayong umiiyak siya.
Kinalas ko lang ang yakap niya bago tingnan ito direkta sa kaniyang mata, “nasa’n na ‘yong manok ni San Pedro? magluluto pa ako ng fried chicken.”
Napahawak ako sa likod ng aking ulo ng batokan ako nito. Hindi makapaniwala akong nag-angat ng tingin sa kaniya dahil ngayon niya lang ako nagawang saktan, sa pagkakaalala ko takot ‘yan sa’kin eh.
“H-Hep! kapag ginantihan mo’ko hindi ko sasabihin sa’yo ‘yong pangalan no’ng babaeng chinansingan mo,” ngusong turan nito dahilan upang huminto ang aking kamao sa ere, “sige ka ikaw rin, at huwag mo na rin akong sasaktan kung ayaw mong agawin ko siya sa’yo bro.”
Pabagsak kong ibinalik sa aking tabi ang kamao ko na dapat sana’y nasuntok na ang pagmumukha niya kanina pa. I gave him a death glare, sinulit niya ang pangb-black mail sa akin ah. This is not supposed to happen, bakit ba may pake ako sa babaeng sumampal sa akin kanina eh dapat nga sugurin ko siya para manghingi ng I love you e-este thank you at sorry.
Bullshit, nararamdaman ko na, na siya ang magiging weakness ko.
“What’s her name?” casual na tanong ko.
“Kapangalan niya si Avril Lavigne.”
Kumunot ang aking noo ng dahil sa sagot niya, “Anong ngang pangalan?”
Kagat labi itong napasapo sa kaniyang noo, “Pasing yata pangalan niya bro,” sarkastikong tugon nito dahilan upang makatanggap siya ng sipa mula sa akin.
Pero lalo siyang nagmukhang kulangot sa pader ng ngumisi ito at tila hindi ininda ang sakit sa parte kung saan ko siya nasipa. Napuno ng katahimikan ang loob ng clinic, ilang minuto rin akong nakatingin lang sa kaniya habang iniisip kung anong kaabnormalan na naman ang tumatakbo sa kaniyang utak.
Nang kumaripas ito ng takbo palabas ng kwarto ay doon ko lang narealize kung ano ang pinapahiwatig ng makapanindig balahibo niyang ngiti.
‘huwag mo na rin akong sasaktan kung ayaw mong agawin ko siya sa’yo bro’
Kaagad akong tumayo mula sa aking pagkakahiga ng maalala ang sinabi nito. Napamura na lang ako ng tangina in French accent, at kaagad na tumakbo palabas para sundan ang kaibigan kong bugok.
Pinagtitinginan ako ng mga studyante dito sa hallway at ang iba ay bumubulong-bulong. Feeling ko biglang nabawasan ang pagiging maangas ko ng mamukhaan ang ilan sa kanila na nakasaksi sa ginawa kong pagkabayani, niligtas ko pa rin naman ‘yong babae kanina pero aminadong nabastos ko siya at the same time.
Napahinto ako sa pagtakbo ng makarinig ng tilian na nagmumula sa classroom na nalampasan ko. Paatras akong naglakad pabalik upang makichismis, wala ng pasikot-sikot straight to the point chismoso nga ako mga brader and sester. Pangarap ko maging news anchor kaya nagsasanay na akong mangalap ng balita.
Pero biglang umiba ang aking timpla ng mapagtanto kung bakit nagtitilian ang mga kaklase ko, oo kaklase ko sila, basta mga mukhang pinagkaitan ng pagmamahal sila ‘yon.
Unti-unting nandilim ang aking paningin ng masaksihan kung paano ako pagtaksilan ng aking iniirog, sinisinta, minamahal, iniibig at iniirog ulit. Mukhang sinusubok talaga ni Henry ang kabaitan ko, nagawa niya pa talagang yakapin ang pagmamay-ari ko. No doubt, pagmamay-ari ko na siya sa ayaw at sa gusto niya.
“What kind of bullshit is this?” tiim bagang na singhal ko ng makalapit sa kanilang gawi.
Naagaw ko ang kanilang atensyon, at doon muling nagtama ang paningin namin ng babaeng naging dahilan kung bakit nahimatay ako kanina. Kaagad na sumama ang tingin nito sa akin, m-may nagawa ba akong kasalanan? masyado ba akong gwapo kaya ganiyan siya kung makatitig? or nasobrahan ako sa kaastigan?
“Huwag mo akong titigan ng matagal, baka matunaw ako miss,” sambit ko bago suklayin ang aking buhok gamit ang aking mga daliri at may pahabol pang kindat.
Ewan ko na lang kapag hindi pa ‘to na-inlove sa’kin.
Nang mahagip ng paningin ko si Henry ay kaagad ko siyang sinamaan ng tingin, pero ngumisi lang ito na parang kabayo. Kaagad ko ring binalik sa dalaga ang aking paningin dahil nababad-trip lang ako sa pagmumukha ng kaibigan ko.
“Ano bang vitamins mo no’ng bata ka pa?”
Automatic na kumunot ang aking noo ng marinig ang tanong niya. Bakit naman napunta sa vitamins ko ‘yong usapan eh sila itong tinatanong ko, mula sa peripheral...


view ko ay nasilayan ko ang pagkunot rin ng noo ng aking kaibigan, also known as Henry the kulangot.
“Cherifer, bakit mo natanong mylabs?” ani ko matapos umupo sa ibabaw ng table niya.
Napuno ng katahimikan ang buong classroom. Halatang sinusubaybayan ng mga chismosa’t chismoso ang bawat rebelasyon na nagaganap.
“Ahh, akala ko ba pampatangkad ang Cherifer?” lalong kumunot ang aking noo ng dahil roon, “Pampakapal rin pala ng mukha.”
Napa-‘ohhh’ ang lahat pati na rin si Henry ay nakikihiyaw na rin. Pakeneng shet, ang daya nito ah, pinagtutulungan ako ng lahat. Ano ‘to the clash? isa laban sa lahat?
“Boom panis!”
“Balitang-balita sa radyong sira, si David natameme dahil sa punch line ni Avril,”
“Huwag mong dibdibin pre, likorin mo lang,”
Puro sigawan ang bumalot sa apat na sulok ng aming classroom. Na bigla na lang nahinto ng dahil sa panot na nakapuyod, si mr. puknat lang naman ‘yong nakatayo sa may pinto habang bitbit ang sandamakmak na libro.
“Mr. David D. Moño, pinapatawag ka sa guidance office,” wika nito habang naglalakad papalapit sa aking gawi, “Anong kalokohan na naman ba ang ginawa mo?” mariing bulong nito ng tuluyan ng makalapit sa akin.
“Ano bang pinasasabi mo?” walang galang na tanong ko pabalik. Wala akong ideya sa sinasabi niya, pero baka gawin nila ako hero of the year at ipaskil ang pogi kong mukha sa gate ng dahil sa ginawa kong pagkabayani. Pero pwede ring gawa’n nila ako ng statue at ipalagay sa gitna ng soccer field, oh ‘di ba wala talaga akong idea.
“Miss Avril Demise, pinatatawag ka rin.”
Napalingon ako sa babaeng tinutukoy ng adviser namin. At doon ko nalaman ang pangalan ng magiging ina ng aking isang dosenang mga anak, Avril D. Moño sheeeet bagay sa kaniya ‘yong surname ko. Tinadhana yata kami para sa isa’t isa.
Pero bakit siya pinapatawag? ako at siya? may nagawa ba kaming karumal-dumal?
Hindi ko alam kung bakit tila nagmamadali pa siyang tumayo habang may matamis na ngiti ang nakapaskil sa kaniyang labi. Parang gustong-gusto niya pa na ma-guidance, ibang klase. Siya pa nga itong naunang lumabas kaysa sa akin, wala na akong nagawa kun’di ang sumunod sa kaniya.
Tahimik lang akong naglalakad habang pinagmamasdan siya na patalon-talon pang lumalakad na sinabayan ng pagsipol niya ng isang pamilyar na kanta. Malayo-layo rin ang nilakad namin bago marating ang guidance office. Huminto sa paglalakad si Avril at gano’n din ako, nagtataka ako kung bakit bigla na lang itong nagbaling ng tingin sa akin sa halip na buksan ang pinto.
“Kapag tinanong ka niya, mag-oo ka na lang,” matapos niyang buksan ang lollipop na hawak niya ay kaagad niya ‘yong isinubo.
“Sa lahat—”
“Lahat ng tanong,” pagputol niya sa sasabihin ko.
Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Naw-weirdohan ako sa kaniya pero sinunod ko pa rin, hindi naman na bago sa akin ang ma-guidance pero mukhang iba ngayon dahil babae ang kasama ko at hindi si Henry.
Nang makapasok sa loob ay agad kaming dumiretso sa desk at naupo sa upuang nasa harapan no’n. Unti-unting umikot ang swivel chair na nasa kabila ng table, at ng makaharap na ‘yon ay bumungad sa amin ang madilim na aura ng dean. Tumingin ito sa akin na parang kinikilatis ang pagka-tao ko, hindi ko naitago ang aking pagkagulat sa bigla nitong paghampas sa lamesa.
“David,” banggit ng Dean sa aking pangalan dahilan upang mapalunok ako, “ang kapal naman ng mukha mong takbohan ang resposibili—”
“Dad, huwag niyo po siyang takotin,” pagsingit ni Avril.
Dad?
Dad?
Dad?
Jusmiyo marimar, nakagat ko ng wala sa oras ang aking labi. Anak ng principal ‘yong n-nahawakan k— e-este nabastos ko. I’m dead, good bye my beloved mother and father salamat na lang sa lahat.
“Ikaw ba ang walanghiyang bumUntis sa anak ko?!”
“Oo.”
Kaagad kong natakpan ang aking bibig ng dahil sa lutang na sagot ko. Late ko na narealize ang tanong ng Dean, mapapa-tangina in French accent ka na lang talaga.
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan ng biglang tumayo ang principal, feeling ko sinasakal ako ng masama niyang tingin. Kilala niya kasi ako, ako yata ‘yong suki ng Guidance. Halos maihi na ako sa taranta pero kabaligtaran ko ang reaction ni Avril. Kalmado lang ito at humihikab pa habang pinapanood ang Daddy niya na may dina-dial na number.
B-Baka tinatawagan niya na ‘yong 911, MAMAAAA HEEEELP
“Hello Ashton, postpone the wedding. Nahanap ko na ang ama ng magiging apo ko.”
h-ha? a-ako ama?
TO BE CONTINUED…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top