𝐃𝐑𝐄𝐀𝐌𝐄𝐑


𝐃𝐑𝐄𝐀𝐌𝐄𝐑
“I’m a dreamer. · A dreamer is one who can only find his way by moonlight, and his punishment is that he sees the dawn ”
Sa simpleng anino ako’y natutuwa dahil sa anino dito ko naramdaman kung gaano kasaya ang grumaduate napaka sarap sa pakiramdam pero hanggang sa anino nalang ba ako? Yan ang lagi kung tinatanong sa sarili ko habang naglalakad sa daan. Dahil bata palang ako tila napaka dilim na ang pinamulat ng mundo saakin dahil tuwing gabi hanggang umaga ako’y kumakayod para lang may makain kami ng mga kapatid ko. Bilang isang panganay handa akong magsakripisyo para sa pamilya pero hanggang kailan ako magtitiis?
Nagising dahil sa sigaw ni mama heto ang sabi
” Sinyorito gumising kana tanghaling tapat anjan ka padin naka hilata ano ka mayaman para kahit anong oras gugustuhin mong magising aba arjay wag batugan bata, alalahanin mo marami akong bayarin, ano pang hinihintay mo tutunganga kalang Jan ” yan salitang paulit-ulit na sinasabi ni mama sa akin sa tuwing ako’y di nakakapag abot ng pera sakanya pero hinayaan kulang siya hanggang sa magsawa siya kakabunganga.
Tumayo nalang ako at hindi nagsalita dahil pagsinumbatan kopa si mama panigurado sasabihin niya lang na bastos kang bata, kahit ganun si mama mahal na mahal namin yun.
Habang naglalakad ako sa daan para pumasok sa trabaho ng biglang may huminto na sasakyan sa tabi ko kaya tinignan ko kung sino ito.
” Magandang umaga iho ” bati ng isang madre
Magandang umaga din po – pabalik kung bati.
” Ako si sister Remy at siya naman si sister Anna andito kami para tulungan ka iho ” malumanay na sambit ni sister Remy.
Tulungan po? Para saan po sister.
” Kami ay tumutulong sa mga kagayang mong bata para makapag aral, pero wag kang mag alala iho dahil wala kang babayaran naniniwala ako sayo na malayo ang mararating mo dahil isa kang batang matiyaga at may pangarap tutustusan namin pag aaral mo hanggang kolehiyo iho ” paliwanag naman ni sister Anna
Sa sinabi nilang ganun na antig ang puso ko at napaluha hindi lungkot kundi saya ang nararamdaman at sinabing totoo po bayan? Dipo ba ako nanaginip pakikurot nga po ako sister baka panaginip lang po to- sambit ko sakanila habang tumatalon at sumisigaw ng makakapag aral na ulit ako huh.
Habang tuwang tuwa naman sina sister saakin sabay sigaw SALAMAT LORD DAHIL DININIG NIYO YUNG PALAGI KUNG HINIHILING SAINYO.
” Iho walang imposible basta pangako mona pagbubutihin mo ang pag-aaral ha ” sambit ni sister Remy
Opo sister diko po sasayangin yung pagkakataon natin sister salamat po kayo ang angel ko sabi ko sakanila saka ko sila niyakap.
” Wag na umiyak iho ” punas naman ni sister Anna sa mga luha ko
Diko po mapagilan sister. Yun lang ang naisumbit ko.
Nakangiti ako habang naglalakad patungo sa trabaho ko diko namalayan na nakarating na pala ako.
” Boy masaya ka ata ? ” Tanong jimboy
Sobra pre abot langit ang saya ko sagot ko naman.
” Aba naman pre baka pwde mo naman Ikuwento saakin ” pangungulit ni Jimboy
Ganito kasi yan pree habang naglalakad ako sa daan papunta dito may sasakyan akong nakasalubong at huminto sila sa harapan ko at sina sister Remy at sister Anna inalok nila ako ng pag-aaral hanggang kolehiyo kaya agad ako umoo dahil pagkakataon kona to pree. sagot ko
” Wow pare goodluck wag mo ako kakalimutan kung nakapag tapos Kana ha “saad ni Jimboy habang nakangiti.
Pare ayaw moba mag-aral? Tanong ko
” Hindi na pre kuntento na ako sa ganito lang ako isang kargador ” saad nito.
Wag mong hayaan na hanggang dito lang tayo pree dahil maraming pagkakataon para mabago ang landas ng buhay natin pre dahil walang imposible habang may pagkakataon tayo let’s take the opportunity pree. Ngiting payo ko sa kaibigan ko.
” Pree natatakot ako dahil mabully lang ako kasi di ako marunong magbasa ” saad naman nito
Pree sabay tapik sa baga kaya nga tayo mag-aaral diba para matuto magsulat at magbasa dahil nagsimula tayo sa walang alam taasan molang ang pangarap pree dahil libre lang ang mangarap magtulungan tayo hanggang sa makapag tapos tayo pree.
Masaya ako dahil napapayag konadin si Jimboy na mag-aral.
Nadatnan ko na naman si mama na lasing at nakita ko mga kapatid ko na gutom na gutom na buti nalang at may binigay si nanay Jessa na pag kain.
O pagkain alam ko kasing dipa kayo kumakain abot ko sakanila at nag-unahan pa sila para kunin ito.
” Hoy batugan pahingi pera ” sambit ni mama saakin
Ma wala pa po yung sahod ko saad ko saknya.
” Ano? wala akong pera pambili ko ng alak ang damot damot mo wala kanangang silbi dito madamot kapa labas mo ” sigaw ni mama na kinakapkap yung bulsa ko
Ma, lasing napo kayo matulog na po kayo .
Kinabukasan maaga ako nagising at nakita ko si mama na nakaupo sa ilalim ng puno.
Ma tawag ko.
” May kailangan ka? ” Saad naman nito
Mag aaral na ulit ako ma -ngiting balita ko sakanya pero tawa lang yung narinig ko.
” Hahaha, ikaw mag aaral? San ka naman kukuha ng pangtustos mo, hoy baka nakakalimutan mo dikita kayang pag-aaralin wala na ang papa mo para tustusan ka, saka ano naman ang alam mo sa pag aaral kung bagsak molangdin naman ay tambay ” sigaw ni mama
Ma mataas po pangarap ko at sisiguraduhin kopo sainyo magiging proud din po kayo pagdating ng panahon at saka ma wag po kayo mag-alala dahil may tutulong po sa akin sa pag aaral ko kaya habang may pagkakataon go lang ng go ma. Dahil walang bayad ang mangarap ma.
” Aba tumatakas kalang sa responsibilidad mo dito sa bahay wag kang ganyan arjay pinapakita molang na wala kang silbi at wala karin mararating sa buhay dahil hanggang...


Jan kanalang pwee ” sigaw ni mama sa muka ko at dinuraan ako sa muka, napaluha ako sa ginawa ni mama.
Sisiguraduhin ko sayo mama na tung sinasabi mong batugan magiging isa akong engeener.
Lumipas na ang tatlong buwan.
Magkasabay na kami ni Jimboy na pumapasok sa eskuwelahan masasabi kung mahirap sa una pero habang tumatagal nagiging maayos din ang lahat.
Tumagal ng tumagal ang panahon.
” Pree salamat ha dahil ikaw ang nagmotivate saakin para mag aral thannyou for being good friend to me, but I will not treat you like a friend I treat like my brother ikaw lagi ang kasangga ko sa tuwing nahihirapan ako tama ka pre walang imposible I dol talaga kita dahil sa dami ng pinagdaanan mo Dika sumuko ” sambit ni Jimboy
Alam mo pree wg ka sa akin magpasalamat kundi kay Lord, dahil hinayaan mo siya na siya ang maghari sa buhay mo, sabi ko naman sayo diba walang imposible.
Live your dreams, not your nightmares.Think of the future. “Big dreamers become big winners.
” Dumugo ilong ko pree ” saad niya kasabay ng pagtawa namin
Marami akong napagdaanan sa buhay, minsan Nadin ako sumuko pero dahil sa mga dreams ko lumalaban ako dahil gusto mapatunayan kay mama na kaya ko. Buwan buwan din ako nagpapadala sa pamilya.
March 30 2020
” Pree patapos na tayo ng college ang bilis ng panahon magiging isang engineer kana pree, at ako naman isang piloto ” ngiting sambit ni Jimboy
Unti-unti na natin naabot mga pangarap natin.
” Mga anak congrats sainyo ha di niyo kami binigo lahat ng pagsasakripisyo namin sainyo ” sambit ni sister Remy na tuwang tuwa.
Kaya lumapit kami sakanya sabay akap. Alam mo sister kung wala po kayo malamang dipo kami hahantong sa ganito kaya po nagpapasalamat kami sainyo ni sister Anna.
” Hindi ba ako kasali Jan ? ” Muling may nagsalita sa likod namin at si sister Anna.
” Halika na sister ” hila ni Jimboy kay sister Anna.
” Graduation day ”
Bago magsimula ang lahat nais kona muna kayo batiin ng magandang umaga mga mahal naming guro at mga mahal naming mga magulang -nalungkot ako dahil wala si mama, at mga kapwa ko mag aaral.
Hindi ko akalain na aabot ako sa ganitong pusisyon, sa ganitong puwesto na kung saan may nakasabit na medalya, na may mga karangalan at magbibigay ng isang mensahe at isang inspirasyon sa inyong lahat. Sumabay lamang ako sa takbo ng araw-araw na buhay… siguro nga’y tinumbasan lamang ng nasa Itaas ang aking pagsisikap sa pag-aaral kaya eto, sa kalooban niya narito ako sa inyong harapan.
Maihahawig ko ang pag-aaral sa isang “Kalyeserye”… Mabilis ang mga pangyayari, sa isang iglap, sa isang kislap may nangyayari. Iba’t ibang leksyon ang natututunan sa araw-araw, iba’t iba ang eksena… may kasiyahan, may kalungkutan, iba-iba ang kulay, walang script na magdidikta kung ano ang maiuuwi mong aral sa inyong tahanan dahil tayo parin ang magdedesisyon kung isasapuso ba natin o itatapon na lamang ang mga ito sa kawalan. Nandiyang nahihirapan na ako sa mga proyekto, sa mga saloohin, sa mga exams pero dahil kasama ito sa ‘king kwento ng pag-aaral alam ko na kailangan ko talaga itong gawin para makatapos at makahakbang sa susunod na eksena… Sabi nga ni Lola, “HINDI LAHAT NG BAGAY AY INSTANT”… may mga bagay na kailangan nating paghirapan.
Syempre hindi lang ako ang bida sa kalyeseryeng ito… hayaan nyong pamagatan ko ‘tong “pasasalamat” at ang mga sumusunod ang tunay na bida para sa ‘kin, para sa aking kwento…
Unang-una nagpapasalamat ako sa Dakilang Guro sa lahat, ang direktor ng ating buhay, ang ating Panginoon sa pagkakaloob sa akin ng kalakasan at talino hanggang sa tagpong ito, ang lahat ng tagumpay ay itinataas ko po sa inyo. At kina sister Remy at sister Anna na nag tyaga saamin wala ako dito ngayon kung wala ang nagsilbing magulang namin nagpapasalamat po kami dahil binigyan niyo kami ng pagkakataon upang humantong sa intablado na kung saan ako nagsasalita sa harapan niyong lahat. Habang nagsasalita ako napapaluha nadin ako, kayo naging ilaw namin kasabay ng nahagip kung sa kabilang pintuan nakita ko si mama na kumakaway at ngumiti.
Sa mga guro, na nagsilbing pangalawang magulang para sa aming magkakaklase, batid ko po ang inyong pagtityaga para lamang po kami’y matuto at mapabuti… sa inyong pagkalinga sa amin, sa pag-iintindi, sa kalungkutan nyo kapag kami’y nag-aaway, kapag kami’y nakakakuha ng mabababang marka at nakakalimot sa mga aralin… alam ko pong sa araw na ito’y puno ng kasiyahan ang inyong mga puso dahil sa araw na ito’y natumbasan namin ang inyong mga ginawa… ang kami’y makatapos.
Sa ating paaralan, kung saan nahubog ang ating pag-iisip at pagkatao, maraming salamat po. Sandali pong magpapaalam ako at ang aking batchmates, subalit babalik kami sa darating na panahon, upang ibalik sa iyo ang karangalan at tagumpay na aming tatamuhin.
Hanggang sa kabanata ng ating buhay.
Sumalubong ang masigabong palakpakan.
_____
Sinamahan din ako Nina sister Remy /Anna, at mama sa stage para kunin ang mga medalya 🏅 ko bilang parangal binigay ko kina sister Remy/sister Anna at kay mama ang medalya ko para sainyo po yan.
Niyakap nila ako kasabay ng pag agos ng luha.
” Anak patawarin mo ako sa lahat ng mga nagawa ko sayo dahil di ako naging mabuting ina sayo ”
Hayaan niyo nayun ma matagal nadin yun wala parin mababago ma dahil mahal na mahal ko kayo.
____________
Isa na akong professional dahil sa tulong Nina sister remy at sister anna saakin. At nagpatayo din ako ng orfanage para sa mga batang nangangailangan, ngayon nakakapag aral Nadin mga kapatid ko.
Dito na nagtatapos ang kwento ko, walang imposible sa mga pangarap, tyaga at sipag ang kailangan para matupad lahat ng mga pangarap na ating inaasam I’m proud to be a DREAMER
I’m your kyut writer “BINIBINING CHINITA “






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top