Love & Tears Chapter 1


Chapter 1
I was alone walking at this quiet hallway of the hospital that my parents owned. Iniisip ko kung ano pa bang kulang sakin kakabalik ko lang galing sa California dahil nagkaroon ako ng general surgery dun sa isang batang 5 years old na nangangailangan maoperahan sa lalong madaling panahon. Nagtagumpay ako sa surgery at na dugtungan ko yung buhay nung bata kaya nag desisyon ulit akong umuwi dito sa pilipinas para ikwento sa parents ko ang nangyari dahil 1 week rin akong nag leave para lang sa surgery na yun but guess what ni isang congrats o kahit na anong papuri manlang mula sa kanilang dalawa wala akong narinig sa halip ang sabi nila sakin “ You can do better than that ” at “ Dapat lang, cause you are Herra Moon the heiress of the Moon Family” just like god kulang pa ba yung mga achievements ko? Hindi pa ba sapat na kinalimutan ko kung ano ba talaga ang pangarap ko para lang maging doktor? Hindi ba enough yung pagiging sunod-sunuran ko sa kanila? I was even willing to be their human puppet forever kung yun lang ang way para maging proud at ipagmalaki nila ako. Pero bakit hindi man lang nila ma-appreciate yung mga ginawa ko at ginagawa ko para sa kanila. Pagak na lamang akong natawa at pinunasan ang luhang hindi ko namalayan pumatak na pala.
Hayss… Hindi ka paba nasanay Herra? – tanong ko sa sarili at pinunasan ulit ang butil ng luhang pumatak na naman ng di ko namamalayan bago tuluyang pumasok sa office ko na nagsisilbi ring kwarto kung saan ako natutulog kapag may duty ako sa ospital.. Well I would choose to always be on duty kaysa ang umuwi sa mansion, hindi naman na rin halos umuwi ang mga magulang ko sa mansion dahil kung wala sila sa ospital nasa ibang bansa sila para sa mga kung ako anong bagay na related sa medicine. Mas pinapahalagahan pa nga nila ang reputasyon at kayamanan ng pamilya kesa ang kalusugan nila ehh. alam kong may heart failure na ang daddy ko pero patuloy pa rin siyang gumagawa ng mga bagay na bawal sa kalusigan niya.. Wala eh sadyang mas mahalaga sa daddy ko ang propesyon niya kaya kahit sinabihan na siya nila tita na magpahinga na muna parang wala lang sa kanya at ang madalas niyang sinasabi “Sa mundong ginagalawan natin, kapag mahina ka talo ka”. Kaya ayun lalo lang lumala ang sakit niya. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan nakatulog na pala ako sa sofa ng office ko dahil sa pagod at puyat na naranasan ko sa loob ng 1 linggo halos 3 oras lang ang tulog ko sa loob ng isang araw kaya naman bagsak talaga ang katawan ko. Nagising na lamang ako dahil sa walang tigil na pag ring ng cellphone ko kaya agad ko itong kinapa sa loob ng bulsa ng white coat ko na pang doktor at may logo ng hospital, pangalan at posisyon ko sa ospital. Pagkuha ko ng cellphone ko agad kong nakitang kanina pa pala tumatawag ang tita ko kaya mabilis ko itong tinawagan at tatlong ring lang ay sinagot niya na ito.
On call..
Hey tita, sorry nakatulog po kasi ako kaya hindi ko nasagot ang tawag mo sorry po ulit.- pagsasalita ko agar many masagot ni tita yung tawag ko.
Ahh.. Ganon ba?.. Sige matulog ka nalang muna mamaya na tayo mag usap since alam kong pagod ka sa biyahe. – mahinahon naman...


sagot ni tita.
No tita, it’s okay wala naman po akong ginagawa and besides kilala niyo naman po ako tita diba? Sanay na po ako sa mga biyaheng kagaya nito.- pag pigil ko sa kanyang ibaba ang tawag.
Sure kaba?- tanong niya pa.
Okay lang po talaga tita. – pagseguro ko sa kanya.
Well… I just wanna congratulate you for your another successful surgery… Aba hindi kaya biro yung ginawa mo. – papuri niya sakin. Napangiti na lang ako dahil sa papuring natanggap ko galing kay tita.
Thank you po tita. – pasasalamat ko naman sa kanya.
Nga pala Herra kailan mo balak bumisita dito sa London? Miss na miss na kasi kita ehh. – pag- iiba naman niya ng usapan.
Tita naman, napag-usapan napo ntin to diba? – pag sagot ko naman sa kanya. Nagkaroon pa kami ng mahabang usapan bago nag desisyon si tita na patayin na ang telepono niya, kailangan niya na kasing mag punta sa emergency room para asikasuhin ang mga bagong pasyente na naroon. Si tita ay nakababatang kapatid ni daddy at doktor din siya gaya ko at ng parents ko ang pagkakaiba lamang ay OB-GYNE si tita, samantalang Neurologist naman si daddy, tapos ako isang pediatric surgeon, habang si mommy ay isang dermatologist. Our family is a family of doctors, mula sa great-grandparents ni daddy tradisyon na rin ng pamilya namin. Na ang lahat ng member ng family namin ay kailangang maging doktor sa ayaw mo man o gusto namin lalo na ang panganay sa pamilya. Meron ding tradisyong sinusunod ang pamilya namin na kung saan kapag ikaw ay isang panganay automatic na ikaw ang magiging tagapagmana whether you like it or not wala kang magagawa unless meron kang mga kapatid na pwede mong pagpasahan ng responsibilidad na ibibigay sayo, kagaya nila daddy at tita. Hindi na kasi pinagtutuunan ng pansin ni daddy ang mga ospital na pagmamay-ari niya sa Europe kaya nagpasya siyang ibigay na lang ito kay tita since pwede naman yun sa tradisyon namin at sa Europe narin kasi nakatira si tita dahil nakapangasawa siya ng isang half Spanish- Half pilipinong isa sa pinakasikat at pinakamagaling na lawyer sa buong Europe at dahil dalawa lang naman ang ospital na nandun ay tinanggap na rin ni tita dahil gusto niya talagang matulungan ang kuya niyang mag manage ng mga ospital na pagmamay-ari ng pamilya namin. Pero kung wala ka talagang kapatid no choice ka kung hindi ang pasanin lahat ng responsibilidad na iiwan sayo ng mga magulang mo kagaya ko in the first place ayaw ko naman talagang maging doktor dahil ang gusto ko talaga ay maging isang flight attendant dahil yun talaga ang pangarap ko mula nung bata ako gustong gusto ko kasing mag travel all around the world in every countries of each continent of the world kaso tutol sila mommy dun dahil nga nag-iisang anak ako at dahil na rin sa tradisyong sinusunod ng pamilya namin wala akong choice kung hindi ang kalimutan ang pangarap ko para maging isang doktor, para maging proud sila sakin, para abutin ang mga expectations nila sakin pero wala ehh ni minsan hindi ko sila narinig na sinabihan ako ng dalawang salita na yun parang ang hirap ba sa kanilang puriin ako.
End of Chapter 1…
Author’s note: So hello Guys sorry for the late update and thanks sa pag-aantay and you are free to comment your thoughts about my story i would love to read it all love lots everyone enjoy reading and keep safe…






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Your Nameellen Lepran

    nice intro

Leave a Reply


top