Author: Ren Salazar
Exam ni Schiyev nang umagang iyon. Hinatid pa siya ni Bekket sa kanyang school.
” Good luck sa exam mo.”
” Hindi ko alam kung maaalala kong lahat ng inaral ko kahapon ng buong araw. Pero salamat. Sana makapasa ako.”
” Tiyak yan. ” Tiwalang saad ni Bekket sa kanya. ” Sige na girl. Pumasok ka na at diretsong opisina rin ako. Shaakkss.. ang dami kong aasikasuhin ngayon.”
” Sige na. Mag iingat ka.” Tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad patungong room niya.
Isang buong araw rin ang naging exam ni Schiyev. Mabuti na lang at lahat ng inaral niya kahapon ay lumabas sa exam niya ngayon. Laking pasasalamat niya dahil sa tiwala siyang makapasa. Pagkatapos ng exam, kailangan pa niyang pumunta ng aklatan para sa kanyang thesis. May mga kulang pa kasi siyang mga detalye tungkol dito.
” Schiyev….”
Nilingon ni Schiyev ang lalaking tumawag sa kanyang pangalan. Hapon na non at kakatapos lang ng exam.
” Mm? ”
” Totoo bang kinasal ka na? At kay Bekket Choi ng BC company pa?” Usisa nito.
” Mm..oo. ”
” Ang swerte mo naman. Ang yaman yaman ng napangasawa mo.”
” Mm..” nginitian lang niya ang lalaki.
” Sayang naman..balak ko pa sanang ligawan ka pagkatapos ng graduation natin.”
” Haha …ganoon?” Hindi makapaniwa si Schiyev.
” Oo ,sana. Pero nahuli na pala ako.” Malungkot nitong sabi.
” Alam mo…mabuti pa siguro iwan mo ko dito kasi..hindi ako makakapag focus sa thesis ko,eh. Pwede ba?” Paki usap niya sa lalaki.
” Pwede bang dito na lang ako? Para kahit sa ganito lang,natatabihan kita.” Sabi pa nito. ” Sige na,schiyev. Malapit na graduation natin kaya pwede ba ,pagbigyan mo ko. Pagkatapos non,hindi na kita lalapitan pa.” Pangungulit pa nito.
” Eh….sige.” pinagbigyan na lamang niya ang lalaki. ” Wala namang masama kung tatabi ka lang diba?”
” Meron.”
Nagulat si Schiyev nang sumbat sa kanilang pag uusap ang isang pamilyar na boses.
” Bekket?! ” Gulat niyang sambit.
” Ikaw. Umalis ka dito. Tatabi ako sa asawa ko.” Utos niya sa lalaking nangungulit kay Schiyev.
” So..sorry. ” yun lang at kumaripas na ng lakad ang lalaki.
Nang maka alis ay si Schiyev naman ang binalingan niya.
” Ang landi mo ah. Nagpapatabi ka pa sa iba.”
” Hahaha …anong reaksyon yan? Tumabi lang yung tao. Landi agad?”
” Obvious namang nagpapansin sayo yun. May gusto nga sayo diba? May balak nga sanang ligawan ka diba?”
Natigilan si Schiyev.
” Teka..kanina ka pa ba nandito? ”
” Ha? Ah..ngayon ngayon lang naman.”
” Sinungaling to. Narinig mo siguro ang pinag uusapan namin no? Bakit mo alam na may balak siyang ligawan ako?”
” Ha?! Ah….ano kasi.” Pero umamin rin si Bekket.” Oo na. Aaminin ko na. Maaga akong umalis ng opisina para sunduin ka. Nakita kitang papunta rito kaya sinundan kita. Lalapitan na sana kita pero naunahan ako ng lalaking iyon.”
” Bakit hindi ko yata narinig na tumili ang mga babaeng estudyante gayong nakikita ka nila?”
” Sinenyasahan ko na tumahimik tapos tinuro kita. Sinenyasan ko rin na patay ako kapag nagselos ka?”
” Huh! Selos? Hu…baka naman ikaw ang nagseselos. Aminin mo….nagseselos ka sa lalaking iyon no? Hu…..” Kininiliti pa ni Schiyev si Bekket sa tagiliran nito.
” Ay! ” Tili nito pero natigilan rin .” Ano ka ba..huwag mo kong kilitiin. Ibang klase ako kung makatili.” Bulong niya kay Schiyev.” Baka mabuking ako rito.” Dagdag pa niya na siyang ikinatawa lang ni Schiyev.
Pagkatapos nila sa aklatan, agad na ring umuwi....