Nang lumabas ang boss niya sa kwarto nito. Dali dali niyang pinulot ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig at patakbong nagtungo sa C. R upang doon isuot ang mga ito.
Hindi niya dinamdam ang pananakit ng kanyang gitna. Ang iniisip niya lang ay kailangan niya ng makaalis sa bahay nito.
“Yanna bakit mo ginawa yun?” pagkausap niya sa sarili habang nakatingin sa salamin.Dapat kasi hindi na siya naglasing!
“Yanna ayos ka lang ba diyan?” tanong nito sa labas ng pintuan. Ito ang nakakuha ng pinakaiingatan niya si Lucas Fierro ang kanyang boss at siya naman ang secretarya nito!
Hindi niya inaasahan na paglabas niya ng banyo ay naghihintay ito sa kanya. Nilagpasan niya lang ito. Mahina niyang minumura ang sarili dahil sa kat*ngahang ginawa.
“So where are you going?” seryosong tanong nito at di mo makikitaan ng kahit anong ekspresyon ang mukha.
“Uuwi na po, boss” mahina niyang sabi. Medyo kinakabahan. Naalala niya na kasi ang lahat ng naganap sa kaninang dalawa.
“I told wag mo kong tawaging boss! I prefer you to call me by my name. Hindi ba madali yon? And cut that po and opo! 4 years lang ang tanda ko sayo.” Inis nitong sabi.
“Pasensya na po talaga dun sa nangyari. Hindi ko inaasahan na ganun pala ang magiging epekto sa akin ng alak.” Sabi niya at naglakad na palapit sa pintuan ng kwarto para makaalis na siya!
” And do you think na ganun ganun na lang yon? You own me something Asshiana because I made you a woman.”seryoso nitong sabi. Mabilis itong naglakad palapit sa pinto at isinara iyon.
“Kailangan ko ng umuwi baka hinahanap na ko samin.” nakayuko niyang sabi dahil hindi siya makatingin dito ng ayos. Ang bilis ng tibok ng puso niya.
“Have breakfast with me.”
“Pero-”
“No more buts! After we eat diretso na tayo sa kompanya.”
“Hindi ho ako pwedeng sumama sa inyo sa kompanya amoy alak ako.” Wala siyang damit pamalit!Secretarya pa naman siya ng CEO.
“Don’t worry nagpabili ako ng damit mo sa driver. So after we eat, change.”
Napatango tango na lamang siya.Nagpapasalamat siya sa diyos dahil hindi niya inaasahan na may tao pa rin palang nagmamalasakit sa kanya.
Ito na rin ang nagbukas ng pinto para at pinauna siyang lumabas.Ang lawak ng bahay nito at lahat ng gamit mukhang mamahalin!
Sabay silang naglakad pababa ng hagdan. Ganon pala kayaman ang mga Del Fierro. Pero Mukhang wala itong kasama sa bahay bakit kaya? Hays wala na siyang pake don!
“Goodmorning po Sir Lucas handa na po ang agahan.” Bati ng isang katulong or mas tamang sabihin na mayordoma ng mansyon na iyon.
Dumako ang tingin nito sa kanya.
Pakiwaring sinusuri ang buo niyang pagkatao.Kapagkuwan ay ngumiti ito sa kanya kaya nginitian niya rin ito.
Mabilis niyang natapos ang pagkain dahil wala naman silang imikang dalawa.Dumating na rin ang damit na pinabili nito kaya agad siyang nagpalit.
Nauna na ito sa sasakyan.Lalabas na sana siya ng mansyon pero tinawag siya ng isang katulong.
“Girlfriend ka ba ng alaga ko?”tanong nito at may ngiti pa sa labi.
Pinamulahanan tuloy siya ng pisngi.Oo nga at may nangyari na sa kanila pero hindi siya girlfriend nito!
“Hindi po nagkakamali po kayo.”sabi niya pa habang umiiling.
May sasabihin pa sana ito pero umalis na siya doon.Naghihintay na kasi ang boss niyang dragon kong magalit sa kotse.
“Hindi ba pwedeng umuwi muna ko samin?”mahina niyang tanong.Baka kasi hinahanap na siya ng mga kapatid niya.
“You can’t,youre not even sure kung hinahanap ka nga nila.They need but do they love you?”may diin nitong sabi.
“Siyempre mahal nila ko.Pamilya kaya kami.”Sagot niya di pinahalatang nasaktan siya sa tinanong nito.
“Kung ganun ka nila mahalin well i can say that you dont deserve a love like that.”Nagpanting ang tenga niya sa narinig.Parang pinakikialaman nito ang buhay niya.
“Hindi mo sila kilala ka wag kang magsalita ng ganyan.”Pinipigilan niya lang ang sarili n magalit dahil boss niya ito.
“Don’t fool yourself Yanna,may pakialam ba sila sayo?They don’t even care about you.They just care for themselves.Nilulubos lubos nila ng kabaitan mo.”
“Ehh bakit ka ba nangingialam? Labas na yun sa trabaho ko sayo.” Hindi niya na napigilan ang sarili na magtaray.
Personal na buhay na niya ang pinag-uusapan.Tumahimik na lang siya at hindi na nagsalita pa.”Yanna you should love yourself first.” Sabi nito.
Pagkarating sa kompanya nauna na itong pumasok sa loob.Okay na rin yon dahil baka machismis pa sila at ayaw niyang mangyari yon!
Del Fierro Empire was one of the richest company in the country her boss Lucas Del Fierro was one of the famous bachelors in the world.
“Yanna girl!” bati sa kanya ni Chesca isa sa mga empleyado doon at itinuturing niya na ring kaibigan. Nginitian niya na lang ito.
Kailangan na siya ni Lucas este ng boss niya sa opisina nito. Well she’s very lucky because she is the CEO’s secretary kaya malaki ang sweldo niya.
“Yanna naandiyan yung hig*d este ex ni boss. Kal*ka aba ang land* landi talaga ng hal*parot na yon.” Sabi ni Janice sa kanya at ngumiwi pa.
Lahat ng empleyado sa kompanya ay ayaw sa babaeng yon! Mayaman nga sobrang pang*t naman ng ugali!
Wala siyang pake doon! Ang mahalaga sa kanya ay magawa niya at magampanan niya ng ayos ang trabaho niya.
“Don’t you know how to knock?” mataray na sabi...
I Like this story..
I love it this story
like
like the story
I love your story nkakakilig