I’LL NEVER GO CHAPTER 1


“Anak talaga bang di na mababago desisyon mo?”
“Opo Nay,sasama ako kay Ate May sa Maynila.”
“Ano daw magiging trabaho mo dun?”
“Baka kasambahay po Nay kagaya kay Ate, ok na yun basta ang mahalaga me makain tayo.”
“Kung yan ang pasya mo anak sige lang,basta mag ingat ka.”
Dalawang taon lang ako sa kolehiyo ng maisipan kung tumigil na lang sa pag aaral at magtrabaho na lamang.
Kahit kasi hindi sabihin ni Nanay na tumigil na ko ay ramdam ko na hindi na talaga kakayanin pa.Bukod sa dalawa lang kaming magkapatid,si Nanay na lang ang nagtataguyod sa amin.Kahit kasi me asawa na si Kuya ay nakapisan pa sa amin ang pamilya nya.
Paextra extra lang sya kapag me magpagawa ng bahay.
Hindi ko alam kung nasaan ang Tatay namin,kapag tinatanong ko si Nanay ay ayaw nyang pag usapan pa ito.Iginagalang ko ang desisyon nya,bahala na baka balang araw kapag handa na syang sabihin sa amin.
Si Nanay ay nagtitinda ng mga tanim nyang gulay dito sa likod bahay namin.
Lagi na lang akong lumiliban sa klase dahil kahit pamasahe pagpasok ay wala.Kulang pa nga pambili ng bigas.
Kaya ng ayain ako ng pinsan ko na magtrabaho sa Maynila ay di na ako mag alinlangan pa umoo agad ako.
Syempre para makarating dun charot! Syempre para sa matagal ko ng pangarap ang yumaman este makahanap ng mapapangasawang mayaman.
Halos di ako makatulog sa gabing iyon,matagal ko ng naayos ang mga damit kong dadalhin kaya ready na ako.
Dumating na nga ang araw ng aming paglisan sa aking baryong kinagisnan.
“Sa wakas Ate makakapunta na rin ako ng Maynila.”
“Kaya nga ikaw ang naisip kong isama kasi alam ko na matagal mo ng gusto makapunta.”
“Mababait ba ang amo mo doon Ate?”
“Oo naman super bait pero di tayo magkasama sa bahay dun ka sa pinsan ng amo ko.”
“Ay di pala tayo magkasama Ate.”
“Huwag kang mag alala malapit lang ang bahay nun sa mga amo...


ko kaya magkikita naman tayo palagi.”
“Andito na pala tayo sa terminal,teka tatawagan ko ang susundo sa atin.”
Pagkarating sa bahay ay doon muna ako sa kwarto ni Ate mamaya daw ay pupunta kami sa bahay ng magiging amo ko.
Nilakad lang namin dahil sa malapit nga lang.Kabilang street lang ng subdivision ng tinitirhan nila.
“May andito na pala kayo,sya ba yung sinasabi mo na pinsan mo aba’y ang bata nya pa pala.”
“Nineteen na po ako Maam.Hindi na po ako bata.”
“Ay ganun ba,baby face ka kasi.Sinabi rin sa akin ni May na undergraduate ka daw,kaya dun kita itatao sa flower shop ko.Madami na kaming kasambahay kaya di ko na kailangan tsaka di bagay sa yo.”
“Kahit ano pong trabaho tatanggapin ko.Maraming salamat po Maam.”
“Maam Pia na lang iha.Pansamantala ay dumito ka muna sa bahay.”
“Salamat po talaga Maam Pia.”
“Walang anuman iha.”
Kinabukasan nga ay isinama na ako ni Maam Pia sa flower shop.Tinuruan nya din ako kung paano mag arrange nito.
Masaya ang unang araw ko sa trabaho madali lang kasi ang ginagawa ko bukod pa sa magagandang pagmasdan ang mga bulaklak ay magaan kasama ang mga katrabaho ko.
Araw araw ay sinasabay na ako ni Maam Pia papunta sa shop pero ngayong araw mag isa lang akong papasok.Pagkababa ko ng jeep ay nagmamadali akong naglakad ayoko ko kasing malate.
Nagulat na lang ako dahil me nakabangga ako,sa lakas nito ay nakasalampak ako sa daan.
Isang lalaki pala ang nakabanggaan ko ngunit di man lang ako tinulungan at tumalikod na.
Sa galit ko ay binato ko sa kanya ang sapatos ko.Sapol sa kanyang batok.
Dali dali akong bumangon kahit masakit ang balakang ko dahil sa pagkabagsak.
Pero mabilis nyang nahablot ang braso ko.
“Hoy Miss masakit yun
ha.Ikaw na nga tong di tumitingin sa daan.”
“Di sori po,pero sana tinulungan mo man lang ako makatayo.”
Sya na nga itong nakaperwisy* sya pa ang galit.Sa pagmamadali ko lalo tuloy akong nalate.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top