Why Do You Hate Me? CHAPTER 1


Why Do You Hate Me?
Genre:Random
Author: Ms. Koffi Xyn
CHAPTER 1
Nagising si Sylvia na may nararamdamang sakit sa ulo. Kaagad naman siyang bumangon at nag tungo sa kusina. Sakto may nakita siyang orange na prutas, kaya kaagad niya itong kinain para naman mawala wala yung sakit sa ulo niya.
“Seryoso lasing na lasing ako kagabi?” Tanong niya sa kanyang sarili. Tumawa nalang ito dahil hindi siya naniniwala.
Bumalik siya kwarto para matulog ulit, kulang kasi ang tulog niya. Nang biglang may tumawag sa phone niya. Kaagad naman siyang bumangon at kinuha iyon.
“Hello, who’s calling?” Kaagad na tanong ni Sylvia sa telepono.
“Kinalimutan mo naman ako kaagad porket lasing ka kagabi” Sagot nito sa kabilang linya.
“Sino nga ‘to?”
“Thailaaaaaa!”
“Wag ka ngang sumigaw Thaila” Galit na pagkasabi ni Sylvia sa telepono.
“Sumama ka samin ngayon” Sabi ni Thaila sa kabilang linya.
“Saan?”
“Sa Vigan punta tayo sa Calle Crisologo. Mag impake ka na pupunta na kami dyan”
“Hoy tekaโ€””
Magsasalita pa sana si Sylvia nang biglang binabaan siya ng telepono sa kanyang kaibigan.
Hindi na nagdadalawang isip na nagimpake si Sylvia sa mga dadalhin niya papuntang Vigan. Second time niya ulit itong pumunta sa Calle Crisologo. Kaya may nararamdamang excitement parin siya dito at may konting kirot din tuwing may naalala siya sa nakaraan.
Unang tapak niya palang noon (3 yrs ago) sa unang punta niya sa Calle Crisologo, abot langit ang kanyang tuwa. Panay picture siya doon para remembrance daw. Doon din niya nakilala ang kanyang first love na si Khaled.
They fall in love but it didn’t last.
Cause Sylvia, she figure it out he pushes her away.
Napatigil sa pag iimpake si Sylvia ng may nagdoorbell ng maraming beses.
“I’m coming saglit lang!” Tinakbo nalang niya ito papunta sa pintuan para buksan alam niya na andito na ang mga kaibigan niya.
“Syllllllllll gomooo!” Sigaw ni Leo.
“Aga aga ang ingay niyo ha, tumahimik nga kayo” sita ni Sylvia mabuti nalang sumunod ang kanyang mga kaibigan.
Isa isa nilang kinuha ang mga bagahe ni Sylvia ang isa pa ay nagrereklamo ba’t mabibigat ang mga laman sa bagahe nito.
“Ipasok mo na yan sa kotse, reklamo ng reklamo ka naman” Sabi ni Thaila sa isang nagrereklamo niyang kaibigan.
Nang pinasok na nila ang mga bagahe kaagad naman tinawag ni Sylvia si Thaila para kausapin.
“Thaila ba’t pupunta tayo sa Vigan, biglaan pa ha” kaagad na tanong niya.
“Tulungan mo ko doon sa itatayo ko na coffee shop. May nakilala kasi ako kahapon kaya binili ko yung pwesto na iyon. Ganda kaya doon sa Calle Crisologo”...


Sagot kaagad ni Thaila kaya tumango tango nalang ito si Sylvia.
Nang nakapasok na sila sa kotse nag tungo na sila sa airport.
“Flight na natin muntikan na tayong malate” bulong na sabi ni Leo kay Thaila
“Kasalanan mo kasi”
At yun nakipag away ang dalawa, ganito naman kasi sila.
Nang papalipad na ang kanilang eroplano ay natulog muna si Sylvia. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos, tapos may biglaang biyahe pa.
Alam ko na mahirap na itong gisingin si Sylvia.
Few hours ago later, touch down na ang eroplano nila kaya ginising na nila si Sylvia.
Mabuti nalang nagmulat na kaagad ito ng mata kung hindi palang, may makakas*mpal sa kanya.
May kinuha din si Thaila na private taxi para diretso na ang kanilang biyahe sa destination.
Nang makarating na sa Calle Crisologo kaagad naman sila nagtungo sa biniling pwesto ni Thaila para sa Coffee Shop niya.
“Makikipag kita yung binilhan ko ng pwesto para sa coffee shop ko” Sabi ni Thaila
Kaagad naman nag tanong si Sylvia kung ano ang pangalan sa binilhan niya ng pwesto.
“Mr. Devu Trevor pangalan non” sagot ni Thaila at sakto naman ay nakarating na sila.
Isa isa silang bumaba at nilibot ang mga mata sa paligid. Madami na nagbago sa Calle Crisologo. Pero kahit ganon paman ay maganda parin ito.
“Maganda yung pwestong napili mo for your coffee shop Thaila” manghang manghang sabi ni Leo.
“Syempre ako pa, teka andito na daw yung main owner nito” Kaagad na sabi ni Thaila. “Tara pasok muna tayo”
Hindi nakinig si Sylvia dahil naaliw siya sa paligid namiss niya kasi ito. At ang Calle Crisologo ay ang kanyang paboritong lugar kahit may masakit itong alaala.
“Syl!” Tawag ni Thaila.
“Susunod lang ako”
Nang nakapasok na ang mga kaibigan niya ay kaagad naman siyang sumunod.
“Okay ang pwesto nito ay pwede mong irenovate wag mo lang pasobrahin. Looking good panaman ito” sabi ng pamilyadong boses na narinig ni Sylvia sa loob kaya nag angat siya ng tingin.
“Mr. Devu Trevor” sabi ni Sylvia kaya kaagad napalingon ang mga kaibigan niya.
“Hey you!” Magkasabay na pagkasabi.
“What a small world huh” mataray na pagkasabi ni Sylvia.
Hindi makapaniwala si Sylvia na magkikita ulit sila ng lalaki na iyon. May nararamdamang galit at kilig ito si Sylvia alam natin may gusto ito kay Devu.
Ang mga mata ni Devu habang nakikipag usap kay Thaila about sa pwesto na binili sa kanya. Ay Panay sulyap sulyap ito kay Sylvia. At dahil nairita ito si Sylvia ay kaagad niya itong tinarayan.
(plug!plug! Wait for the chapter 2)





1
Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Kimberly Jakosalem

    sakit naman

Leave a Reply


top