POLICE LIEUTENANT TJ DE LEON arrested my HEART Chapter 37


📍TJ POV📍
Hindi ko natiis si Rhian kaya kahit busy sa training center,pinuntahan ko siya sa bahay nila at nadatnan ko siya sa sala na natutulog kasama si baby Xyrile.Ang cute nilang tingnan pero naghalo ang emosyon ko dahil sa pag-iwas na naman niya sa akin.
“Bakit hindi mo sinagot at nireplyan ang mga tawag at text ko?”
“Ano namang pakialam mo kung hindi ako nagreply?”
“Ayan ka na naman Rhian,diba nag-usap na tayo?”
“At anong napag-usapan natin?”
“Di ba kakayanin mo na magkalayo muna tayo?nagpunta ako dun para magtrabaho tapos ngayon ganyan ang pakikitungo mo sa akin?”
Hindi siya sumagot mukhang galit siya sa akin.
📍Rhian POV📍
Tahimik kaming kumain kasama si Mama at Ate.
“Buti naman napadaan ka dito Iho,di ba hindi pa tapos ang training nyo?” tanong agad ni Mama
“Kaya nga ho Tita,gusto ko pa sana isama si Rhian sa training center,hindi ko siya matiis eh,” nagulat ako dun ha?
“Di ba one week na lang iyon?”
“Yes tita.”
Natatawa naman at kinilig si Ate.
Kinabukasan,si TJ ang nagprocess sa mga papeles ko para makapagleave sa trabaho.Desisyon niya iyon kaya dapat todo efforts siya.Nang magbyahe kami papunta sa training center,wala kaming...


imikan.Natulog lang ako sa sasakyan niya.Nagdilat ako nang mapansin ko ang ginawa niya.
“Kinumutan lang kita,baka sisipain mo ako diyan.” he said,kinumutan niya rin ang legs ko dahil nakashort lang ako.
”Tsansing ka diyan!”
“Hindi ha,kinumutan lang kita..matulog ka na ulit..”
Akala ko didiritso kami sa training center pero sa apartment niya kami nagtuloy.
“Huwag kang aalis dito ha,hahatid lang kita mamaya ng pagkain dito..dilikado sa labas kaya huwag kang magtangkang lumayas..”
“Hindi ka ba muna matutulog?”
“Hindi na,nagmamadali kasi ako..behave ka dito by,” and suddenly kiss my forehead.
“Siguro excited ka lang makita ang ex mo!!”
“Si shamcey?”
“Bakit may iba pa ba?”
“Oo excited nga akong makita siya,ano naman?”
“Magsama kayo!magbalikan na kayo total masaya ka naman sa kanya!!”
“Masayang-masaya nga ako sa kanya..nagseselos ka?”
“Hindi.”
“Till now,wala ka pa ring tiwala sa akin by?huwag kang magduda,magselos at mambintang dahil sinasaktan mo lang sarili mo..di ba sabi ko sa iyo,ikaw lang ang mamahalin ko at wala ng iba na mainvolved..mahirap ba iyon intindihin?”
Agad niya akong niyakap, ” Mahal na mahal kita Rhian,” and k*ssing me passionately.
“Sige na,I want to go..mag-ingat ka dito,babalik ako agad by..I love you” at umalis na siya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top