Kumuha ako ng walis Tambo at nag walis sa sala…
Pagka damot ng lalake na yun! Hindi manlang Ko binigyan ng hotdog nya!!
Maka kanta nalang nga mabuti.. tinapat ko sa bibig ko ang kahoy ng walis Tambo..
DI KO KAYANG TANGGAPIN!!! 🎵🎶🎶🎶🎶 NAMAWAWALA KANA SA AKIN! 🎵🎵🎵🎵🎵
bigla nalang na gising ang mag asawa sa lakas ng boses ni Marie.. dahil anlakas talaga ng boses na ito lumabas ang mag asawa sa kwarto na Naka pantulog pa.
DIKO NA KAYANG MABUHAY SA MUNDO KUNG MAWAWALA KA……. SA PILING KO. 🎶🎶🎶🎶🎵🎵🎵
biglang May pumalakpak sa likuran nya at nagulat pa sya..
Magandang umaga po Marie ang galing mo naman pala kumanta.
ay sir madam pasensya na Ho nagising Ho yata kayo sa lakas ng boses ko.. pa sensya na Ho..
Tignan mo na gising tuloy sila mommy at daddy sa lakas ng boses mo! Hindi Kana na hiya!
Ok lang anak. May almusal na ba??
Ay sir madam meron na.. ako po nag luto ng sinangag at hotdog itlog.. tara po sa kusina madam at sir..
Hinawakan ko silang dalawa sa kamay at gumitna ako.. tapos sabay sabay kame lumakad. Hinila ko ang silya at pina upo ko sila doon.. at sinandukan ng sinangag..
Madam? Sir? Gusto nyo po ng kape?
Sige ipag timpla mo kami para mainitan ang sikmura namin..
Nathaniel Po’v
Hmmmmm mabait ka Marie kaso May saltik ka sa ulo!! maganda sexy ka sana ehh kaya lang may saltik ka talaga.. nakakA dami Kana sa akin eh. Gaganti ko. Alam ko na!
Yaya Marie mag bihis ka. Aalis tayo pupunta ako ng mall samahan mo ako..
Anong mall?? Saan yun bakit mag bibihis pa ako Naka bihis na ako.
Mag palit ka ng suot mo aalis nga tayo samahan mo ako!
Galit agad? Eto na mag bibihis na!. Teka muna.
Ano nanaman yun!
PahAwak muna sa dalawang pisngi mo.
Ang pogiiii pogiiii mo talagaaaaaa hmmmmm
Aray aray arayyyy ano ba! Masakit yun! Pasalamat ka babae ka!
Patuloy lang sa pagkain ang mag asawa dahil sarap na sarap ito sa luto ni marie..
Naka paligo na si Nathaniel at nakapag bihis na.. si Marie naman ay nag palit lang. Naka bestida lang ito at naka tsinelas
Ang tagal naman ni Nathaniel!! Ang bagal-bagal
Nakita ni Marie si Nathaniel pababa ito sa hagdan natulala sya..
Marie Po’v
Ang pogi talaga ni Nathaniel. Lalo syang naging pogi sa suot nya.
Nathaniel Po’v
humanda ka sakin sayo ko lahat pabitbit ng bibilhin ko…
Tara na bilis.. ayokong babagal bagAl. Teka yan lang suot mo?? Pang bahay lang yan ahh?
Wala naman kasi kong magandang damit..
Umalis na kame ni Nathaniel.. at bumyahe… Naka sakay na kame sa sasakyan at lahat ng Makita doon hinahawakan ko…
Ano to. Wow ang galing nag bubukas tapos nag sasara. Magic..
Isara mo nga yang bintana!!
Mamaya na nag lalAro ako eh.. eto ano to?? Huh parasaan to??
Pang tanggal ng alikabok yan! Bitawan mo
nga yan!
Awtsuuu!! Awtsuuu!!!
Ano ba yan Marie!! Sabing bitawan mo yan..!!
Oo na! Teka ito ano to?? Wow radyo.. lipat ko nga. Wow alam ko tong kanta na to ah. Masa
Basang basa sa ulan…. walang masisilungan. 🎶🎶🎵🎵 Walang malalapitan…. 🎶🎶🎶🎶 Sana ayy May luha pa. ko’yy mailuluha at ng mabawasan… Ang aking kalungkutan..🎵🎶🎶🎶.
Nathaniel Po’v
Ang ganda ng boses nya talaga.. mala singer na..
Huh huminto ako saglit sa pag maneho kinabit ko ang seatbelt kay Marie at nahinto sya sa pag kanta..
Ano yan?? Bakit kinabit mo sa akin..
Kailangan yan Marie.. para maging safe..
Biglang nag tama ang mata namin ni Marie. NapA TINGIN ako sa labi nya.. ang pula. Kahit wala syang lipstick At kahit wala syang makeup ang ganda nya…
Bakit ganyan ka makatingin sa akin nagagandahan ka sa akin nohh…
Nathaniel Po’v
Mukhang masarap halikan ang lips ni Marie ang bango ng hininga nya…
Pakkkkk!!!!!
Arayyy bakit mo ko sinampal Marie!!
Ehh titig na titig ka sa akin Ehh dika kumikibo…
Pina andar ko nalang ulit ang sasakyan ko. Hanggang sa naka rating kame sa mall.
Wow ang laki naman nito. Ang daming tao ohh.
Marie sumunod ka sa akin.. kung san ako pupunta doon ka rin pumunta maliwanag??
Tumango lang ako.. at nilibot ko ang mata ko… Lakad kame ng lakad ni Nathaniel.. hanggang sa tumapak sya doon sa hagdan na gumagalaw.. tumapak din ako dun at bigla ako nagulat…
Nathaniel ano to?? Bakit ganito gumagalaw.. Nathaniel tulong mahuhulog ako Nathaniellllllll… Tulonggggg
Tingnan ang mga tao sa amin ni Marie at nag tatawanan ito…
Marie ano ginagawa mo Jan?? Tumayo ka nga! Bakit ka naupo Jan baka maipit ka! Na pa tingin ako sa paligid ko Naka tingin na sa amin ang lahat. Kaya binuhat ko nalang si Marie..
Nathaniel Po’v
lintik na buhay to ohh! Ako mag papahirap sayo Ehh. Pero ako pina hihirapan mo!
Ng maka hakbang na ako sa escalator binaba ko na si Marie…
Na lingap lang ako saglit nawala na sa paningin ko si Marie hinanap ko ito. At nakita ko naman agad sya…
Nanjan ka lang pala tara na!
Ayoko! Dito gusto ko!
Ano ba sabing tara na eh!!
Nakita kong Naka tingin sya sa mga bata kumakain ng ice cream. Kaya bumili...