(The Monkey Business)
KINABUKASAN ay maaga niyang binisita ang ilang tailoring shop na pag-aari ng kaniyang mama. Mga sikat na personalidad ang kanilang mga kliyente lalo na ang mga artistang may pangalan sa industriya. Siya man ay kilala bilang magaling na hosts pero she refuse to sign any contract to any network after the success of her show. She want a break and pursue her mission why she is returning to the country.
“Ma’am, here’s all the copy of our client and some receipt of our transactions with them. I have also the computations and all the income of the business since last year.” Paliwanag ng sekretarya. “Oh, here’s also iyong audit ng accounting natin regards sa mga inputs at outputs natin,” pahabal pa nito.
Nasapo na lamang niya ang noo sa dami ng gagawin. She needs to be hands on, malaki o maliit man ang isang negosyo. Tuon ang pansin sa papeles sa mesa ng may kumatok sa pintuan at iniluwa noon ang mukha ng kaibigang si Gracie.
“It look, you’re that busy huh! You will be busier if you gonna see this!” Anito sabay lapag ng puting folder sa harapan. Agad niyang tiningala ang mukha ng kaibigang nakangiti pa. Nagtatanong ang mga mata ngunit ayaw magsalita ng kaibigan at tila nais pang siya ang umalam kung ano ang laman ng folder na binigay.
Maya-maya ay binuksan iyon at nakita ang isang familiar na mukha. “Monique Delos Reyes,” basa sabay ngisi. Ito ang dating kababata ni Wendy. Kababata niya pala.
Agad pinasadahan ang mga impormasyon naroroon. Ngumiti siya. “She graduated as summa cum laude at Saint Louis University at Baguio with a degree of Bachelor of Science in Chemical Engineering. Wow! That’s interesting.” aniya saka tumayo.
“Guess what interesting girl,” anito sabay ngiti pa ng kaibigan.
Nahawa na siya sa ngiting iyon ng kaibigan. “What is it?”
“Yummy ang mapapangasawa niya” anito na nang-uuyam.
“Really? That’s great!” Aniya naman na nakini-kinita na niya kung ano ang nais ipakahulugan ng kaibigan.
Muling binuklat ang ikalawang pahina at nakita roon ang larawan ng ama ng babae. “Mr. Delfin Delos Reyes. Isa sa major stock holder ng SLU.” Natawa siya ng mabasa iyon. “No wonder!” Bulalas saka tumitig sa mukha ng ama ni Monique.
Hindi niya alam na napansin pala iyon ng kaibigan. “Aha! Grabe girl, don’t tell me maging siya?” Awat nito.
Ngumiti lamang siya. Hindi ba’t mas masarap tamasin ang tagumpay kung mas mabigat ang ipapalasap mo sa taong gumawa ng masama sayo. Mas lalo pang napangiti si Wendy ng makita ang larawan ng soon to be husband ni Monique.
“Ay ang bad mo girl,” ani ng kaibigan ng makitang mas lumawak ang pagkakangiti niya.
“Di naman mashayadooww.” ang maarteng turan kay Gracie saka sila nagtawanang dalawa.
Simula pa lamang ito at handa na siya sa anumang sagupaan. Limang taon siyang naghintay sa pagkakataong ito kaya wala nang makakapigil pa sa kanya. Matitikman nilang lahat ang pait ng kanilang mga kasalanan.
“So, kailan ka tutungo sa probinsiya?” Untag na tanong ng kaibigan.
“Siguro sa susunod na araw pa. Marami pa akong inaasikaso ngayon,” tugon sa kaibigan.
“Okay, goodluck girl.” Sabay kindat pa nito. “Anyways, I’m going. Kasi naghihintay na si Jeffrey sa akin.” Anito tukoy ang kasintahan nito.
“Okay, enjoy!” Aniya sa kaibigan na kinangiti naman nito.
Nang wala na ang kaibigan ay muling pinasadahan ang larawang nasa folder na binigay nito. Napangiti siya ng muling mapagmasdan ang mukha ng taong naroroon. Saka nilagyan ng malaking ekis ang mukha ni Monique habang heart naman sa dalawang lalaking malapit rito. Buo na ang plano sa isip niya. Ngayon, ay mahihipag-higante na niya ang mga magulang na kumupkop sa kaniya.
Muling tinuon ang tingin sa mga papeles na inaaral. Mukhang maayos naman iyon at walang anomalya kaya mabilis lang niyang pinag-aralan. Kahit papaano ay may jetlag pa siya. Kaya matapos ng ginawa ay napasandal siya sa kanyang upuan at pinikit ang mga mata ng makarinig siya ng ilang kumosyon sa labas kung saan ang shop nila.
“I fit this suit the other day. How come that it was still loose. I can’t wear this tomorrow.” ang tinig ng isang lalaki.
“Sir, just calm down. We can talk about this. We’re so much willing to do it now. As in right now.” Paliwanag ng empleyado niya ngunit inis na inis na ang lalaki kaya hindi na niya napigilang hindi lumabas.
Isang ubod tamis na ngiti ang ikinintal sa mukha. Nabigla pa ang lalaki ng makita at makilala siya. “You’re Wendy Bustamante, right?” Mababa na nitong tinig.
“Oh yeah. And you are?” Ang malambing na balik tanong.
“I’m Menard Velasquez,” ang pagpapakilala...