HIDING THE BILLIONAIRE’S DAUGHTER CHAPTER 9


“WALA ba talaga kayong planong sabihin kay Kuya Tyler ang tungkol sa anak niya kay ate Fatima?” nabigla si Trisha dahil bigla na lamang nagsalita si Troy habang nagbrebreakfast sila. Mabuti na lang ay wala si Tyler dahil maaga itong pumunta sa kompanya. Ilang linggo na rin kasi simula ng malaman ng buong pamilya ang tungkol kay Faith. Tanging ang kuya Tyler niya lamang ang walang nalalaman.
“Troy, bat ang kulit mo, diba sabi ni Fatima at siya ang magsasabi kay Kuya kaya hayaan natin siya, di mo ba napapansin nagkakamabutihan na sila.” pagsagot niya sa bunsong kapatid. Ang mommy at daddy naman nila ay walang imik at pinakikinggan lang sila.
“Pamilya tayo diba? Dapat ay walang sikreto. Paano kapag nalaman ni Kuya baka magalit yun sa atin.Alam niyo naman at kilala niyo si Kuya Tyler hindi natin gugustuhin dumating tayo sa puntong iyon.” kahit may pagkamakulit si Troy ay lagi nitong iniisip ang kapakanan ng pamilya nila.
” Well hindi tayo aabot dun kung sasabihin ng maaga ni Fatima ang lahat kay Tyler.I think humahanap lang siya ng timing. Hayaan muna natin siya. And besides their already getting to know each other.” Saad ng mommy Clara nila.
“But mom kailan pa sasabihin ni Ate Fatima? Kung kailan nahahalata na tayo? Kung kailan bisto na tayo? At si kuya na ang kusang nakaalam.” naiintindihan ni Trisha ang pinanggagalingan ng bunsong kapatid. Pinaclose kasi ito sa kuya nila at inidolo nito.
“Troy let’s just trust Fatima, I know that she knows whats the right thing to do. Di niya hahayaang walang ama si Faith.” bulalas ni Trisha kay Troy.Akala niya ay titigil na ito pero hindi pa pala.
“Ate Trish, wala akong sinasabing di ko pinagkakatiwalaan si ate Fatima. Gustong gusto ko nga siya para kay Kuya Tyler. Pero mukhang di na tama ang pinaggagawa natin. Paano malalaman ni Kuya kung walang magbibigay ng hint man lang sa kanya? Ilang beses na nating nakasama si Faith, nakalaro, nakasamang kumain, at sa iba pang mga bagay. Pero si kuya? Wala. Siya pa ang daddy ni Faith.”Di sila nakaimik. Dahil may punto naman si Troy.
“Kuya Tyler is not doing anything para malaman niyaโ€”” Di na natuloy ni Trisha ang sasabihin dahil sa sigaw ng mommy nila.
“Stop it!!! Tigilan niyo na yan!!! Oo na alam Kong concern kayo sa kuya niyo lalo na sa pamangkin niyong si Faith at kay Fatima.Pero wag naman kayong magtalo Lalo na sa harap ng hapag.andito kami ng daddy niyo di niyo ba nakikita.”makahulugang sabi ng mommy nila.
” I’m sorry mom but I mean what I said. Stop being unfair to kuya Tyler. We know that he’s the one who’s working hard for this family. Siya ang naghahandle ng negosyo at bilang kapatid wala man lang akong maitulong sa kanya.Siya rin ang kakampi at kasama ko sa mga oras na wala kayo para samahan ako. Kuya Tyler deserves to know everything. “parang hindi si Troy ang kausap at kaharap nila.
” Where will you go? “tanong ng dad nila kay Troy. Humarap muna ito sa kanila bago nagsalita.
” in the University dad, I am a college student right “walang gana nitong sagot bago naglakad paalis. Nakatingin lang sila sa papalayo nitong bulto.
” May punto ang kapatid mo Trisha.Tama siya. Kailangan ng sabihin ni Fatima sa kuya mo. Masama kung sa iba pa malalaman.”
“Troy is getting more matured now, you must be proud Trisha, your brother is becoming more better.” saad naman ng daddy niya sa kanya. Napatungo na lang si Trisha.
Napatingin na lang siya sa litrato ni Faith sa kanya cellphone. Kasama rin sa litrato si Fatima.
“You should tell the truth to...


Kuya Tyler, Fatima” bulong niya.
“FUCKING get out of my office now! Hindi niyo inaayos ang mga trabaho niyo. It was a simple job why can’t you do it more better!”sigaw ni Tyler sa mga empleyado ng kompanya. Kaya mabilis itong nagsialisan sa opisina niya.
Kay aga aga ay pinapasakit ng mga ito ang ulo niya. Kay simple simple lang ng pinapagawa niya ay di pa magampanan ng mga ito ng maayos. Kailangan pa yata ay sisigawan para magsisunod ang mga ito.
Maaga siyang umalis ng mansyon nila para makapunta agad sa kompanya at maayos ang mga dapat na ayusin.
Hindi na nga siya nakakapunta sa restaurant ni Trisha para makita si Fatima. Tila wala naman itong pake sa kanya pero sana magustuhan rin siya nito pabalik.
Biglang ang cellphone niya kaya agad niyang itong sinagot. Ang kapatid niya lang pala na si Troy.
“Troy, what do you want?” may halong iritasyon niyang sabi . Pagpasensya na lang sana siya ng nakababatang kapatid dahil mainit ang ulo niya.
“Kuya we have to talk later, not in the mansion, not in the restaurant, maybe in your office.”
“What? Why? I have more important business matters to fix.” balik ni Tyler sa kapatid.
“This is more important than you think, you must know it. I am so concerned to you, so you should know.”
“Ano ba kasi yon?!” napasigaw na siya. Bakit kasi di pa sabihin.
“Later kuya, may classes pa ako. Punta ako mamaya sa company. Take a rest big bro. Don’t work too much.” saka nito pinatay ang tawag.
Ang weird ng kinikilos ng pamilya niya lalo na ni Trisha at ang mommy at daddy nila. Hindi siya tanga para hindi mahalata na may tinatago ang mga ito sa kanya. Pero yun ang kailangan niyang alamin. At mukhang may alam doon si Troy.
KINAKABAHAN si Trisha kaya agad niyang tinawagan si Fatima. Mabilis lang naman itong sumagot.
“Trisha, bakit ka napatawag? May ipapaayos ka ba sa resto. Ayos lang naman si Faith.”
“Fatima, ahhm we have a very big problem.”
“Teka ano bang sinasabi mo?” mukhang alam niyang Kinakabahan na rin si Fatima dahil sa paraan ng pagsasalita nito.
“As soon as possible kailangan mo ng sabihin kay Kuya Tyler o mas mabuti ngayon na. Hindi niya pwede malaman sa iba. Because I am very sure pati sa amin ay magagalit yon. You must tell him na!” Di niya na maiwasang mapasigaw.
“Ano bang nangyayari?”tanong ni Fatima sa kanya.
“Kailangan mo ng ipakilala si Faith kay Kuya Tyler yun ang dapat at kailangang mangyari.sasabihin mo lang naman. Kahit di ka magexplain maiintindihan ka nun.”saad ni Trish kay Fatima.
“Wait sino ang susundo kay Faith mamaya?” Kinakabahan niyang tanong kay Fatima.
“Sabi ni Troy ay siya daw”sa isang exclusive school na kasi napasok si Faith at sila ang nag enroll dito.
“What??? Omyghod this is not happening! Kailangan tayo ang sumundo kay Faith.”
“Trisha, ano bang problema?”
“I think sasabihin na ni Troy kay Kuya Tyler ang tungkol kay Faith.” biglang namatay ang tawag.
Naibagsak ni Fatima ang cellphone niya ng marinig niya ang sinabi ni Trisha. Ngayon pa talaga na handa na siyang sabihin kay Tyler kaso di ito pumupunta sa resto kaya hindi niya masabi at baka busy ito.
Sa mga lumipas na linggo mas nakilala niya ito. Maling mali ang lahat ng akala niya. Nagkukunwari siyang walang pake rito pero ang totoo ay sobrang naapektuhan siya ng presensiya nito.Napakasweet kasi ni Tyler at di niya inakala iyon. May pagkamasungit at cold ngalang minsan. Kailangan siya ang magsabi. Di pwede ang iba.
Di niya alam pero ayaw niya itong magalit sa kanya.
A/N:Comment your reactionsโค๏ธshocks๐Ÿ˜‚omg ang bait mo troy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top