MAHAL KO SYA PERO HULI NA


MAHAL KO SYA PERO HULI NA”
“Hi Lucas good morning”
Bati sakin ni Camille ang Babaeng panay habol sakin
“Walang good sa morning kung mukha mo makikita ko”
Pasungit at cold kung pabalik sa kanya at nag patuloy sa pag lalakad
“Ahm kumain kana?”
Tanong nya
“Oo kaya kung pwede lang tan-tanan muna ako”
Galit kung sagot sakanya pero sa kabila non sinuklian parin nya ako nang matamis na ngiti..And after that nauna na akong lumakad sakanya
———-
“Hi Lucas good morning”
Bati nanaman sakin ni Camille , halos araw-araw ganito sa umaga binabati nya ako at minsan dinadalhan nang paborito kung pag kain na sya mismo ang nag luto
“May dala ak—–”
Agad kung pinutol ang sasabihin nya
“Ano ba Camille tumigil kana”
Pasigaw ko sakanya at dahilan rin para maagaw ang mga attention nang mag Estudyanteng andon…
“Tumigil kana sa kakahabol sakin Camille kasi kahit kailan naman hindi kita magugustuhan at alam kung Alam mo yan kaya tigilan muna ako..kasi sawang-sawa na ako sa pag mumukha mo!!”
Pasigaw...


ko sakanya at napa yuko naman ito…Maganda si Camille at halos lahat nang gusto nang isang lalaki nasa kanya na, at kung totoosin marami namang nag hahabol sakanya dito sa school iwan ko lang kong bakit panay habol sya sakin..Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko sya magawang magustuhan…At pag katapos kong sabihin yon agad na akong umalis at kinabukasan alam kung kukulitin nanaman nya ako at yon ang akala ko, wala akong Camille na nakikita ngayon at nag papasalamat ako at lumipas na din ang ilang araw nag tataka ako na hindi kona sya nakikita pa dito sa school at parang nakakaramdam din ako nang pag ka miss sakanya iwan..At namimis ko nadin yung pag bati nya sakin sa bawat umaga ko, na mimis ko yung Pangungulit nya at higit sa lahat na mi-miss ko yung matatamis nyang ngiti iwan parang pinag sisihan ko ata na pinatigil ko sya sa pag hahabol sakin.lumipas Ang ilang araw at na realize ko na mahal kona sya pero huli na






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top