Mahal Malaya kana


“Mahal samahan mo naman ako oh” Sabi ko sa boyfriend ko na ngayon nag ce-cellphone.
“Mahal sorry Di Kita masasamahan tumawag sakin ni Daniel may project daw kami Ngayon sige Alis nako ha” Sabi nya sakin na tila nag mamadaling umalis.
“Sige Mahal ayos lang. I love you ingat Ka” Sabi ko dito pero Hindi manlang Ito sumagot at lumabas Ng bahay.
He is Jayson my Boyfriend we’re almost 5 years tagal na namin noh. Pero sa limang taong pagsasama namin ganyan sya lagi na parang may tinatago at laging umaalis pag tuwing magpapasama ako o Kaya gusto ko makipag bonding sa kanya.
Marami syang dinadahilan sakin like may project sila need sya ni tita. May kasunduan sila ng mga tropa nya pero ako eto laging “sige Mahal ayos Lang” ayos nga Lang ba ako.
Gusto ko sabihin sa kanya na napapagod nako sa mga ginagawa nya pero Pano eh Mahal ko Yung Tao. Ayokong bumitaw dahil matagal na Kaming magkarelasyon.
*Cring…Cring…๐Ÿ“ฒ*
“Hello” pagsagot ko sa cp ko
(Hello best) Sabi ni Ella my best friend
“Bakit Ka napatawag best” Sabi ko sa kabilang Linya
(Best wag Kang magugulat ha) Sabi nya sakin
Kaya naman kinabahan ako
(Best si Jayson nakita ko dito sa mall may kasamang babae) Sabi ni Ella dahilan para mabitawan ko Yung cellphone ko.
Tumulo na ang mga luha ko. Gusto kung Hindi maniwala sa lahat. Pero alam ko na sa bawat araw at taon alam Kung mayroong Mali.
(Best nanjan kapa ba) rinig Kung Sabi ni Ella Kaya pinulot ko Yung cp ko at pinatay ANGe tawag.
Martir na Kung martir pero Baka kaibigan nya Lang Yun o Kaya pinsan Kaya Di muna ako mag iisip Ng masama. Gusto ko munang ako ang maka alam Ng totoo.
2 days later.
“Mahal” tawag ko sa kanya
“Hmmm” Sabi nya habang busy sa pag cha-chat
“Mahal mo pa ba ako” takang tanong ko sa kanya at pinipigilan ang mga luhang gusto Ng ilabas
“Anong klaseng tanong Yan Mahal shempre Oo naman” sagot nito habang Di nakatingin sakin pero Di ako naniniwala dahil wala akong nararamdamang pag mamahal. Parang sa iba Ito sinasabi at Hindi talaga sakin kahit mag kasama Kami.
“Mahal mag 6 years na Tayo. Pakasal na Kaya Tayo” Sabi ko dito na syang ikinabangon nya
“WHAT ARE YOU CRAZY” Gulat na sigaw nya sakin na parang pinagmumuka na parang ayaw nya kung pakasalan.
“It’s a PRANK Mahal” garalgal na pagkakasabi ko na parang biro Lang sakin ang totoo
“Ahh ganun ba Kala ko totoo na” Sabi nya sakin at bumalik sa pagkakahiga at pinatay ang lampshade sa tabi nya.
Kaya tumayo ako at lumabas Ng kwarto. Pumunta ako sa storage room para itago lahat Ng kinikimkim Kung sakit.
“Hindi nya ko Mahal dahil ang totoo may iba na syang Mahal” Sabi ko sa sarili ko.
5 days later
“Mahal” tawag nya sakin Kaya lumingon ako dito
“Bat parang antamlay mo Mahal” takang Sabi nya sakin at hinawakan ang noo ko.
“Dika naman nilalagnat. Pero Di bale gusto ko Lang magpaalam sayo Mahal na aalis muna ako pupunta Lang ako Kay Lola ha” Sabi nya sakin Kaya tumango nalang ako dahil pagod nakung mag salita pagod nakung makinig sa mga...


sinasabi nyang dahilan na alam ko na Puro kasinungalingan.
Ng marinig Kung sumara ang pinto na hudyat na naka alis na sya. Doon ko na binuhos ang mga sakit na gusto Kung ilabas.
“Pagod nako. I’m tired to understand him minahal ko Lang naman sya Ng mahabang panahon. pero ako ngayon ang nasasaktan sa mga panloloko nya. Pero konting tiis pa at mapapagod na talaga ako” taimtim sa Sabi ko sa sarili habang lumalandas ang mga luha Kung nakakubli.
4 days later
Nandito ako sa isang restaurant malapit sa park at si Jayson Dina sya umuwi matapos nyang mag paalam na pupunta sya sa Lola nya. Nag hintay ako Ng matagal na bumalik sya pero wala akong napala kundi sakit.
Matamlay akong pumasok sa isang restaurant at umupo sa tabi nito.
“Ano pong order nyo ma’am” Sabi Ng waiter sakin
“Isa nga pong kape at cake na nakalagay na Mahal Malaya kana” Sabi ko dito. kahit na medyo naguluhan sya agad naman syang tumango at umalis.
Nag antay Lang ako Ng ilang minuto. At binigay na nya ang Hinihingi ko.
At sinimulan naring mag sulat sa papel.
Mahal Malaya kana. Di man Kita Makita ngayon pero alam Kung masaya Ka sa piling Ng iba. Alam Kung matagal Narin tayong nag sasama pero kahit isa Di mo manlang ba naisip na Mahal na Mahal kita at handa Naman akong magparaya. Para sa ikakasaya nya at sayo Narin. Kung sino man ang taong napupusuan mo Sana mahalin mo sya Ng totoo at wag Ng lolokohin Gaya Ng ginagawa mo sakin Ng mahabang panahon.
Pero dipa natatapos ang sulat ko Ng may narinig akong isang sigaw.
“YES BABY I WILL MARRY YOU” sigaw Ng babae Kaya lumingon ako dito na syang dapat Di ko na ginawa dahil sa isang Tao na matagal Kung iniintay ang nakita ko
“I LOVED YOU VERY MUCH BABY” Sigaw Ng lalaking Mahal na Mahal ko na ngayon lumuhod sa harapan Ng babaeng ngayon alam ko Ng Mahal nya.
Palakpakan ang mga maririnig sa buong restaurant pero may isang Tao na Puro iyak ang ginagawa at ako Yun. Napaka Hina ko sa mga oras natoh dahil ang lalaking Mahal ko. Handang pakasalan ang ibang babae na nakasuot ngayon Ng magandang damit.
“Waiter” tawag ko
“Yes ma’am” Sabi nya sakin
“Pakibigay naman Ng inorder ko Doon sa dalawang Tao na masayang nag ce celebrate” mahinang Sabi ko
“Yes ma’am” sagot nito
Kaya bago pa nito maibigay ang inorder ko agad akong lumabas.
Kahit Hindi ko alam Kung ano Yung pinag uusapan nila alam. Huling tingin nalang ang hiningi ko sa kanya na syang ikinatingin din nya sa gawi ko. Hahabulin nya pa Sana ako pero okay nako masaya nako dahil natupad ko ang huling hiling ko na Sana masaya sya sa piling Ng iba.
*Beeeeeeeppppppp* rinig Kung busina and………..
*Booooooogggggsssssshhhhh*
“Omg Yung babae nabangga”
“Tumawag kayo Ng ambulansya”
“Bilis”
“MAHAL”
Yan lang ang gusto ko marinig bago ako mamatay. Sa araw natoh alam Kung Dina ko masasaktan dahil para sakin napaka Ganda Ng langit sa mga taong nahihirapan sa buhay.
Sana lahat Ng buhay may magagandang katapusan. Pero Yung buhay ko natapos Ng walang saysay.
Kaya MAHAL MALAYA KANA.
Plagiarism is a crime.






Share On Whatsapp

"4" Comments
  1. Hindi ko pa siya na babasa pero tingin ko maganda

  2. Maganda kaso kabitin

  3. Maganda

Leave a Reply


top