Nabuhay na Pag-ibig


Genre: Love story
Autor: Maka
Dalawa ang anak na naiwan kay George,isang babae at lalaki ng mabalo ito sa kanyang asawang.Aksidente ang dahilan kung bakit maagap nawalan ng buhay ang kanyang asawa.At itodin ang dahilan kung bakit nag iisa nalang itong bumubuhay sa dalawa niyang anak.
“Yaya,pagkakain ng dalawang bata ay painumin mo na ng vitamins!”utos ni George.”Opo maam George.”sagot ni yaya Janice.
“Aalis na ako isarado mong mabuti ang pinto”.bilin pa nito sa yaya.
“Opo maam”. sagot muli nito sa amo.At sumunod ito sa amo palabas para isarado ang pinto pag alis nito
Assistant mananger siya sa isang kumpanya simula ng mabalo’y ginugol na nito ang sarili sa trabaho.Bahay opisina ang ginagawa niya araw araw kahit nga linggo ay inaabala niya ang sarili sa pagtratrabaho, dahil sa sipag nito binigyan siya ng kanilang kumpanya ng sasakyan.Dahil dito kaylangan niyang kumuha ng driver kahit na may sasakyan sila noon hindi niya natutunan ang pag dridrive.Sa paghahanap niya ay madali naman siyang nakakita sa empleyada niyang si Bel.
“Maam George nalaman ko po na nag hahanap kayo ng driver?”wika ni Bel na medyo nahihiya pang magtanong.
“”Yes Bel,may kilala ka ba?” tanong ni George sa empleyada.
“Opo maam,ung brother ko mahaling mag drive at maingat!”pagmamalaki ni Bel sa kanyang boss.
“Good!”Mabuti kung ganon lalo’t hindi iba sa iyo”.sabi ni George na buo ma ang loob sa magiging driver.
“Talaga po maam, pwede na po ung brother ko?”nangingiting taong ni Bel.
” Oo Bel papuntahin mo nalang dito para makausap ko.Sige na mag umpisa na tayong mag trabaho”.sumunod naman si Bel sa kanyang boss.
Naisip ni George mas mabuti un kapatid ng empleyado niya ang magiging driver niya hindi dellikado.
Kinabukasan kasama na ni Bel ang kanyang kapatid para ipasok niyang driver sa kanyang boss.Pagharap ni George nagulat siya sa nakita gwapo,looking fresh at fitness ang pangangatawan!”Bagay na bagay ang white t-shirt and fit pants na kasuotan nito.
“Ah, maam George si kuya Jay kuya Jay si maam George boss ko at siya din yung nangangailangan ng driver!” pakilala ni Bel.
“Good morning maam George,bata pa pala kayo angbuong akala ko ay matanda na!” nangingiting wika ni Jay.
Napansin ni Jay na tulala ang kausap kaya muli itong nag salita.
“Ahh,maam ok lang po ba kayo?” Saka lang napukaw ang iniisip ng kausap ni Jay ng mag salita uli itong muli.
“Ah yah, im ok!” Bakit kapag matanda na ba ang papasukan mo ay aayawan mo na?”medyo may kaunting inis na tanong ni George sa kausap.
“Hindi po maam dahil sabi ng kapatid ko balo na daw kayo atay dalawang anak”.pagpapaalam ni Jay.”Bakit may isyu ba don?”tanong nito sa lalaki.”Ay wala po maam akala ko lang matanda na kayo,bata pa po pala ng mabalo!”napapangiting wika ni Jay na kinaiinisan naman ni George.
“Dapat bang pag usapan yan?”Hindi ba driver ang pinapasok mo?”kita sa mukha ni George ang inis sa lalaking nasa harap niya .
“Yes,maam!”sagot ni Jay.
“Ok’ magkakasundo tayo kung ititikom mo ang bibig mo,magagawa mo ba?”saad ni George na inis na inis sa kausap.
“Yes,maam!” sagot uli ni Jay.”
Nagtataka si George sa sarili naiinis siya sa kausap pero bakit hindi niya magawang paalisin o huwsg ng tanggapin.
“Sige start ka na ngayon sumama ka sa akin at kukunin natin ang sasakyan”.tumayo si George at palabas na ng pinto ng magtanong ang binata.”San po natin kukunin ang sasakyan?”tanong nito.”Pwede sumunod ka nalang at wag ng mag tanong”.at dumiretso n sa labas si George.”Sige po maam!” sagot ng binata.”Malayo po ba?”ani nito sa bagong magiging amo niya.
Halos mapatirik ang mata ni George sa kakulitan ni Jay.Pagdating nila sa sasakyan pinadala na muna nito ang kotse sa binata binilin niya na ipa check muna ito at palagyan na din ng gasolina.
“Sige na,mag ingat ka sa pagmamaneho!” bilin nito sa bagong driver.
“Sige po maam alis na ako.”at pinaandar na ni Jay ang sasakyan.
Sa tingin naman ni George kahit na hindi siya marunong magmaneho at maayos naman magpatakbo ng sasakyan si Jay at maingat.
Pagkatapos ng work ni George at dumiretso na ito sa garahe.Naabutan niya doon si Jay sa labas na kotse nakasandal sa pinto at bagong palit ng damit.Napakagwapo nito sa suot na gray t-shirt na fit sa katawan nito.
“Oh,maam andyan na pala kayo!”at binuksan ni Jay ang pinto na sasakyan.”Salamat!”tinanong siya ng binata kung saan sila pupunta.”Idaan mo muna sa mall at may bibilhin ako,bago mo iuwe sa bahay!”sagot niya sa bagong driver.
Habang nagmamaneho si Jay napagmasdan niya ang amo sa may salamin sa unahan niya.Iniisip niya kung sino ang naalala niya na kamukha nito,nakasalamin ito mahaba ang damit at nakapusod ang buhok.Parang si Miss Menchin na kilala ng pamangkin nito sa cartoon character na princess sarah.Sa isip ni Jay baka kaya madaling nabalo ay namublema sa hitsura niya at su Jay ay biglang napangiti.Nagulat si Jay ng magsalita ang kanyang amo.”May publema ba sa ginagawa mo?”tanong nito sa binata.Akala mo ba hindi ko alam na kanina ka pa nakatingin sakin”.sita nito sa driver.
Dahil nag iisip nga si Jay hindi niya namalayan na tinitingnan din siya ni George sa salamin.
“Sorry po, maam!”paumanhin ni Jay sa amo.
“Sorry?”Kung sa katitingin mo ay nabangga tayo,pwede ba tayong sagipin ng sorry mo!”pagtatama ni George sa kausap.”Hindi po mangyayari un maingat po akong driver.”saad naman ni Jay.
“Talaga lang ha!”Matanong ko lang, anong nakakatawa sa hitsura ko?”tanong ni George.”Wala po maam.”sagot ni Jay.”Wala!”Eh bakit ka nakangiti habang nakatingin sa akin?”May publema ba?”sabay irap nito sa binata.”Naalala ko lang po ung pamangkin kong takot kay Miss Menchin!”.paliwanag ng binata dahil nakita nito sa mukha ng amo na seryoso itong malaman ang dahilan ng kanyang pag ngiti.”Eh sino naman si Misd Menchin?”tanong ng amo.”Wicth po sa character yon!”pagpapaalam ni Jay.Biglang tumaas ang kilay ni George sa nalaman kung ano ang kamukha nito.”Ah ganon ba?” At mukha pala akong wicth sayo!”asar na wika nito sa...


kanyang driver.” Naku maam maganda pa naman kayo ng kunti sa wicht.”pahabol pa ni Jay.”Ayos ka din ano?”Bago palang tayo nagsasama bagsak na agad sakin ang ugali mo.Pasalamat ka at magaling kang magmaneho dahil kung hindi wala ka na sanang trabaho.”ipinikit nalang ni George ang mga mata para hindi na niya makita ang pinag gagagawa ng kanyang driver.
Pagkatapos ni George sa mall ay dumiretso na sila sa bahay napansin ni Jay na simple lang ang bahay ng amo pero kahanga hanga ang ayos at malinis.Pag pasok nila sa salas ay biglang lumabas ang dalawang bata para salubungin ang ina,pag lapit ng dalawang bata ay inabot agad ni George ang pasalubong nito sa mga anak.
“Thank you mommy!”sabi ni Greg sa inabot ng kanyang ina.”Mom who is he?” turo ni mica kay Jay anak na babae ni George at bunso.”Ah siya si kuya Jay bago natin driver Jay mga anak ko si Greg at si Mica.”pakilala nito kay Jay.”Hello sa inyo!”bati ni Jay sa mga bata na nakangiti sa knya.”Hellow din po!”malambing na bati ni Mica habang si Greg ay abala sa pagkain ng ice cream.
Inalok ni Mica si Jay sa kinakain nito pero itoy nagpaalam na.
“Salamat Mica,pero aalis na si kuya Jay.sabi ng binata sa bata na nakatitig sa kanya.Lumapit si George sa dalawa.”Mica baby kaylangan ng umuwe ni kuya Jay para makapagpahinga na din siya.”paliwanag nito sa anak na babae na pakiramdam niya ay ayaw pa nitong umalis ang binta.”Sige na Jay.”sabi nito sa binata.Agapan mo na lang bukas.”taboy ni George sa kanilang driver.”Sige po maam.”at umalis na ang binata….continue
part 2
Kinabukasan pag labas ni George ng bahay nag aabang na si Jay sa kotse, at napaka gwapo nito sa suot na stripe shirt.
Habang sakay sila ng kotse naisip niya kung sino ba ang look a like ng binata parang si Dennis Trillo’ isa sa mga hinahangaan niyang artista.Dahil sa malinis nitong mukha,mabango at malinis manamit.Siguro kung huhulaan niya ang edad ni Jay mga 32 or 34 na ang binata.
Kakaisip ni George sa kanyang driver hindi na nito namalayan na nakahinto na ang kotse at inaantay nalang siyang bumaba.
“Ahh, maam mukhang malalim ang iniisip niyo?”Andito na tayo.” sabi ni Jay.
Nagulat tuloy si George at nahiya sa binata.
“Ah, ganun ba!” Sige pakidala nalang ng mga dala ko sa opisina”.At eto’y lumabas na ng kotse.Sumunod naman agad si Jay sa amo.
Sa araw – araw nilang pagsasama hindi maintindihan ni George ang nararamdaman kay Jay.Sa mga ikinikilos nito at pinapakitang kakaiba para sa knya.
Noon na in love siya sa asawa dahil smart ito reaponsable,seryoso kaya niya minahal pero bakit may nararamdaman siya sa taong ito.
Astig, mapang asar at adelantado tingnan, kahit mabait.Isa lang ang mabuting napansin niya dito mahilig si Jay sa bata at malambing lalo na kay Mica.Naalala niya may pamangkin nga pala itong naikwento sa kanya.
Nasa terrace siya habang pinapanuod niya si Jay sa paglilinis ng kotse.Araw ng linggo na at wala siyang pasok kaya dapat lng na i car wash ang sasakyan ng mapatingin sa knya ang binata bigla siyang pumasok sa loob at naisip na maligo nalang sa pool.
Nagsuot siya ng pangligo two piece na kulay red at dumiretso na sa swimming pool.Hindi din nagtagal ay umahon na din ito.Samantalang si Jay ay kanina pa pala pinapanuod ang amo sa paglalangoy at kitang kita nito ang hubog ng katawan ni George na laging nakatago sa mahabang kasuotan.
Nagulat si Jay ng biglang lumapit si Mica sa kanya para akitin siyang maglaro, sumunod naman agad ang binata ng hinila siya ni Mica papunta sa salas.Nakita ni George na masaya ang mga bata habang nag gagames kasama si Jay at ganun din naman ang binata kung ngumiti, hindi mo iisipin na ito ay isang driver lamang.Nang mapansin siya ni Jay ay ngumiti ito sa knya na hindi naman niya pinansin,pero sa loob ng kanyang puso ay may bahagi na masayang masaya.Kaya minabute niyang akitin ang binata na sa kanila na mananghalian. At habang nagluluto si George napansin ngkasambahay na masayang masaya ang kanyang amo at ganadong ganado sa pagluluto .
Pansin ni George na masaya ang mga bata dahil may iba silang kasabay sa pagkain simula kasi ng mamatay ang ama nila ay sila nalang palaging tatlo ang makakasalo.Nakita niyang nakatingin sa kanya ang binata at sinabi na bata siyang tingnan sa kanyang kasuotan naka white t-shirt na maluwang at black skilly jeans! Hindi nalang niya pinansin ang papuri sa knya sinabi nalang niyang maaari ng umuwi si Jay pagkatapos kumain.
Kinabukasan pagpasok ni George papntang opisina nakita na naman siya ng binata sa ayos na si Miss Menchin at napansin niya ang pag ngiti nito.Na nagdagdag sa gandang lalaki nito bukod pa sa malinis sa katawan.Mataray nitong tinanong ang driver.
“Oh may nakaktawa ba sa suot ko?” tanong ni George.”Naku, maamwala po!” at binuksan na nito ang pinto ng kotse.Habang tumatakbo ang sasakyan napapikit ai George at sumagi sa isip niya ang namatay niyang asawa ng hahalikan na siya nito ay mukha ni Jay ang nakita niya at siya’y nagulat!
“Maam George andito na po tayo.” gising ni Jay sa kanyang amo na halos ilapit na ang mukha nito.
“Pwede ba sasusunod na gigisingin mo ako hindi mo na kaylangan pang lumapit”.wika ni George sa driver.”Pero maam, kanina ko pa po kayo ginigising hindi kayo magising kya lumapit na ako!”paliwanag sa knya. Nakaramdam ng hiya si George sa sinabi ng binata kaya minabuti niyang lumabas na ng kotse at dumiretso na sa kanyang opisina.
Sa maghapon walang inisip si George kung hindi ang kanyang panaginip hindi niya malaman kungakukonsensya siya sa namayapang asawa.Naisip niyang wala na ang asawa niya.
Natapos ang trabaho niya na hindi niya naunawaan.Pagbaba niya ng garahe andun na si Jay nagpaalam ito sa knya na may susunduin itong isang kaybingan.
Habang sila’y papauwe naitanong ni George kung sino ang sinundo nitong kaibigan.
“Si Lily ,kababata ko galing Japan!” sagot ng binata.
Hindi na nagsalita si George,ngunit para bang may kirot sa kanyang puso sa sinabing pangalan ni Jay.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top