MAKE THE GAY TURNS TO A GUY CHAPTER 3


Pagkaharap ko…Shemay! Ang lapit ng mukha namin sa isa’t -isa …inaayos nya kasi ang pagkakaseat-belt ..dahil kunti na lang magkikiss na kami kaya parang naistatwa ako sa pagkakaupo ko dito….kaya ang ginawa ko na lang ay titigan sya.
Nang matapos sya ay bigla syang nagsalita at bahagyang tumawa.
“Woman, hindi tayo talo ….parehas lang tumitibok ang puso natin..pusong babae rin ako, kaya huwag kang magkakamaling mahulog sa akin. By the way, staring is rude!”.
“Huh?!”. Yan na lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Shemay naman ,o . Bakit ba kasi ako kinabahan sa kanya?. Nabalik lang ako sa ulirat ng bigla ulit syang tumawa. Ang sexy naman nya tumawa.. ‘di mo talaga aakalain na bakla sya eh.
“Woman, It’s just a simple gestures but your totally nervous! Paano pa kaya ‘pag nahalikan mo ko … edi nakalimutan mo na bakla ako.”
Tinignan ko sya with matching big eyes pa…lakas ng loob sabihin yun. Hindi na ako nakapagpigil at nagsalita na ako.
“Hoy, Axel!…. Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi tayo talo …at pusong babae ka ..So, paano mo ko mahahalikan?”.
“Why wouldn’t I ?!. Woman, I can do it. I already told you that I’m not totally gay. As if , na hindi ako pwedeng humalik sa babae kahit gan’to lang ako.”
“Paano mo nasabi?” Sambit ko sa kanya. Malay mo , ang mga bakla, siguradong mandidiri na halikan ang babae,dba!.
“Hindi ka naniniwala sa kaya kong gawin?”. Marahan akong tumango sa tanong kahit kinakabahan ako sa maaari nyang gawin.
“Then I will prove it”. Pagkasabi nya nun ay unti unti syang lumalapit sa akin. Hinawakan pa nya ang isang kamay ko para mapalapit ako sa kanya. So, seryoso sya!. At ito na malapit na talaga ..nginisian nya ako at mas lumalapit pa sya.
Anytime, maling galaw ko lang…road to kiss na ‘to. Kaya bago pa nya na ituloy naiharang ko na ang hintuturo sa labi nya at pinigilan. Ang lambot ng lips nya bes!. Ay landi!. Nang magawa ko yun ay marahan kong tinulak sya para magkaroon ng malaking space samin.
Binitawan nya na ako , kaya nakahinga ako ng maluwag. Shemay, muntik na yun ,ah!. Bigla naman syang tumawa dahil sa reaksyon ko.
“So, woman? Are you convince sa kaya kong gawin?!”. Marahan akong tumango sa kanya at itinuon ko na lang ang mga mata ko sa labas.
Kaagad naman nyang pinagana ang makina ng kotse nya at pinaandar nya yun. Habang nasa byahe pa kami ay tila nababalutan ng katahimikan sa loob ng kotse ng baklang ‘to. Ngunit binasag nya ang katahimikang yun, at nagsalita.
“Ok, I have some important rules and regulations that you were going to obey”. Tumingin ako sa kanya habang sya naman..as usual… …nakatuon lang ang mga mata nya sa kalsada.
“Number 1, kailangan lagi kang nakasunod sakin…kahit ayoko talaga…pero kailangan kita…”
Agad kong pinutol ang sasabihin nya at nagsalita.
“Hindi naman ako aso…saka kaya mo na ang sarili mo ,dba ayaw mo sakin…then this is your chance para gawin yun.”
“Pwede naman kaso masisira plano ko..saka isa pa, may nakasunod satin na bodyguards ….kaya ang pwede ko lang gawin ay tiisin na kasama ka”. Sira din ‘tong plaka nito,eh ! Ano naman pake ko sa plano nya…ah,alam ko na …kailangan kong sakyan ang plano nya para matapos na ang misyon ko. Pero, ang gulo pa rin.
“Dba, lahat kaya mong gawin?!…bakit yan…’di mo kayang gawan ng paraan?!”. Tanong ko sa kanya dahilan para ihinto nya ang sasakyan.Andito na pala kami.
Agad naman syang bumaba kaya sumunod na ako sa kanya. Hindi nya sinagot ang tanong ko. Sa halip nagsalita pa sya tungkol sa rules ‘kuno’ nya.
“Number 2, kapag may pinagawa ako sayo, kailangan matapos mo agad ayon sa sinabi ko.” Ayos rin ‘to..ah!… ginawa nya pa akong yaya, samantalang yung mom nya..hindi pa ako nauutusan.
Pero ok na yun, it’s part of my mission…para mapadali.
“And Number 3, ang atensyon mo ,ay laging nasa AKIN LANG !”. Iba din, ginawa akong slave para lang sa walang kwentang bagay na yan.
“If one of my rules, disobyed!.. you will have punishment!.” Marahan akong tumango sa kanya ng bigla ulit syang nagsalita.
“O, I almost forgot. Last..isa pang regulations is, don’t go near or closer to me..because...


I don’t like it.” Tinanguan ko lang sya at naglakad na kami papasok sa mall.
Axel’s POV
Nang masabi ko na sa babaeng ‘to ang rules ay naglakad na kami papasok sa loob ng mall. Agad kaming pumunta sa mga school supplies.
Agad akong kumuha ng push cart at binigay sa babaeng ‘to. Nagtaka sya sa ginawa ko at tinaasan pa ko ng kilay.
“Anong gagawin ko dito ?!”. Tanong pa nito sakin.
“Eat it.” Pilosopo kong sagot sa kanya. Malamang ano bang ginagawa sa push cart? Dba tinutulak yun para gumalaw. Iba din utak nito,eh. Inirapan nya lang ako at nilagpasan na kaya sinundan ko na lang sya.
Habang namimili ako ng gamit ay hindi ko naiwasan ang pagtingin sa isang key chain na hawak ng babaeng ‘to. Siguro gusto nya yun, kaya kaagad ko naman itong kinuha at nilagay sa push cart.
Bahagya naman syang napangiti sakin , agad naman akong umiwas at naglakad na ulit. Nag ikot -ikot pa kaming dalawa. Nang makuha na namin lahat ng kailangan namin para sa school ay agad kaming pumunta sa cashier at pagkatapos nun ay umalis na kami. Lahat ng pinamili namin ay pinahawak ko sa babaeng ‘to.
Hindi naman sya nagrereklamo,eh!. Agad naman kaming pumunta sa patahian ng uniform at pagkatapos nun ay nilibot namin ang mall at nakita ng dalawa kong mata ang stall ng mga make up kaya agad akong pumunta dun at pumasok na agad. Habang ang babaeng ‘to nagrereklamo na. Ngayon pa talaga ininda. Pumili ako ng mga make up. Lipstick, foundation , may pa liptint pa at lip gloss..hindi naman lahat sakin,eh. Kasama na rin sa kasama kong ‘to na wala man lang ka make up, make up bukod dun sa pulbo nya. Masyado syang plain.
Nang matapos ko ng makuha ang lahat ay agad akong pumunta sa counter para mabayaran na yun at lumabas na kami.
Dahil mukhang pagod natong kasama ko ay pumunta na kami sa mamahaling restaurant at umorder na kami. Agad namang dumating ang order namin at nagsimula na kaming kumain.
” woman, take it slow..ganyan ka ba talaga kumain ?!”. Tanong ko sa kanya dahil kakaiba sya kumain parang pulubi sa daan na hindi nakakain sa loob ng 1 buwan. Mabilis naman nyang naubos ang pagkain nya at dumighay.
“Yuck!. Woman stop that !”. Nakakaasar naman ‘to …parang hindi babae kung kumilos.
“Ay,sorry ! Pero thank God dahil pinakain mo ko..alam mo bang kanina pa ako nagtitiis dahil sa gutom..kala ko balak mo na akong patayin sa gutom. Pero thank God ulit..dahil mali ang inisip ko at i- “.
“Stop that woman , you’re so noisy and also a talkative!”. Hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil pinutol ko yung sinasabi nya. Natapos na akong kumain at agad naman akong tumayo para lumabas na. Sinundan na lang ako ng babaeng kasama ko.
Habang naglalakad kami ay bigla nya na lang akong hinatak sa braso at napaharap ako sa kanya. Pinagpapawisan sya ng makita ko sya kaya nagtaka ako, eh may aircon naman. Hinatak pa nya ang jacket ko papalapit sa kanya kaya halos pagtinginan na kami ng tao sa ginagawa nya.
“what is your problem, woman?!”. Tanong ko sa kanya dahil halos magpatintero na kami dito at hinahatak hatak pa nya ako.
“Sorry…please stay for a while …please ! 🙁 “.
“Why?!”. Takang tanong ko sa kanya dahil balisang balisa na sya.
“I’m just hiding..pwede ba na lumapit ka pa ng kunti.”
“Shit! I already told you. Rule number 4”. Tanging sambit ko sa kanya pero hindi ko ginawa yun.
Kate’s POV
Shemay naman o, bakit ba ayaw nyang sumunod. May pinagtataguan kasi akong tao.
“Please Axel naman o, sge na ! “. Pagmamakaawa ko sa kanya.
“Kate”. What the hell ?! Sya na yun…mababaliw na ako … agad namang napalingon si Axel at nakita nya yung lalaki. Oo, lalaki yun..gwapo rin sya kaso possesive yan …nakakatakot …siguro iniisip nyo kung paano ko sya nakilala. Kaibigan ko sya noon, ‘di ko alam na may gusto sya sakin kasi lahat ng nalalapit sakin ay sinasaktan nya kaya natakot ako sa kanya at nagtago.
Pero ito sya ngayon, kaharap namin ni Axel.
“Who are you?!”. Tanong ni Axel sa ex-bestfriend ko. Mag aaway ba sila ?! …hindi naman,dba?!.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. chapter 4 po please

Leave a Reply


top