MARRYING MR. BILLIONAIRE (Part one)


MARRYING MR. BILLIONAIRE (Part one)
“Ito ang tatandaan mo babae,malaki ang utang ng papa mo sakin at pag hindi kayo nakabayad pati bahay niyo magiging akin na!”
Nagpaulit-ulit sa utak ko ang sinabi sakin ng pinagkakautangan ni papa,blanko ang isipan ko ngayon dahil hindi ko inaakalang yung kompanyang pinaghirapan namin ay mawawala at may utang pa na kailangan bayaran,pero mas nababahala ako sa kalagayan ni papa.
Simula ng magkaheart attack ito ay naparalyze na ang buo niyang katawan dahilan ng pagkalugi ng kompanya namin,ang step mom at ang step sister ko naman ay walang ibang ginawa kundi gastahin ang perang dapat ipangagamot kay papa.
Napabuntong hininga nalang ako habang naglalakad sa kalsada,napatingin ako sa oras at hindi ko namalayan na alas onse na pala kailangan kong magmadali dahil paniguradong nagugutom na si papa.
nagmadali akong tahakin ang kalsada para makauwi na ngunit hindi ko inaasahang may papalapit pala na kotse sakin dahilan ng pagkatumba ko.bwesit bakit ba ang malas ko?
“What the hell are you doing?Are you in a hurry to go to die?”rinig kong sigaw ng nagmamaneho ng kotse,siya na nga muntik nakasagasa siya pa may ganang magalit psh!
kahit nahihirapan tumayo ako at hinarap yung lalaki at pag tingin nito sakin,ehe infairness ang gwapo niya pero- walang modo puta.
“Wow ha! Ikaw na nga itong muntik nakasagasa tapos ikaw pa tong may ganang magalit!! “Sigaw ko dito.napatawa naman ito ng mahina.
“Hindi mo ba ako kilala?”mayabang na saad nito
“Wala akong pake kong sino ka at wala akong balak kilalanin ka”naiinis kong saad ,sumeryoso naman yung mukha niya at inabutan ako ng pera.
mas lalo akong nag init dahil hindi man lang siya nagsorry at may gana pang bigyan ako ng pera.
“Do you think you can be so arrogant just because you are rich? ” saad ko,kinuha ko ang pera sakanya,he smirked.
“Mayaman ka nga wala ka naman modo” saad ko ulit at sinampal sa pagmumukha niya yung pera “hoy hindi ko kailangan ng pera mo isaksak mo yan sa baga mo!!”sigaw ko sakanya kita ko ang pagkagulat sa mukha nito.
Kinuha ko din yung sapatos ko at pinukpok sa side mirror ng kotse niya.
“AYAN QUITS NA TAYO!!” sigaw ko at hindi siya nakareak agad.
narinig ko pa na tinawag ako...


nito ngunit nagmadali na akong maglakad.bwesit siya ano akala niya sakin mukhang pera?ha!
Pumara ako ng sasakyan at umuwi na sa bahay ,ayaw kong makita ako ni papa na ang dumi ng damit ko akalain pa niyang nanglimos ako.
KINABUKASAN pagdating ko sa school ay bumungad sakin ang mga nagkukumpulang studyante.ano kayang meron?
Dahil sa dakilang marites ako nakipagkumpulan din ako at tinignan kong anong pinagkakaguluhan nila.
Isang lalaki ang nakatayo sa isang magarbong kotse,naka formal attire ito habang nakashades at nakacross arms,may mga kasama itong naka men n’ black.
“Oyy diba siya yung nabalita na sa bata niyang edad ay bilyonaryo na siya”
“Oo siya yun,owemji ang gwapo niya teh”
“Ano kayang sadya niya dito?”
Bilyonaryo yan?ay hala sana all nalang.
Aalis na sana ako pero nagulat ako ng bigla akong tinuro ng naka men n’ black.Hala anong kasalanan ko?
Lumapit sakin yung lalaking nakatayo sa kotse.
“Come with me”saad nito at hinila ako papasok sa kotse.narinig ko pa ang tilian ng mga kapwa ko studyante.

“Astley Zianna Falcone a sophomore college,majoring in computer science,Your father Harry Falcone used to be the owner of fashion shop and jewelry but the company went bankrupt,Your father got sick and you’re working to help your father pay off his debts”mahabang saad ngayon ng lalaking muntik ng makasagasa sakin kahapon,oo siya yun,kaya pala mayabang kasi sobrang yaman psh!
Tinaasan ko naman siya ng kilay
“Anong kailangan mo sakin?”inis kong saad sakanya
“alam mo bang ikaw lang ang babaeng sinisigawan ako”he said,tumayo ito at pumunta sa salamin.
“Ikaw lang din ang babaeng hindi tumatanggap ng perang binigay ko” saad niya ulet,napairap nalang ako.
“Hindi ako mukhang pera kahit mahirap lang ako,at pwede ba ano ba talaga kailangan mo?sinasayang mo oras ko”irita kong saad
tumahimik siya saglit sabay sabing
“Marry me Astley”he said in a serious voice at tumingin sakin.
Nanlaki ang mata ko at nakaramdam din ako ng kaba.
“W-What?”
“Marry me and I will give you everything you want”he said and this time ngumiti na ito but i could still feel the authority in his husky arrogant voice.
Lumapit ang isa niyang body guard at binigay sa akin ang singsing na halata mong mamahalin.
what the!! nababaliw na ba ang lalaking to? Hella!
//end//





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top