MAS PINILI NG BOY BESTFRIEND KO ANG GIRLFRIEND NIYA


MAS PINILI NG BOY BESTFRIEND KO ANG GIRLFRIEND NIYAπŸ–‹οΈ
✍️:Coffea Rei
“Heyy what happen?” tanong ko kay Kyle, dahil andito siya ngayon sa bar nag-iinom at umiiyak.
“She broke up with me Avie.” sagot niya sabay lagok ng beer.
“Heyy tama na yan. Tara na at ihahatid nalang kita sa inyo.” sabi ko sa kanya at inalalayan ko siyang tumayo.
Muntik na sana kameng matumba pero mabilis akong napahawak sa table at umayos ng tayo at inakay na siya palabas ng bar.
Pag-labas namin ng bar ay inalalayan ko siyang sumakay sa kotse niya. Nang maisakay ko siya sa passenger seat ay sinuot ko yung sealtbelt sa kanya at umikot naman ako sa driver seat at doon ako sumakay.
Pinaandar ko agad ang kotse niya. Habang nasa kalsada at traffic ay napatingin ako kay Kyle. Mahimbing na siyang natutulog.
“Ako nalang sana” sabi ko habang nakatingin sa kanya at hinaplos ko ang pisnge niya.
/*PEEEEPP!!PEEEEPP
Nabalik ako sa realidad ng makitang umandar na pala yung kotse na nasa unahan ko at marami ng bumubusina sa likod.
Pinaandar ko nalang yung kotse.
NANG makarating kame sa bahay niya ay pinunta ko agad siya sa kwarto at pag-pasok namin sa kwarto ay inihiga ko agad siya sa kama.
Inayos ko yung pagkakahiga niya tsaka ko inalis yung sapatos na suot niya. Binuksan ko rin aircon at inalis ko naman yung necktie niya.
Naupo ako sa kama at pinag-masdan ko siyang natutulog. Matagal na kameng mag-kaibigan ni,Kyle. 7years and still counting. Mag-kaibigan din kase ang mga magulang namin. Ang Mommy niya at Mom ko ay highschool friend at ang Daddy naman niya at Dad ko ay magkasama sa iisang Kumpanya.
Merong girlfriend si Kyle, at yun ay si Freya. 2years na sila ang alam ko. Matagal kona ring gusto si Kyle. Siguro mga 4years na. Ganon katagal pero hindi niya yun alam.
Ang M4NHID kase niya SOBRA. Takot din akong umamin kase baka masira yung pagkakaibigan namin dalawa. Mas minabuti ko nalang na ganito ang set-up namin.
KINABUKASAN ay ako na ang nag-handa ng breakfast ni Kyle, tutal wala siyang maid dito sa bahay niya. Sariling bahay niya ito dahil pinagawa ito nila Tita(Mom ni Kyle)at Tito(Dad ni Kyle) para sa kanya.
Nagluto ako ng bacon,sausage,egg,fried rice at naghanda rin ako ng bread at coffee.
Naglagay nalang ako ng pagkain sa plate at nilagay ko yun sa tray tsaka ako pumunta sa kwarto niya.
Pumasok ako at nakita ko siyang tulog parin. Nilapag ko muna yung tray sa bed side table.
“Heyy sleepy head wake up.” pag-gising ko dito at tinatapik-tapik ko yung pisnge niya.
“Hmmm”
“Gising na Kyle, para makapag breakfast kana.” sabi ko at minulat naman niya ang mga mata niya at umupo tsaka napatingin sa akin.
“What are you doing here, Avie?” tanong nito at kinusot-kusot ang mata.
“Pssh! tinawagan mo kaya ako kagabi kaya nagpunta ako sa bar para sunduin ka. Doon narin ako sa guestroom natulog.” sabi ko sa kanya.
“Tinabihan mo nalang sana ako.” sabi nito.
“Tsk! baka isipin pa ng iba na may relasyon tayo o di kaya naman baka biglang pumunta dito si, Freya.” masungit ko sabi at nalungkot naman siya. “so-sorry” nautal kong sabi kaya tumingin siya sa akin at tumango.
“It’s ok” pilit ngiting sabi nito.
“Nga pala nag-handa ako ng breakfast para sayo kaya kumain kana.” ngiting sabi ko at kinuha ko yung tray saka ko nilapag sa kama.
“Ikaw talaga gumawa neto?” tanong niya.
“Aba’t oo naman.” proud kong sabi.
“Pfft baka sinunog mona naman yung kusina ko.” pigil tawang sabi niya kaya tinarayan ko siya.
“Noon lang yun no kase hindi pa ako marunong magluto kahit pritoβ€”pero ibahin mona ako ngayon kase magaling nakong mag-luto.” sabi ko sa kanya kaya napailing nalang siya at kumain na kaya napangiti ako.
“Kumain kana ba?” tanong nito sa akin kaya umiling ako.
“Dipa,” iling kong sagot.
“Ayts pinapakain mo’ko tapos ikaw dika pa pala kumakain.” sermon nito sa akin.
“Ayos lang ako ano kaba. Tsaka ikaw yung dapat kumain at uminom ng kape kase may hangover kapa.” sabi ko sa kanya pero umiling siya.
“No kakain ka at sasaluhan moko.” nagulat ako sa sinabi niya, I mean hindi na ito bago kase minsan naman talaga kumakain kame sa iisang plato lang.
“Wag na” pagtanggi ko pero sumama lang ang tingin niya.
“Manahimik ka at sasaluhan moko dito. Susubuan nalang kita gaya noon.” sabi nito at napangiti rin sa huli.
AFTER 2 weeks ay hindi parin naging ok si,Kyle. Hinahanap parin niya si, Freya.Sana nga ako nalang si, Freja para ramdam ko yung pagmamahal niya.
Napatingin ako sa cellphone ko ng mag-ring ito kaya sinagot ko agad ang tawag.
“Hello?”panimula ko.
[Hello Ate Avie, punta ka dito sa bahay ni Kuya, kase may s4kit siya tapos may school pa ako kaya hindi ko siya mababantayan.]
Kung di ako nagkakamali si Sophie, iyon kapatid ni Kyle.
“Ahh ganon ba Sophie, sige pupunta ako agad dyan.” sagot ko.
[Ok po Ate Avie, thank you]
“Ok” sabi ko at inend na ang call.
Bumaba ako sa kama kahit mas4kit ang katawan ko dahil medyo nilalagnat rin ako. Nabasa kase ako ng ulan kahapon at ganon din si Kyle .Hinabol kase niya si Freya, so no choice ako kundi ang sundan siya kase mag kasama kame kahapon.
*FLASHBACK*
“KYLE!!” Sigaw ko at humabol din ako sa kanya.
“Freya, please let’s talk,” sabi ni Kyle kay Freya, pero umiling lang si Freya.
“May bago na’ko Kyle, at hindi na kita mahal so please mag move-on ka nalang.” maarteng sabi ni Freya, at kasabay nun ang pagbuhos ng ulan at wala rin akong dalang payong ganon din si Kyle.
“Freya, please ako nalang ulit please.” umiiyak na sabi ni, Kyle at yinakap si Freya, pero tinulak siya ni Freya.
“HINDI NGA SABI KITA MAHAL!!” Sigaw ni Freya, kay Kyle at dali-dali itong sumakay sa asul na kotse.
“Kyle, tara na ang lakas na ng ulan baka magkasakit kapa.” pag-aalala ko sa kanya.
“No huhuhu, Fr-Freya *sob*” iyak ni Kyle kaya nas4ktan din ako.
*END FLASHBACK*
Nas4ktan ako kase iba ang mahal niya. Nas4ktan ako kase hindi ako yung iniiyak niya. Hindi din naman sana siya iiyak kung ako ang minahal niya eh.
PAGDATING ko sa bahay ni Kyle at dumeretsyo agad ako sa kwarto niya at naabutan ko dun si Sophie at Kyle.
“Aalis na’ko Ate Avie, ikaw nalang muna ang bahala kay Kuya,” sabi sa akin ni Sophie,at hinawakan pa niya ang braso ko. “te-teka Ate, mainit ka rin. May sakit kaba?” alalang tanong ni Sophie, at nilagay niya ang palad niya sa nuo ko. “Hala Ate, may lagnat ka nga. Ako nalang muna dito Ate, at mag-pahing ka nalang din muna.” sabi pa nito.
“Ano kaba ayos lang tsaka lagnat lang to.Mas mahalaga ang Kuya, mo kaya ayos lang at ikaw naman pumasok kana.” sabi ko sa kanya.
“Perβ€”
“Sige na pumasok kana. Don’t worry iinuman ko naman to ng gamot.” sabi kopa.
“Sure yan Ate, ha?” patanong nito kaya tumango ako at lumabas na siya ng kwarto.
Lumapit ako kay Kyle, at hinipo ko ang nuo niya at ang init nga niya. Sobrang taas ng lagnat niya.
Kumuha ako ng bimpo at kumuha rin ako ng maliit na palanggana at nilagyan ko yun ng tubig. Nilubog ko doon yung bimpo at piniga...


tsaka ko tinupi at nilagay sa nuo ni Kyle.
Bumaba muna ako para makapag-luto ng ulam at kanin. Pag-baba ko ay tumingin ako sa ref at tinignan ko kung may ingredients paba at sakto dahil meron. Sinigang nalang ang lulutuin ko para may sabaw.
Nag-saing na muna ako at pagkatapos kong mag-saing ay nagluto nako ng sinigang na baboy.
Importante ang gulay at mainit na sabaw para kay Kyle.
After kong magluto ay nag-lagay ako sa isang bowl ng ulam at naglagay naman ako ng kanin sa plato tsaka ko yun nilagay sa tray. Kumuha rin ako ng tubig at gamot.
Umupo muna ako kase medyo nahihilo ako. Hinipo ko ang nuo ko at doon ko lang napagtanto na sobrang init ko rin pala.
Kinuha ko nalang yung tray tsaka ako umakyat sa kwarto ni, Kyle. Pagdating ko ay tulog pa siya at balot na balot ng kumot at tila nilalamig siya. Nilapag ko muna yung tray sa bedside table at tsaka ko pinatay yung aircon.
Naupo ako sa kama at tinapik ko siya sa may pisnge ng mahina. “Kyle, gising ka muna at kumain para makainom ka ng gamot.” sabi ko dito.
Tumagilid naman siya kaya tinapik ko ulit siya. “Gising na muna at mamaya kana matulog.” sabi ko at minulat naman niya ang mata niya at tumingin sa akin.
Inalalayan ko siyang makaupo at sumandal sa headbord ng kama. Kinuha ko yung tray at nilapag ko sa kama.
“Susubuan nalang kita” sabi ko sa kanya at ganon nga ang ginawa ko. After niyang kumain ay pinainom ko siya ng gamot at natulog siya ulit.
Tumayo ako at nakaramdam na naman ako ng hilo hanggang sa matumba ako sa sofa. Papikit-pikit ang mata ko at sobrang sakit na ng ulo ko.
KINAHAPUNAN ay nagising ako at tumingin ako kay Kyle, na mahimbing parin ang tulog.
LUMIPAS ang tatlong araw at magaling na’ko at ganon din si Kyle. Hindi nga niya alam na nagkas4kit ako eh kase di niya inalam at wala nakong balak ipaalam pa yun.
Pumunta ako sa park dahil favorite place ko yun. Naupo ako sa bench at pinanood ko yung mga batang nag-lalaro. Sobrang saya nila. Ganyan din ako noon eh haha.
Tumayo ako at nag-lakadlakad hanggang sa maisipan konang umuwe. Pag-uwe ko sa bahay ay nagulat ako ng madatnan ko si, Kyle.
“Kyle,” pagtawag ko dito kaya napatingin siya sa akin at agad na tumayo at niyakap ako. “may problema ba?” nag-aalalang tanong ko.
“I still love her” mangiyak-ngiyak niyang sagot habang nakayakap. Mas4kit na marinig pero dadamayan ko siya hanggat kaya pa ng puso ko.
“Andito lang ako Kyle, kapag kailangan moko.” sabi ko at pinipilit kong hindi ipakita na nas4s4ktan ako.
“Thank you Avie, the best ka talaga.” pilit ngiting sabi nito at humiwalay sa pagkakayakap.
LUMIPAS ang ilang linggo at pansin kong medyo busy na si Kyle. Ok narin siguro yun para kahit papano makalimutan niya si Freya.
By the way kasama ko si Sophie, ngayon dito sa mall dahil nagpapatulong siya sa akin na pumili ng gagamitin sa project niya kaya pumayag na’ko. Isa pa hindi na siya iba sa akin.
“Kuya?” bakas ang gulat sa tono ng pananalita ni Sophie, at nakatingin siya sa entrance ng arcade kaya napatingin din ako dun.
Mas4kit dahil nakita kong magkasama sila. Kyle at Freya ang magkasama. Magkaholding hands pa sila.
“Amm tara na Sophie, doon tayo mamili.” pinilit kong hindi ipakita kay Sophie, na nas4s4ktan ako.
“Ok ka lang ba, Ate Avie?” nag-aalalang tanong nito.
“Ha-Ha?Ahh o-oo” diko napigilan ang luha ko kaya niyakap agad ako ni Sophie.
“It’s ok, Ate Avie” sabi ni Sophie, habang nakayakap sa akin.
PAG-UWE ko ay dumeretsyo ako sa kwarto ko. Si Sophie, ay hinatid ko na rin sa bahay nila.
Napatingin ako sa litrato namin ni Kyle, nung bata pa kame. Sobrang saya namin dito. Hindi pa ako nas4s4ktan dito. Pero…
Pero ngayon SOBRA na ang S4KIT.
Kringgg….Kring…
Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ko agad ang cellphone ko tsaka tinignan kung sino ang tumatawag.
It’s Kyle,
Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot.
“He-Hello, Kyle” diko mapigilang di mapahikbi.
[Are you crying?]
yes because of you.
Gusto kong sabihin pero huwag nalang.
“H-Ha? hi-hindi no. Medyo mas4kit lang kase yung mata ko.” pagsisinungaling ko.
[Ahh ganon ba. Amm Avie, pwede ba tayong magkita sa park may sasabihin kase ako sayo eh.]
bakas ang saya sa tono ng boses niya.
“Nga-Ngayon na?” tanong ko.
[Amm oo kung ok lang sana kase excited nakong sabihin sayo to. Syempre bestfriend kita.]
“Ok pupunta ako.” sabi ko at pin4tay na ang tawag.
Kinuha ko ang shoulder bag ko tsaka ako lumabas ng kwarto.
PAGDATING ko sa park ay tinext ko si Kyle, kung nasan na siya. Pumunta ako sa tambayan namin at nakita ko siya doon na may kasamang babae.
Babaeng nan4kit sa kanya. Babaeng nagpaiyak sa kanya.
“Avie, buti at pumayag kang pumunta dito.” masayang sabi ni, Kyle sayang hindi kopa nakita kapag kame ang magkasama.
“Sy-Syempre request mo. Matatanggihan ko ba yun.”sabi ko sa kanya.
Tumingin naman siya kay Freya, kaya lumapit sa amin si, Freya.
“Avie, nagkabalikan na ulit kame ni Freya, kahapon lang.” ngiting sabi ni, Kyle.
Sh1t self wag kang iiyak.
Arrgh diko napaigilang di maluha.
“May problema ba Avie?” alalang tanong ni Kyle, at akmang hahawakan niya ako ng umatras ako.
“Wa-Wala syempre. Ano lang to amm tears of joy.” pilit ngiting sabi ko kaya ngumiti din si Kyle, at hinapit ang bewang ni, Freya.
“Thanks for comforting him nung mga panahong wala ako sa tabi niya.” sabi sa akin ni Freya, kaya tumango ako.
Mali. Dapat ‘Thanks for comforting him, nung mga panahong in1wan at sin4ktan ko siya.’
“Wala yun. Bestfriend ko siya eh normal nalang yun.” sabi ko at pinipilit kong di ulit maiyak. “amm sige una na’ko baka mase may date pa kayo.” sabi kopa at tatalikod na sana ako ng humarap ako ulit at nag-salita. “amm Kyle, can I hug you?” tanong ko dito kaya napatingin siya kay Freya. Mukhang di rin papayag si Freya. “amm hehe biro lang sige una nako.” sabi ko at kunwaring tumawa.
“Amm yeah” sabi ni Freya,kaya tumalikod na’ko at doon tumulo ang luha na kanina pa gustong kumawala.
Lalakad na sana ako ng magsalita si Kyle.
“Salamat sa lahat ng tulong, Avie.” hindi kona siya hinarap at lumakad na agad.
Nang medyo makalayo na’ko ay doon ko na pinunasan yung luha ko.
Sobrang s4kit.
Kala ko may chance yun pala wala na.
“An-Ang sa-sakit sakit mo-mong *sob* mahalin, K-Kyle.” umiiyak kong sabi habang naglalakad.
Nakakita ako ng bench kaya umupo ako doon at doon ako mas lalong napaiyak.
Sana pala dina ko umasa na pwedeng maging kame. Kase KAIBIGAN lang ang tingin niya sa akin at wala ng hihigit dun.
β€”END–
a/n: GIRLS & BOYS HUWAG NA HUWAG KAYONG SISIRA NG ISANG RELASYON DAHIL LANG SA GUSTO O MAHAL MO YUNG ISANG TAO. MAS MAGANDA KUNG TANGGAPIN MO NALANG NA MAS MASAYA NA SIYA SA IBA AT MAGING MASAYA KA PARA SA KANILA. KUNG MAGKAIBIGAN KAYO EDI DAPAT MAS LALO KANG MAGING MASAYA PARA SA KANYA. WAG NA WAG NATING IPIPILIT ANG ISANG BAGAY NA ALAM NATING MALABO, KASE KUNG PARA SA ATIN TALAGA YUNG ISANG TAO, AY PARA SA ATIN TALAGA.
:work of fiction






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top