TWO HEARTS BENEATH THE MOON Kabanata 38


“May kinalaman ba ang anak ko sa pag-iyak mo, Candace. Tell me, ako mismo ang pi-pingol sa tainga niya.” Biro ni Ma’am Elyneia. Alam kong gusto niya lang pagaanin ang nararamdaman ko.
“Wala po,”
Dinala ako ni Travis dito sa bahay nila. Si Ma’am Elyneia ang nagbukas ng pintuan. Nagulat pa ito ng makitang kasama ako ni Travis, but she warmly welcomed me inside.
Sandali munang nagpaalam sa akin si Travis at pumanhik siya sa itaas. Naiwan kami ni Ma’am Elyneia dito sa sala nila. I was wondering where is Lola Tinay, matagal ko na din siyang hindi nakikita.
“I like you for my son, Candace.” saad niya na ikinabigla ko.
I swallowed the imaginary lump in my throat.
Iniiwasan kong salubungin ang tingin niya. “I’m sorry, Ma’am.”
Kumunot ang noo niya.
“Ako na ang humihingi ng tawad… para kay Mama… for judging your son. I’m sorry if she doesn’t know what she’s saying. Higit kanino man ay kayo po ang nakakakilala kay Travis.”
Ikinulong niya ang dalawang palad ko ng kamay niya.
“Let me tell you a story.” hindi nakaligtas sa paningin ko ang lungkot na gumuhit sa mata niya.
“I was in your shoes, too. I also felt that pain. Sabi nga ng karamihan, parte ng masaktan ‘pag nagmahal ka,”
“Kilala ko na si Linus simula pa lang, the playboy in town they called him that. Pero sa kabila ng papalit-palit ng babae. Hindi iyon naging hadlang para mahulog ako sa kanya. I fell in love with him secretly.” then, she smiled. May kakaibang ningning sa mata niyang iyon.
“So, there, hanggang sa napansin niya ako at niligawan. We were so in love that time. And, of course, until now. Nakita kong unti-unti siyang nagbago. Until he offered me marriage which I immediately accepted. That’s the magic of love. Alalay ka ng puso at isip. At mas lalong naging masaya pa ang pagsasama namin nang dumating sa buhay namin si Travis. That time, wala na akong mahihiling pa.”
Nararamdaman ko ang saya niya habang kini-kwento niya mga iyon.
“Our son got his father’s physical look. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nakuha niya ang atensiyon mo no’ng una.”
I smiled, dahil iyon ang totoo.
“Buong akala ko walang makakasira sa pamilyang binuo namin ni Linus. Hanggang sa dumating si Lucy, ex-girlfriend ni Linus na kahit kasal na kami’y hindi pa rin tinitigilan ang asawa ko ngunit hindi na pinapansin ni Linus, confessing she’s carrying Linus’s child…”
“Ako lang ang nasa bahay noon, wala ang mag-ama ko. Wala akong ibang maisip kundi si Travis… ayokong masira sa paningin ni Travis ang ama niya…. ayokong masira ang pamilya ko. Kaya ginawa ko ang desisyong maraming taon kong kinimkim ang sakit. I gave her money, kabayaran ng pagtikom ng bibig niya.”
“Ang masayang pamilya meron kami’y may nakatagong isang lihim na magpapasira dito. Kaya tiniis ko ‘yon, Candace, lahat ng sakit para lang protektahan ito. Pero ika nga nila walang lihim na hindi nabubunyag.”
I don’t know what to say. Nararamdaman ko ang sakit niya.
“I learned how to forgive, hija. Ang pinagsisihan ko lang noon ay pinagkait ko kay Keith ang pagiging ama ni Linus sa kanya. At hindi kinikilala nina Travis si Keith ang isa’t-isa bilang magkapatid sa maagang panahon.” mabilis niyang pinahid ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi.
Her grip in my hand tightened. At masuyong ngumiti sa kabila ng pag-luha.
“Our family is not perfect…. My son is not perfect. Ako na ang nakikiusap, kahit ano man bagyo ang darating sa buhay ng pagsasama niyo ng anak ko, huwag mo siyang susukuan. Huwag mo siyang bibitawan. Hold him close, Candace.”
“Mahal ko po ang anak niyo, Ma’am. Hindi ko na siya tatalikuran ulit. Ipaglalaban ko na siya hanggang maubos ako.” I said.
Nagising ako nung sumisilip na ang sinag ng araw sa bintana. Ngayon ko lang napagtuunan nang pansin ang kwartong ibinigay ni Ma’am Eleyneia, nag-iisang guest room sa ikalawang palapag ng bahay nila.
Simple lang. Puti ang pintura sa bawat sulok ng silid, wooden floor, may kalakihang cabinet, may maliit na mesa sa tabi ng kama, at may sariling banyo.
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Ma’am Elyneia kagabi ay sakto naman bumaba ng hagdan si Travis at inaaya na akong magpahinga na. Hindi na siya nagtanong muli pa no’n, at pinagpasalamat ko naman dahil hindi ko alam kung masasabi ko agad sa kanya ang tungkol sa pag-iyak ko…. ang paratang ni Mama sa kanya.
Silently, hinayaan niya akong matulog sa bisig niya. Naalimpungatan ako no’ng maingat niyang ihiga ang ulo ko sa unan, ayusin ang kumot sa katawan ko, at masuyong hinalikan sa labi at noo ko.
He whispered, “I love you.” Then, he exited.
Bagong araw na pero ‘yong isip ko aktibo pa rin sa mga nangyari kagabi. Masakit pa rin sa akin ang mga nalaman ko na ang sarili kong ina ang may kagagawan lahat noon.
She used her money to destroy my heart… my happiness. Para lang sa sarili niyang pinaniniwalaan.
I felt hurt and betrayed sa mga taong malapit sa puso ko. Ang mas masakit ay sarili kong ina ang may pakana ng lahat.
I heard a knock outside the room, followed by Travis’ deep voice.
“Come in,” namamaos pa ang tinig ko galing sa pag-iyak kagabi.
Kumalas hanggang baywang ko ang malambot at puting kumot nung umupo ako.
Lumapit si Travis sa akin, bahagyang umuga ang kama ng umupo siya sa harapan ko. Bagong ligo siya. His fresh scent filled my nostrils.
Mabilis kong tinakpan ang mukha ko ng kumot. Of course, after crying out loud last night, even without mirror. Nai-imagine ko na kung ano’ng itsura ko ngayon. Namumugto ang mata ko at sabog pa ang buhok ko.
Lihim akong napamura.
“I already saw you,” naramdaman kong hinawakan...


niya ang kumot. “Let me see your face.”
Mahigpit ang kapit ko sa kumot nang hilahin niya. “Eeh! Not now. Lumabas ka muna. Maghihilamos lang ako.”
“Bakit kailangan ko pang lumabas? This is the first time I saw your face in the morning. So, let me see your face, Candace.”
Ngumiwi ako. “Baka may makita kang hindi kaaya-aya sa mukha ko?”
He chuckled. “Wala akong nakita kanina. Kung meron man, it didn’t make less you beautiful.”
Tila may malanding kumirot sa tagiliran ko at napakislot….. hindi sa sakit kundi sa kilig.
May ganoon, Candace? anang bahagi ng isip ko.
Oo, at kay Travis ko lang ‘yon naramdaman.
Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot. At sinalubong siya ng tingin. May ilang hibla ng buhok ang tumatama sa kanyang noo.
He licked his lips.
“How are you now?”
“Medyo gumaan na pakiramdam ko. And I’m sorry,”
Nahihiya ako sa kanya dahil kay Mama. He doesn’t deserve that treatment from my mother. Mas lalo na ang i-judge siya gayo’y hindi naman niya ito lubos kilala. She judge him through his father’s past reputation.
At hindi man lang inisip ni Mama ang damdamin ko. Sa sobrang pag-protekta niya sa akin, at dahil lang hindi siya makaalis sa nakaraan ay may nasaktan siya.
“I’m sorry. H-hindi alam ni Mama ang lumalabas sa bibig niya… for judging you. Maling ikumpara ka niya sa Papa mo… sa mali nitong ginawa.” mahinang sabi ko.
“I’m my father’s son. His blood run through my veins, but I’ll never duplicate what he did. Mahirap man paniwalaan, ikaw lang ang babaeng hinayaan kong pasukin ang buhay ko, Candace.”
“Why, I mean why just me?” It’s just came from my lips.
“Dahil nag-iisa ka lang,”
He look at me intently, “I started build a wall between us when I felt something for you. Fuck. You are just high school no’ng magpalipad ka ng tingin sa akin.”
I bit my bottom lip. Iniwas ko sa kanya ang namumula kong mukha ngunit mabilis niyang nahawakan ang baba ko at pinihit paharap muli sa kanya. He examined my face.
Ngumuso ako. “Masyado bang maaga para iparamdam ko sa’yo na gusto na kita noon?”
Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi saka siya nagsalita.
“Bata ka pa kaya hindi mo alam ang kalalabasan ng inaakto mo no’n. What if, hindi ako ‘yon at samantalahin ang pagkakataong gawan ka ng masama dahil sa pagbibigay tingin mo. But thank God, you fell for me.”
I rolled my eyes. “Yeah. But you were snobbed. Akala mo nakalimutan ko na kung pang-ilan mo akong tinanggihan.”
Hindi ko namalayan nasa hita ko na ang kanan niyang kamay at gumagawa ng marahang haplos. Hinayaan ko siya kahit nakikiliti ako sa ginagawa niya.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya, nang mapagtanto kong sa hita ko din siya nakatingin.
“Travis,”
Hindi pa kami tapos mag-usap.
He grinned. “Baby, what was the wall I build for? Kung hinayaan ko lang din ang sarili kong ariin ka. I build that because you are too young. Imbes mag-aral ka ng mabuti, you were courting me instead.”
I swear, uminit pa lalo ang mukha ko. Pero hindi ko hinayaan tangayin ako ng kahihiyan. I lifted my chin, at matapang na sinalubong ang malalim niyang titig.
“You should be proud of me, Travis. Nagawa kong pagsabayin ng mabuti ang pag-aaral ko, at panliligaw ko sa’yo. I have a good grades, then I have you, too. See, I multitasked.” sabi ko.
His laughed filled the four corner of the room. His laugh sounds music to my ears. Seeing him like this, again, make my heart wanted to jump out of my ribcage. The butterflies inside my stomach were dancing gracefully.
“Useless damn wall. I let you to destroyed it anyway. Hinayaan kita dahil gusto ko… dahil gusto din kita.”
I’m speechless. Gusto kong namnamin muna ang tagpo na ‘to. Nakaka-relax marinig ang tawa niyang iyon.
Ilang sandali. “Do you hate your father, Travis?” maingat ang bawat bigkas ko.
“No’ng nalaman kong magkapatid kami ni Keith sa ama, na matagal na palang inilihim ni Mama at kinimkim ang sakit. Iyon ang unang beses na nakita ko ang Mama kong umiyak, Candace, and it breaks my heart seeing her like that. Nagalit ako kay Papa,”
Ginagap niya ang kamay ko, at marahan pinisil iyon. “Pero nakaya kong pinatawad ang Papa ko dahil iyon ang dapat gawin. Wala din mangyayari kung ipagpatuloy ko ang galit ko sa kanya. Sarili ko lang din ang niloloko ko. I’m his son… his family. Instead to let myself fall into wrath, why not forgive him, and embrace the fact. Now, do you still accept me despite the history of my family?”
“No’ng naamin ko sa sarili kong mahal na kita. Minahal ko na din ang buong ikaw, Travis.”
Travis was right. Forgive. Alisin ko ang galit, at poot para sa Mama ko. Hindi ko inintindi ang punto ni Mama sa ginawa niya. I only focus for her mistakes…and her betrayal.
Nagpa-agos agad ako sa galit. Ni hindi ko pinansin ang sakit din na lumarawan sa mukha ni Mama.
Oh, God, I’m sorry. She just protected me. I didn’t try to understand her. Iyon na nga lang ang kaya kong ibigay sa kanya… ang intindihin siya… hindi ko pa kaya. Imbes, galit ang ipinakita ko sa kanya.
She’s my mother. Kaya normal lang sa isang ina na ilayo sa sakit ang anak. I understand here. Pero sana intindihin niya rin ako… at respetuhin ang desisyon ko.
“Si mama!” nahalinhinan ng gulat ang reaksyon ko.
Mabilis akong umalis sa kama nang marinig ko ang tinig ni Mama sa ibaba. Nahila na ako ni Travis bago pa ako makatakbo palabas.
“Don’t leave me again, Candace. Kahit ano’ng mangyari manatili ka lang sa tabi ko.” he whispered.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top