Meet Again Chapter 28


Written by: Anhellian27
Nagsulat uli si ashlee ngsariling tula.
original written by me
Mahal kita,
Mahal mo ba ako?,
Iniisip kita,
iniisp mo ba ako?
Nagaalala ako,
Nagaalala kaba?
Lahat ng tanong ay nais kong itanong tulad ng laging tinatanong ng pusong nais ay hamon,
hamon na wala namang laban na ilalaban
dahil iba ang ipinaglalaban.
Alibata ang takda
Sa pahina inilatha
Ang mga salita’t
Mga gawa,
Tula na nilikha.
Sayang ang oras
at paglikha
kung ang pagsinta
iba’y isinta,
Sa dako paroon at Parito,
ang isip ko’y walang patungo.
Tanging alaala ng kahapon
ang tanging inipon
dahil paglipas ng panahon
Muni muni muli uling sisibol.
Nahinto ni ashlee ang tula dahil sa hinila siya ni...


dhang. Lumipad ang papel sa ilalim ng upuan at walang nakapansin nito dahil sa bc ang lahat.
“Ashlee bilis!” Hila hila nya ako samay rehas ng hallway namin at may tinatanaw.
“Ano ba ginagawa natin dhang?” Tanong ko kay ashlee pero sumunod din ako sa kanya, hindi lang alam sino tinitignan nya.
“Tignan mo banda baba” sabi nya sabay sunod naman ako.
“Tignan mo si jervey oh iba na naman kasama si carol naman ngayon!” Sabi ni dhang na naaasar.
“Okay lang yan,!”
“malaya naman tayo kung sino ang ating pipiliing makasama”
“basta ako pag aaral na ang uunahin ko”.
pero deep inside sobrang sakit.Nag iisip ako bakit?mga tanong pero alam kong wala ng kasagutan.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top