Isa akong transferee na nagmula sa isang tagong lugar. Kung iisipin ay masyadong malayo ang lugar na ito sa amin.
Ang lugar na pinanggalingan ko ay napapaligiran ng maraming puno at matataas na bundok. Ang sasakyan ay iilan at marami roong mga hayop na nangangalat , tulad ng kalabaw , kambing , aso , at iba pa. Samantalang rito. Puro sasakyan. Puro tindahan , puro tao at pawang mga sementadong establisyimento ang aking nakikita.
Nang pumasok ako sa paaralan ko ay ramdam ko na diring-diri na sila sa akin. Sa pagkakarinig ko ay mataba raw ako , may iilan na nagbubulong na ‘baboy’. At ang ilan ay iniinsulto ako na ako raw ay dugyot at jejemon.
Wala naman iyon sa akin. Ngunit aminado ako na masakit. Parang… hindi ko tanggap. Dahil wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Wala naman akong bagay na ginawa na ikakasama ng iba. Kaya bakit ganito? Bakit ganito ang trato sa akin ng mga taong binigyan ko ng respeto?
Noong una’y pinalalampas ko lamang. Dahil salita lamang iyon. Malayo sa bituka. Ngunit isang araw , napapansin kong tila sumosobra na sila.
–
Tahimik akong naglalakad papunta sa room.
Nakasanayan ko na ito. Pumupunta akong canteen upang kuwain ang tanghalian ko saka dito ako sa room kumakain dahil napagtritripan lamang ako roon. Madalas ay binabato ako roon ng papel at inaasar na “Nandiyan na naman yung baboy , kukuwain na yung piglorac”
Sa gitna ng aking paglalakad , may bumungo sa akin na babae kaya tumilapon ang pagkain ko sa lupa.
“Ops sorry”, hindi man lang sincere ang pagkakasabi ng isang ‘to. Walang modo. Tila sinadya pa yata nito ang pagbungo sa akin upang mapahiya ako.Napatingin ako sa paligid , ni isa sa kanila wala man lang naawa sa akin. Parang normal lamang ‘to sa kanila at walang nais tumulong , ang iba pa ay humahagikhik.
Pinulot ko ang pagkain na tumilapon. Mabuti na lamang at naka-plastik ito at hindi nabutas.
“Yuck! Kadiri! Pinulot mo talaga? Ang baduy mo sobra! Kadiri. Ang mga baboy talaga mahihilig sa maruruming pagkain ano!?”, sabay tawa ng babaeng ito. Sa pagkakaalala ko , kaklase ko ‘to. Minerva yata ang pangalan.
Kumunot ang noo ko , nakaramdam ako ng galit ngunit hindi ako pumatol. Dumiretso ako sa room na parang walang nangyari.
–
Ilang beses akong nag-ooverthink. Gabi-gabi kong iniisip ano bang problema nila sa akin? Ayaw ko naman magsumbong sa magulang ko dahil ayaw ko maging pabigat sa desisyon nila. Dito nila pinili na magtayo ng kabuhayan namin kaya kailangan kong makisabay , bawal akong mag inarte.
Paano ko ba mapapaamo ang mga katulad nila. Binigyan ko na sila ng respeto at maraming oras upang magbago ang pakikitungo sa akin ngunit tila wala silang balak. Nakakasawang umasa. Kailangan bang masanay na inaapi-api lang nila ako?
Mayroon pa silang ginawa na hindi ko nagustuhan. P.E time namin ‘yon. Masyadong tirik ang araw. Hindi ko inaasahan na magtatatakbo pala kami sa field.
Sa akin ay okay lamang na magtakbo kami pagkat sa bundok ay ginagawa ko rin ‘yon. Marunong rin ako magbuhat ng isang sakong bigas at mag-araro sa bukid. Masyadong malakas ang resistensya ko para tablahan ng pagod.
Pagkatapos ng activity agad akong naghanap ng lugar na mabibihisan ngunit dahil sa kakamadali naalala kong nakalimutan ko pala ang bag ko.
Pawis na pawis ako at hirap na akong hanapin ang gamit . Nais ko na rin kase magpalit ng uniporme. Ramdam ko na rin ang lagkit sa aking balat at mapawis na amoy. May iilan pang putik sa aking balat.
Sa gitna ng aking paghahanap nakita kong nagtatawanan ang mga kaklase ko.
Agad akong tumakbo roon , malakas ang kutob ko. Sa sobrang bilis ng kaba sa aking dibdib tila alam ko na ang pinagkakaguluhan nila.
At nang makarating ako roon tuluyang lumubog ang puso ko. Nagpuyos sa kalungkutan ang aking isipan at tila naiiyak na sa pangyayaring ito.
‘Yong bag ko… Sinasawsaw nila sa putik. Naroon lahat ng gamit ko. Naroon lahat. Ang notebook. Ang papel. Ang ballpen at mga damit ko.
Bakit?
Bakit nila ‘to sa akin ginagawa?
Para matuwa sila? Para makita akong umiyak at matawag sila na malakas? Bakit ganyan sila? Bakit ganito?
–
Ilang araw akong hindi pumasok magmula ng mangyari iyon. Nawawalan na ako ng lakas ng loob. Ngunit dahil napuna ako ng aking magulang na lagi akong absent agad rin akong kumilos at nagpasya na pumasok muli.
Nagsuot ako ng jacket na may hoodie , nakayuko akong pumasok sa school. Nahihiya ako. Nanliliit. Nawawalan na...