Meant to be? Chapter 24


Mabilis lumipas ang araw, tatlong linggo na ring nagkaroon ng elimination sa loob ng bahay. Tig aapat na pares sa bawat linggo ang nababawas. Subalit may mga naipo force evict din, yong mga sobrang pasaway at sobrang dami na ng nilabag na rules.
Pero kung sino pa yong pasaway yon pa yong sobra kung iyakan ng mga kasamahan. Dahil iyon ang nagpapatawa sa kanila. Si George.. Na force evicted sila ng partner nya ang partner nyang napakasunurin, na kabaliktaran sa kanya .
Nalungkot si Ace sa pag ka evict ni George, ilang ulit silang nagyakapan bago ito lumabas, kinantyawan na nga silang love team of the year.
Si Nice man din dahil lage sya nitong pinapatawa at tinutukso. Alaga din sya nito, inamin nga nito sa kanya na crush sya ng binata. Pero di na nya iyon pinaalam kay Ace.
Ngayong umaga malungkot uli si Ace, kagabi lang umalis si George. Ito kasi ang pinaka close nya sa kwarto. Tabi sila ng higaan, puro kulitan bago matulog, at matyaga itong maghanda ng midnight snack. Goodvibes sya palagi paggising pa lang pinapatawa na sya.. Mahirap mawalan ng totoo at kwelang kaibigan.
Binati sya ng pares ni Venice at tinapik ang kanyang balikat.
“Iniwan ka na ng girlfriend mo” pagbibiro pa nito.
Napangiti lang sya ng tipid at nagmessage kay Nice bago kay George.
Tahimik silang nagkape ng dalaga sa dining area. Di gaya kahapon at nong ilang araw na nagdaan, ang ingay ingay dahil kay George..
“Nagseselos na ako”
“Hmm? ”
“Dinaig pa ni George ang asawa mo kung malukot ang noo mo dyan sa pagkamiss sa kanya. ”
” Ikaw ba yon, ikaw ba yong asawa ko. “nagseselos na pala ang asawa ko.. Sorry..”
Nangingiting turan ni Ace.
“Wala akong sinabing ako.. ”
“Imbitahin natin sya sa kasal natin”
“Puro ka usal ng kasal tapos yon pala.. Magiging forever pending lang”
” Ayoko nang makipagtalo sa buntish”
Napapout lang si Nice.
“Venice mo oh”
Lumingon si Ace..
Pero wala syang nakita. Paglingon nya pabalik nakatayo na si Nice.
“Sige na out na ako.. maliligo na ako”
“Sabay na tayo.”
Matalim na ang paningin nito.
” Don ka sa Venice mo makipagsabay”
“Haysss bat pa kasi lumingon. ”
Pansin nya ang madaling pag init ng ulo ng dalaga, lalo na sa kanya. Iniintidi nya na lang ang pabago bago ng mood nito, ipinagpasalamat nya na lang na di na ito naduduwal. At di na masyadong mapili sa
pagkain.
Pero may gusto pa rin itong kainin maliban sa stock nila sa loob ng bahay, kaya ginawa nya. Pinakiusapan nya ang pinsan nyang sa Manila nakatira upang bumili ng mga nais ni Nice. Tapos pag lumalabas sila sikreto itong pinapupunta nya sa kung saan sila nandon. Pero syempre may suhol yon.
Limang pares na kalahok na lang silang natitira. Kaya sinulit nila ang bawat games o pagsubok na binibigay.
Sa araw na yon, muling susubukin ang mga pares. Magpapalit sila ng partner at magsasama sa mga gawain ng isang araw.
Si Venice at Ace ang naging magkapares, at vice versa si Nice at ang partner ni Venice naman ang magkakasama.
Nagkatinginan sila nang magpunta na sa kani kanilang area para maglinis, magluto. Dahil naka assign na sila sa kanilang mga gawain.
Magluluto sina Ace at Venice, ang dalawang pares sa swimming pool at labas na asign. Mayroon ding sa Cr, at sina Nice ay sa loob ng bahay.
Pansin ni Nice ang pang aakit ni Venice kay Ace, ang mga extra movements nito. Nagkatinginan sila ng binata dahil matatanaw ang kusina galing sa sala.
” Tingin ko may something na sa inyong dalawa” untag ng lalaking kapares nya. Kaya napabaling sya sa ginagawa.
“Kayo na ba? ”
Iiling iling lang sya.
“Wag mo nang ideny”
“Para ka ring si George ang kulit mo! . ”
” Hahah, ok di na po mangungulit ”
Nagkatawanan sila ng mahina , at nakita iyon ni Ace na biglang napakuyom ng kamao.
Kinagabihan, nag inuman sila. Bonding time dahil iilan na lang sila at sa linggo na malalaman kung sino ang tatanghaling” Bright Smile couple. ”
Sa nagdaang mga araw umiiwas na sila sa isat isa sa harap ng camera. Pero di nila alam ang daming stolen video clips na nabuo sa pag iiwasan nila, tapos lihim na mag uusap, naglalambingan, yakapan, sabay sa halos lahat ng gagawin. Mga ngitian at sulyapan nilang akala nila sila lang ang nakakaalam. Yon pala’y napapanood na ng televiewers.
Idagdag pa ang mga nakaw na kuha ng camera man sa kanila. Buti di nito isinali ang halikan nila .
, sinusubaybayan na ng mga manonood ang lihim nilang pagtitinginan kunoh. Marami na rin ang naiintriga at kinikilig sa kanilang tandem. At ninanais na sila sana ang manalo at sana maging sila na nga in real life.
Kahit ang best friend ni Nice na si Mitch ay lagi na syang kinukulit tungkol sa binata. Iniisip nya na lang, matatapos na rin naman at makakalabas na rin sila isang linggo na lang.
Dahil patapos na, nag kayayaan silang mag inuman. Silang limang pares maliban kay Nice. Nakitabi lang siya kay Ace pero di sya pina inom nito. Sya ang sumasalo ng baso para dito. Nagkatuwaan sila hanggang nalasing na ang iba. Maging si Ace ay ramdam na ang tama nya pero umakto syang matino pa. Lumalapit na sya kay Nice at akmang yayakap.
Hanggang nag aya ng matulog si Nice.. Susunod na sana si Ace ng pigilan ng mga kasamahan. Kaya nauna na si Nice, binulungan muna at pina alalahanan tungkol kay Venice.
Ngunit pag kaalis pa lang ni Nice agad na syang nilapitan ni Venice, hindi pa ito lasing. Nagkunwari syang tinamaan na at nagsimula na nyang hawak hawakan si Ace. Di naman kumukontra ang kapares nya. Dahil alam nitong may gusto ang dalaga kay Ace. At may sarili naman itong buhay. Sa katunayan humiling ito ng pabor sa kanya.
Ilang sandali pa’y inaaninag na ni Ace ang paligid nya.” Kailangan ko na tong itu log, mau na na ako” lasing nyang sabi sa partner ni Venice. Yong huling baso na ipinainom ni Venice sa binata ay may inihalo syang pulbura.
At pilit nyang inaaliw ito hanggang sa nakita ng binata si Nice sa upuan.
Inaninag nya itong mabuti at mukha nga ng minamahal nya. Agad syang lumapit, at di na nya kayang kontrolin ang pag iinit ng katawan nya ng makitang naka pantulog na ito ng blouse at shorts.
Pinatayo nya ito.. At dinala sa loob..
Nawala na sya sa katinuan.. Ayaw nya yong gawin, sigaw ng utak nya pero hindi ang pangangailangan ng kanyang katawan.
Di na sya makapagpigil sa sala palang siniil nya na ng halik. Hanggang banyo. Agad nyang ipinasok ang dalaga. Si Venice naman kanina pa umaalalay para makakubli sila sa camera.
Nakasunod lang pala ang partner ni Venice at kumukuha na ng video.
Mapusok si Venice.. Di nya palalampasin ang pagkakataon. Mahal na nya si Ace! Sigurado sya don. Handa syang ialay ang sarili dito.
Biglang...


natigilan ang binata sa ginagawa.
Kahit sobrang mahal nya ito, naipangako nyang aangkinin nila ang isat isa sa panahong matino na silang dalawa . Gagawin man nila ulit iyon kailangang walang nalalasing sinoman sa kanila.
Pero patuloy lang si Venice, nawala na sa sarili.
Nakarinig ng mahinang ingay si Nice at dahil nauhaw lumabas sya upang mgpunta sa kusina..
Nakita nyang galing sa banyo ang pares ni Venice.
” Di pa kayo tapos? Umiinom pa rin sya?”
Nagkibit balikat lang ito at sabay turo sa may banyo. Naintriga naman si Nice at nagpasyang pumunta doon.
Dinig nya sa labas ang kaluskos sa loob, tila may bulungan syang naririnig .
Ayaw nya sanang makialam, pero narinig nyang sinambit ang pangalang Ace.
Biglang uminit ang dugo nya at nagpantig ang teynga.
Mabilis nya itong kinatok!
Matagal bago ito nabuksan, pagbungad nya nakita nyang hubad ang t shirt ng binata at blouse ni Venice..
“Ace?”
Naguluhan si Ace, at muling tiningnan si Venice at muli ay sa kanya.
Agad tumaLikod si Nice at nagbalik sa kwarto.
Wala pa rin sa sarili si Ace nang alalayan na ng pares ni Venice papuntang kwarto nila.
Kinabukasan, paggising pa lang di na maipinta ang mukha ni Nice pati mata nya ay munto.
Samantalang nasapo ni Ace ang ulo sa sakit.
At pilit inalala ang kagabing naganap. Pero medyo malabo sa diwa nya.
Hanggang sa lumabas na rin sya para makahigop ng mainit pangwalA ng hang over.
Nagkasalubong sila ni Nice.. Galit ang anyo nito hindi sumagot kahit pa binati na nya.
. Tinanong nya ito kung anong nangyari nang nagdaang gabi. At bakit namumunto ang mga mata.
Ngunit di ito nagsalita bagkus ay sampal ang inabot nya.
Nagulat man ay sinundan nya ito, at naging masalimuot na ang buong araw nila lalo na ng makita ang video na inilihim sana ng pares ni Venice. Hindi pa kayang unawain ni Nice ang paliwanag ni Ace, dahil kita ng dalawang mata nya.
Lumipas ang 2 araw na hindi sila maayos. . Buti hindi nahagip ng camera ang mga naganap ng gabing yon.
Pinilit ni Ace na paaminin si Venice at ng pares nito kung anong ginawa sa kanya. Yong pares lang ni Venice ang ng sabi na kumuha sya ng video, pero idedelete nya rin. Na nawala na sa katinuan si Ace dahil sa dami ng nainom.
Hindi na matingnan ni Ace si Venice halos bugbugin nya ito nang nagdaang gabi kung di lang naawat.
______
Sa wakas sumapit na rin ang araw kung saan tatanghalin na ang nanalong “Bright Smile Couple” umaga pa lang naghanda na sila para sa program. Sa loob pa rin ng bahay gaGanapin ngunit muling papasok ang lahat ng kalahok at magiging 20 couples uli sila at magkakaroon sila ng mga intermession no.
Pilit nilang binabalik sa normal ang mga sarili, lalo na si Nice kahit sa araw na iyon lang.
Bukod sa magiging bright smile couple may 1st at 2nd din na mananalo
Kabado ang limang couple ng matapos silang ayusan ay ipinaupo na sa stage sa may palaruan nila banda.
Wasak na wasak pa si Ace pero hindi nya susukuan ang pagsubok nila ng dalaga.
Niyakap nya ng mahigpit si George ng makita ito. Nagsumbong sya dito. Kinausap naman nito ang dalaga at pinaintindi na walang kasalanan si Ace dahil matagal na syang naghihinala kay Venice na may gagawin itong di maganda. At yon na nga yon. Malamang na frame up lang si Ace dagdag nito. Tumango tango lang si Nice, pero yong dibdib nya di pa naiibsan ang paninikip ilang araw na.
Ngunit yong pinagdaanan nila ay bawi naman kahit papano dahil sila ang tinanghal na Nanalo na mag eendorso sa nasabing produkto.
Sila ang hinirang na “bright smile couple”
Sina Venice ang 2nd at yong isang pares ang naging 1st. At yong dalawa pang pares ay may consolation prizes.
Kahit papano naibsan ang nadarama.
Nakalimot sandali at nahanap ang isat isa. Mahigpit syang niyakap ni Ace at gumanti na rin sya. Hinagkan nito ang buhok nya at noo. Paulit ulit na nag sorry.
Pinahinto sya sa pagbigkas ni Nice at ngumiti dito. Palalampasin nya ito sa araw na yon.
Paglabas nila ng bahay, di nila akalain ang dami palang nag aantay sa kanila, nakiki selfie ang iba ang iba nakikipagshake hands. Di na mawala wala ang kanilang mga ngiti sa mainit na salubong ng mga tao sa labas.
May mga reportes na rin ang nagsilapitan sa kanila. May sumiksik at lumapit na bakla sabay lapit ng mic kay Ace. Nagtanong kung sila na ba ng dalaga. Base sa mga eksenang napapanood nila.
Nagulat si nice ng um0o si Ace at inaming sila na.
Pinandilatan nya ito ng mata ngunit kinabig lang sya at nginitian sabay hinagkan sa noo.
Hiyawan naman ang mga naroong nakapalibot sa kanila. Inaabangan daw nila ang tandem nila araw2. Pag may ipapakitang video clip.
Tinanong din si Nice kung anong reaksyon sa posibleng pagtitinginang lihim ni ace at venice. Nag kibit balikat lang si Nice.
Nilinaw ni Ace na walang kahit na anong namagitan sa kanila ni Venice. Marami pang naging tanong, kung sasabak ba daw sila sa pag aarte.
No comment na si Ace, hindi nya inalis ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga hanggang tinulungan na sila ng mga security at ni George na makalusot sa umpukan.
Sinalubong sila ng kaluluwas na pamilya ng binata. Di makatingin si Nice ng diretso sa mga ito.
Ipinakilala ni Ace ang dalaga sa mga magulang. Kilala naman din nila ito, bilang anak ng driver nila khate. Pero nagulat si Nice ng sabihing girlfriend na sya nito at may ibinulong pa sa mga magulang na kita nyang ikinapanlaki ng mata ng mga ito.
Diretso tingin sa kanya. Napayuko na lamang sya sa hiyang nadama.. Kung pwede lang lamunin na sya ng lupang kinatatayuan. May hint na kasi sya kung anong binulong ng binata sa mga ito.
Tsaka nito hinawakang muli ang kamay nya. At yong mga baggages nila inilagay na ng pinsan nya sa sasakyan nito kasama si George.
Diretso sya inuwi ni Ace sa bahay nila. Sabi nya doon nya patutulugin ang dalaga. Tinawagan nya lang ang ama nito. At sinabing alam na ng mga magulang nya ang tungkol sa kanila.
Di na kasi ligtas para sa kanya kung babalik pa si Nice sa bahay nina Khate. At matagal na nang naging buo ang loob nya na pagkalabas wala na syang katatakutan tungkol sa kanilang dalawa.
Yong napanalunan nila next week pa nila makukuha, bale malaking cardboard lang na may nakalagay ng napanalunang 1 million ang hawak nila kanina.
Nasa loob ng guest room si Nice. Kakabihis nya lang, nasa living room naman nag uusap ang binata at mga magulang. At kauuwi lang din ni George pero pababalikin din sya ni Ace.
Hindi na mapakali si Nice..kinakabog ang dibdib nya sa kaba! Talagang bubugbugin nya ang binata makapasok lang ito sa kwartong kinaroroonan nya!






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top