Basag uli ang bagong TV screen nila Rica dahil sa nakitang commercial na iyon ni Khate.
Ilang beses na silang nag pang abot ng kuya niya. Hindi nito kinukunsinte ang ginawa nyang kawalang hiyaan kay Nice. Ilang beses nya na rin itong nasampal dahil talagang nawawalan na ng galang sa kanya at sa kanilang mga magulang.
Kung pwede lang, sya mismo ang magpapakulong dito. Na di rin mapapayagan ng daddy nila.
Kaya naman mas lalo lang itong nag ngingitngit dahil lumalabas na mas pinapaboran nya si Nice kesa dito. Dati pa.
Halos ibalibag naman sya ni Ace kapag nag papang abot sila sa university. Hanggang sampal at matigas na hawak sa siko lang ang inabot nya dito. Pero sobrang sakit ang dulot nyon sa kanyang pagkatao.
Kung di lang ito inaawat ng tropa baka nabugbog na sya at mas malala pa.
“Nagawa ko yon! Dahil sa sobrang sakit na dinulot nyo sakin!! Dinurog nyo ako Ace!” pasigaw nyang sabi sa binata
“Nadurog ka? At kami ngayon ano? Masaya ka na ba hah? ”
You’re the most hateful person known to me now . ” madiing salita sa mukha nito..
tsaka sya tumalikod
” Ace?” ang sakit non sa kanya.
Lumingon ang binata.
” Do I know you? Evil! ”
I promise you’ll pay for this”
“Pay? Niloko nyo ko! Buntis pala sya kahit tayo?”
Napabalik ito sa kinatatayuan kanina tsaka humarap sa kanya ng may sarcasm sa pananalita.
“Sino bang nag tapon sa bunganga ni Nice ng mga inumin, para tuluyan itong malasing. Para mawala ito sa katinuan. Sinong walang puso ang nag iwan dito sa kabila ng pagkapilit nito para maging chaperone ni nino? Sayo?”
“Iniwan mo sya! lasing at walang nakakakilala! ”
“Para lang ano, para lang magtagpo ang landas namin at maging dahilan upang mahanap namin sa isat isa ang totoong pag mamahal?
Pwes salamat ha.. Kung di mo yon ginawa. Hindi ako masaya ngayon.
” Na sa wakas nahanap ko ang babaeng gusto kong makasama habambuhay. Ang babaeng pakakasalan ko. At hindi ikaw ang makakasira samin. Hindi ikaw!”
Sunod sunod na umagos ang mga luha ni Khate.. habang napako na sa kinatatayuan. Hanggang tanaw na lang sya sa lalaking minahal nya, at tanging mamahalin. Sobrang sakit ang ininda ng kanyang dibdib.
____
Isang umaga paggising ni Nice, bigla syang nagkaroon ng lakas ng loob na bumangon.
Kailangan na nyang umusad. Hindi ito ang unang beses na iniwan sya o may nawala sa kanyang mahal sa buhay.
Pa year end na ang klase at siguradong marami na syang namimiss na exams at projects. Kailang nyang maka cope up.
Hinarap nya ang sarili sa salamin.
“Laban Nice Alegre!!”
Nabigla pa si Ace nang makita syang inaayos na ang mga gamit at mga notes sa bag nya.
Nilapitan nya ito ginulo ang buhok tsaka niyakap.
“Fight lang tayo! hmm?
Yaan mo, sa susunod triplets na yan”
Nangiti lang sya ng bahagya. Baka nga di pa iyon nakalaan para sa kanila.
Mabilis na syang naghanda nang makasabay kay Ace papuntang eskwela.
Masaya si Ace pati tatay ng dalaga dahil bumabalik na ito sa normal. At mukhang natatanggap na ang masakit na sinapit.
Mabilis na naka habol si Nice sa klase. Gusto nga nya ng ganon yong nacha challenge sya dahil nakasanayan nya na . Iyong pagkawala lang ng nasa sinapupunan nya. Yon ang bagay na di nya masasanayan pa at tanging nagpapahina sa kanya kapag biglang naaalala .
Paminsan minsan dumadalaw din sila sa bahay nina Ace. At kung maaari ayaw na munang pag usapan ni Ace ang nangyari sa dalaga para di bumalik balik sa ulirat nito.
Naging abala na rin sya sa trabaho.
Sumapit ang graduation nina Nice at kahit pa marami ang liban nya sa klase proud na nag papalit palit ang tatay nya at si Ace sa pag escort sa kanya sa mga natanggap nyang award.
Kahit kasi sa Extra co- curricular activities di sya nagpapahuli. Aktibo sya lalo na sa academic excellence. Bahagi din sya ng journalism sa paaralan kaya laging napapasabak dumayo sa mga contests from district to division unto national.
Ngayon ay naging saksi ang mga estudyante at magulang na proud din sa natamo nyang fruit of her labor o sa pagsusunog ng kilay.
Di man sya ang unang honor, ngunit pumapangatlo sya sa dinami dami nilang gumraduate. At mas hamak na mas...