Meant to be? Chapter 45


(NICE POV)
Akala ko sa cr papunta, pero hinila lang ni Rica ang aking kamay patungong labas ng bar.
Sunod sunod na ang tanong ko kung saan nya ako dadalhin. Kahit papaano nakAdama ako ng kaba at pangamba. Dahil kaka ayos nga lang namin dahil sa ginawa nyang pagtraydor sakin dati.
Pero imbes sagutin ako, mas binilisan nya lang ang pag lalakad napapasunod na lang ako dahil nga hawak nya ang aking kamay. Baka maoffend naman kung magreact agad ako just for my guts sake.
Di ko mapigilang di kutuban..
Nasa dalampasigan na kami naglalakad, ang ganda sana pagmasdan ng payapang dagat na naliliwanagan ng bilog at dilaw na buwan.
Sa wakas huminto din sya. But guess what sa may bonfire banda? Now I just remember! this scenery is what we always wish for sa tuwing tumatambay kami sa pool nila habang maliwanag ang buwan . . .
Nawala ang pangamba ko.. And a happy smile appears instead.
“We’re here! finally” bulalas nya
“Rie.. ” niyakap ko sya ng mahigpit nang ma relieved, kinabahan ako don ah.
“Do you like my surprise? ” masayang tanong nya
“I like it very much! But I like you even more! ” overwhelmed na sagot ko sa kanya. Kaya napayakap sya sa akin pabalik.
Kung may mga tao mang mapanakit sa akin. May mga tao rin namang nagbibigay kasiyahan at galak sa aking puso . Indeed GOD is always fair.
Habang magkayakap kami, she speak up.
” Uulitin ko, I’m so sorry dahil nagpadala ako kay ate. Mas pinili ko sya over you. I really regret what I have done.”
“At , englishera na sila.”
Bigla syang kumalas at kasabay ng pagbulangkahit ng tawa ay ang pagpahid ng luha.
“Wow! Mag aArtista na rin?”
“Naman oh..” pakamot kamot pa sya ng ulo sabay ngisi
“I already forgiven you, kahit di ka pa humihingi ng sorry, dahil mas kilala ko ang totoong Rie ko” tsaka ko sya niyapos uli sa beywang
“Ayy ang sweet .. Why ang bait mo Nice? Sana ikaw na lang ang naging ate ko.”
“Kapatid na ang turing ko sayo.. Kaya ako mabait kasi mabait ka rin.
” You’re one of my treasures. Isa ka sa mga taong nagbibigay dahilan sakin para maging positibo pa rin kahit nahihirapan. It’s a good feeling to be Nice anyway. “sabay diin ko din ng Nice. Di ko na sinabi na pasasaat naging Nice ang name ko, tapos ang samA ko pala. Hmm.. ”
“Why don’t we invite them here! “untag ko sa kanya
” Ahahaha, englishan na to to da max!” natatawang sabi nya
” Syempre! Practice2 na tayo we’re in college na khaya” pagpapabebe ko, ganon kasi kami minsan
“Yeah right pero si ate binubully pa rin ako sometimes.
” Anyways.. Ako na ang tatawag sa kanila. See natupad din yong munting wish natin. Dati sa pool lang tayo habang maliwanag ang buwan🎶buwan🎶buwan🎶” nagduet pa kami tsaka ng aper, kasabay ng aming malutong na pagtawa.
“..ok see yah, dito ka lang hah..balik ako agad” nag wave at flying kiss pa ito bago mawala sa paningin ko. Masaya ako at nawala na ang aking kaba.
Habang nag aantay ako dito sa tapat ng bonfire , di ko mapigilang di maging sente. Napakapeaceful kasi ng paligid, mahinahon lamang ang hampas ng mumunting alon sa dalampasigan, parang musika sa aking pandinig. Habang tinatamaan ng...


liwanag mula sa bilog at dilaw na buwan. Ang sarap langhapin ng preskong simoy ng hangin. Ang sarap tumambay sa lugar na ito.
Until the cool breeze of the wind tease me to close my eyes. Then suddenly, Ace beautiful face appear on my mind smiling back at me. I smile. Namiss ko tuloy ang kumag ko. Kung sana andito din sya..katabi ko.
I know he wanted to come pero gusto nya rin daw maranasan kong maging malaya at maging dalaga ulit kahit ngayong gabi lang. Kaya titiisin nya na di ako disturbuhin.
Natatawa ako sa kanya..at na iinlove ako lalo sa lawak ng kanyang pang unawa .. iba talaga sya.
Before we met, hindi pa naglalaro sa isip ko kung ano ba talaga ang aking ideal man . Dahil sa pag aaral lang talaga nakafocus ang aking isipan. Kaya kung may humihirit man, pikit mata lang ako like Bryan.. and Gray?
Ngayon ko lang yata naiisip at napansin na lagi naman sanang nasa vocabulary ng all the single girls out there. Ano nga ba ang ideal man ko?
Well, hindi ko na nga lang iisipin. Si Ace na yon e. Nasa kanya na lahat ng yon. Para sa akin.
Lumanghap uli ako ng sariwang hangin. Pagbuga ko ay kasabay ng pagtikhim din ng boses lalaki sa aking likuran. Agad akong napatayo .. He’s not my husband. Unti unti akong humarap.. At
“Gray? ”
“Hi!
” A-Andito ka ba dahil kay Rica?”
” Yeah, ahm hiding chaperone?”
“Di kasi ano tinaboy nya na ako kanina, but I’ll changed my mind.. Naisip ko baka may biglang sumulpot na loko2 dito, alam mo na.”
“Ah ok.. “di ko mapigilang di maisip na once in a while naging chaperone din ako.
Di ko malaman ang gagawin, medyo na tense ako. Imbes at peace na ako kanina.
” Sorry,..I’m sorry for what Khate has been doing to you. At tungkol don sa dinadala mo. Pasens-”
” Stop! please stop”
Ayoko nang ungkatin nya uli iyon. Dahil baka mag hysterical uli ako .
“I’m sorry..”
Sandaling namayani ang katahimikan. Maya maya inopen up nya ang childhood memories namin. Di ko napigilan ang sarili na di mapangiti. Namiss ko rin kasi.. Aaminin ko sila ang naging madalas kong kalaro, kaya napalapit na sana sila sa akin. Pero kuya lang talaga ang turing at tawag ko noon sa kanya dahil nga sa nakasanayan ko nang nakikisabay sa dalawang kapatid nya .
Nong nagdadalagingding na kami nina Rica. He asked me favor not to call him kuya. Naiirita daw sya.
Yon pala may gusto na sya sakin. At inamin nya kay itay na 9 yrs. old pa lang daw kami nong una nya akong napansin beyond friendship na.
“I miss seeing your smile..”
Natigilan ako..bakit ang tagal naman nila Rica. “sa isip ko.
” Can I join you here?”
” Huh! Ah.. Ano kasi may nakalimutan akong gamit kukunin ko pala muna,” mabilis akong humakbang ng makalayo sa kanya without noticing the stone on my way kaya napatid ako at diretso salo sya sa akin. Napahawak ako sa palad nya. Habang kay lapit lang namin.
Nang bigla syang namanhid at napaiwas ng may bumatok sa kanya. Nagulat ako pero kasunod na non ay ang pag gapos sa akin ng dalawang lalaki. Diretso takip ng panyo sa aking ilong . And everything went dark.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top