Meant to be? Chapter 46


(NICE POV)
Nagising ang aking diwa dahil sa boses na naririnig ko. But I managed not to open my eyes yet.
Napansin kong nakatali ang aking mga kamay.
Tsaka ko pa napagtanto ang huling nangyari. We’re being kidnapped? By whom? Lihim kong iginala ang paningin ng imulat ko ng bahagya ang aking mga mata. Para magkunyaring tulog pa rin.
Nakita ko si Gray nakatali rin sa aking tapat may minumura syang lalaki na may kasamang apat rin, may mga armas sila. Maya maya iginapos sya at pilit ipinaiinom ng hindi ko makita kung ano dahil nakatalikod yong mga lalaki mula sa akin. And they won.
Tuluyan na akong napamulat at napaaray ng hilahin ng isang lalaki ang buhok ko. Yon ang paraan nya ng paggising sa akin.
Gray shouted “leave her!”
Pero gaya nya napilit din akong napainom ng maliit na pill na iyon. Hindi ko alam kung anong magiging epekto non sa akin. Pero sobrang sama na ng kutob ko sa sitwasyon namin. Nagsimula nang nangilid ang aking luha kasabay ng pagsambit ng pangalan ni Ace.. I need him right now.. I badly need him. Sana di na lang ako pumayag na di sya sumama. This won’t happened if only he’s with me.
Ilang sandali pa, inantok ako.. Hindi ko alam kong naidlip ako basta pagmulat ko .. May mga bote na ng alak sa aking harapan, at kung kanina nasa loob kami ng isang space ngayo’y nasa cottage kami ng tabing dagat uli. Pero hindi ito ang beach na pinanggalingan namin.
Ilang minuto ang nakalipas, nag iba ang pakiramdam ko. Pilit kong ipinipinid ang ulo.. Nilalakihan ang mata para kasing naririnig ko ang boses ni Ace at sya ba ang papalapit na iyon? Andito na kaya sya para i save ako? Medyo mapanglaw kasi dahil ang ilaw galing sa ibang direksyon ay konti lamang ang tumatama sa banda namin. Nasaan din kaya si Gray..
Nakita ko rin ang dalawang lalaki na nag iinuman mga dalawang metro mula sa akin. Dahan dahan akong tumayo nang mapansing lasing na ang mga ito.
Gustong gusto ko nang salubungin at malapitan si Ace. Miss na miss ko sya! Bigla akong nakadama ng pag iinit ng katawan. Hanggang lumiyab ang pagnanasa sa akin ng malapit na ako sa papalapit din sakin na si Ace.
Ace? “sigaw ng isip ko di pwedeng marinig at mahalata ng mga taong iyon.
Kahit medyo madilim, naaninag ko sya. At ang kanyang bango. Agad ko syang niyakap… Pero ramdam kong umaatras sya..
Ace..
Pero niyakap ko pa rin sya uli ng mahigpit.. Gusto kong madikit sa katawan nya.. Ang bango nya kilalang kilala ko si Ace ko nga ito.
Maya maya.. Yumakap din sya pabalik.. Sobra ng higpit.. Tapos dahan dahang kumalas..muli ko syang hinawakan.. Ayokong lumayo sya.. Nag iinit na ako masyado, di ko na kontrol ngayon lang ako nagkaganito. Pero gusto ko to, atleast maipadama ko kay Ace na nababaliw din ako sa kanya.
Hindi na klaro sa akin ang nangyayari, naroon sa akin ang labis na pagnanasa sa asawang kasama ko ngayon, pero pakiwari ko nananaginip ako. Medyo magulo ang senses ko.
Patuloy lang sya sa ginagawa… At alam kong tumutugon ako, napapaungol pako ng kaunti. . Until he whispers I love you.. Naitulak ko syang bigla.. Parang hindi sya si Ace? Ano to? Kahit nag iinit pa...


ako pilit akong lumayo sa kanya hanggang sa naramdaman ko ang sobrang sakit ng ulo at pagpawi nong sakit ay inantok akong bigla.
Nagising ako, na pasikat na ang araw na nasa cottage pa rin pero wala yong mga bote ng alak at iba pa..
Pagtingin ko sa paligid,” pano ako nakabalik sa beach na ito?”
Nang maalala ko ang mga nangyari. Bigla akong napaiyak. Anong nangyari sa akin? Sinong may gawa non? Nasan si Gray? Sino yong lalaking kahalikan ko kagabi? Hindi kaya si Gray. At yong naramdaman kong halusinasyon kagabi, yon kaya ang epekto sa akin ng pill?
Humikbi na ako ng humikbi.. Hanggang sa napahagulgol .
Maya maya may narinig akong ingay na agad nagpatahimik sakin, walang dapat makaalam sa nangyari sa akin kagabi.
Pinahid ko ang mga luha at inayos ang sarili at tinunton ang kinaroroonan ng mga kasama ko. Habang nag iisip ng idadahilan.
Alam kong hindi sila ganon ka kumbinsido sa sinabi ko na may businesswoman na nagpatulong sa akin maghanap ng malaking pera na nawala nya sa tabing dagat at sumuyod sa lugar dahil ipapapatay sya pag di nakita yon. Na nakatulugan ko na ang paghahanap namin.
Kahit ang utak ko.. Hindi gumagana..ang gusto ko ay pahinga at Si Ace.. Si Ace… Tuluyan akong tumalikod sa mga kasama nang maluha na naman.
Hanggang sa byahe, panay sulyap sa akin sina Mitch at Rica habang tulala akong nakatingin sa labas ng bintana. Nahihiya naman akong mag tanong kay Rica sa # ni Gray, para malaman ang tungkol sa nangyari kagabi. Na nagpapatuliro na ng isip ko.
Ang sabi ni Mitch hindi nya pa nasabihan si Ace na bigla akong nawalay sa kanila kagabi.
Maya maya nagbeep ang cp ko..
Excited akong pagbuksan kung si Ace.. Gusto ko syang tawagan pero di ko pa magawa. Hihintayin ko sya. Ngunit unknown # ito. Pag open ko.
– Musta ka? Nasan ka na? Nasa cottage ka pa ba?
– Please.. reply ka agad. I’m too worried.
– who’s this?
– It’s me, Gray.
Napapikit ako.
– what the hell happened last night..?
– I also have no idea. But I guess we were being framed up. I’m not sure kung sinong may gawa.. I tried to forced someone last night na umamin.. Kahit pano nalabanan ko yong pill pero.. Wala akong napala binugbog lang nila ako. While you were still sleeping.
– A-anong nangyari kagabi, i-ikaw ba yon? Yong..
– I- I’m sorry.. I really tried to resist you.. Pero sinusunggaban mo kasi ako. Hanggang sa di ko na rin kinaya. Coz it’s you…. A- Alam mo naman kung ano ka sakin.
– Gray.. Was something happened..?
Malakas ang kutob kong wala pero gusto kong makasiguro.
Tumutulo na pala ang luha ko ng di ko namamalayan.
– Nice, nakatulog din ako. Nagising ako magkatabi na tayo sa kama. Binalik tayo sa loob ng space. We’re both half naked..I guess you still have your brassiere. I’m sorry..
Sunod sunod na ang mga luha ko.
Hindi ko na magawang magreply.
– isa lang ang tiyak ko walang nangyari sa atin. Pinahiga lang tayo non para mag mukha na may nangyari nga.
– alam ko. Dahil alam ko ang pakiramdam paggising ko kapag may nangyari samin ni Ace.
Bahagyang nasaktan si Gray. But she’s just stating the damn fact.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top