Meant to be? Chapter 8


Nakangiting pinanonood ni Nice ang mga kaklase at mga schoolmates na kasama nyang mabibigyan ng merit. Pero yong ngiting yon ay may bahid lungkot sa loob. Naiinggit syang pinagmasdan ang mga ito na kasama ang mga guardian nila sa tabi, samantalang syay nag iisa lang. Di kasi makakasipot ang papa nya dahil may mahalagang lakad ang congressman.
Sinapo nya ang kanyang tyan.. Tsaka sya napangiti. “kasama pala kita..”
Nang magsimula na ang awarding.. Inayos nya ang sarili at nong tawagin na ang kanyang pangalan.. Tumungo na sya papuntang stage na may dalawang hagdan. Sa kanan yong guardian at yong estudyante sa kabila naman. Mag tatagpo sa gitna kung saan nakaabang ang mgbibigay ng certificate.
Nagtaka sya ng biglang may nagsigawan.. At pag angat nya ng paningin matapos ang huling pangkat ng hagdan, nagulat syang nakangiting Ace ang kanyang nabungaran. Kinuha nya ang iniabot na certificate at kinamayan na sya ng principal at ng kanyang adviser nakatayo lang si Ace sabay ” congrats!” sa kanya
Nginitian pa sya ng kanyang adviser sabay sulyap kay Ace.
“Hello Ace Lacson” bati ng guro nya dito
“A pleasant afternoon to the two beautiful mentors here..” and hi also Miss Principal.
“Hmm? Naligaw ka yata dito.. ”
Matamis na ngiti lang ang isinagot nito sa principal tsaka inilahad ang kamay kay Nice.
“Congrats uli!”
“Langhiya ah” wala sa sariling tinugon ang kamay nito at inakbayan na sya tsaka humarap sa photographer na nasa baba.. Tapos may kaibigan din yata ito na inutusang kumuha ng
litarato sa kanila.
” Smile naman dyan.”
Napangiti na lang din sya. Sumabay na rin itong bumaba sa kanya, inalalayan sya nito hawak2 ang kanyang kamay… Wala pa rin sya sa sarili.
Para syang naglalakad sa hangin. Habang dinig nya ang tili ng mga estudyante.
“Bakit nandito to? Nag acting guardian ko pa talaga.”. umupo na rin ito sa tabi nya matapos kunin ang cp sa kasama nito na pinaalis din agad.
“Hoy alis! Pano pag may nakakita sayo na kakilala ni Khate.. Nag iisip ka ba ha! .. Tsaka pano mo nalaman na.. ”
“Kay Rica?”
Tumango lang ito..
Nagkita kayo?
“Di na mahalaga kung pano ko nalaman, meant to be to e. Destiny kumbaga.” kinukumpas pa ang mga kamay at tinataas taas ang kilay habang may pilyong ngiti sa mga labi.
” Huh! Destiny? Naniniwala ang katulad mo don?”
Tiningnan lang sya nito na parang natigilan..
” Ngayon lang din. Sayo lang..” seryoso nitong sabi sabay kindat.
May parang ewan syang nadama kaya Ibinaling nya ang paningin sa paligid parang gusto nyang magtago sa kung saan, ng mapansing halos sa kanila nakatingin ang mga estudyanteng naroon..” whoah! Lagot!”
Hoy! Alis na !
” Bakit ba, naeenjoy ko pa dito sa tabi mo. Masarap pala sa feeling na umaattend ka ng awarding para sa magiging ina ng anak mo. Feeling ko kanina , asawa na kita. ” kumindat pa ito sa kanya.
“Alis na Ace! Ang daming nakatingin!” nagpipigil nyang sabi. Pabulong pero sapat para marinig ng katabi na chill2 lang.
“Sige.. Hintayin kita sa labas.. May pupuntahan tayo. Wag mo akong indyanin.”
“Sagot!”
“Oo na! ” pinandilatan nya pa ito ng mata.
” Wala man lang thank you? Hmp? ”
Naiinis na syang talaga, sigurado ang chismis nito pagkatapos.
” Ok you’re always welcome. ” sya na lang din ang sumagot.. Tsaka tumayo at naglakad paalis. Narinig naman nyang ng beep ang cp nya. Ipinasa nito ang mga photos nila kanina. Di nya napigilang mapangiti ng makita ang litratong magkatabi...


sila na nakaakbay pa ito sa kanya, gwapong gwapo ito wearing his genuine smile . .nasundan nya ito ng tanaw, napangiti sya ng pinagmasdan itong naglalakad. Ang dami talagang nahuhumaling dito, nagmukha itong ama nya na kumakaway sa mga babae,parang tatakbo lang sa politika. At di nya alam kung ikatutuwa nya ang pagpunta nito, o ikababahala. Nagulat talaga sya at di inaasahan ang pag sipot nito doon. Nasorpresa sya na ewan. Pero aaminin nya, kinilig sya.
15 mins. ang lumipas..
– matagal pa ba? sumibat ka na dyan. Lika na dito”
Apurado pa talaga..
– Hindi ako sasama sayo, uuwi na ako
– Ano ba naman yan, sya na nga itong icecelebrate ang event . Halika na. ”
– Salamat na lang Ace… No need na. Sanay na ako. Salamat pala sa pag punta mo kanina pero sana huli na to, delikado ang ginagawa mo. Bat chill2 ka lang?
– di ka ba takot malaman ng parents mo? Ni Khate?
– dito na tayo mag usap dali!
– pasensya na. Battery empty na naman ako.
Tsaka nya ini off ang cp.
“Walang hiya!! Haisst! pinapahirapan talaga ako e! Pinaiinit na naman ang ulo ko!
Naghintay muna sya ng ilang minuto.. Para kalmahin ang sarili bago ito balikan sa campus, at kumbinsihin.
Anak?
Pa?
Pasensya na, hindi na ako umabot.
Buti pumunta pa rin kayo.. Heto po Pa.
Ay ang galing anak.. Ang taas ng grado mo! Proud na proud si tatay..
Salamat po.
Oh sige babawi ako, icecelebrate natin to mamaya, kakain tayo sa labas.
Pwede na pong umalis Pa, tara po..
Oh sya tara!
Hello Nice.. hello po..
Magandang hapon mga anak..
Congrats uli Nice.
Thank you! Una na kami. ”
Si papa nangangangkin ng anak, ako lang anak mo e.
Ito talaga,
” Nasan na yong mataray na yon! Napaka stubborn talaga! ”
Buti at naabutan nya pa palabas ng gate ang mag ama. Agad syang nagtext sa papa ng dalaga.
Nagtaka na lang si Nice na sa restaurant sila pumasok, ayaw nyang gumastos pa ang papa nya,
Pero mas lalo syang nagtaka ng umupo ang papa nya sa mesa na may nakaupo nang lalaki, at pagharap nya dito. Nasorpresa na naman sya.
” Ikaw na naman? ”
Ang tamis ng ngiti nito..
Sabay.. Ssshh nito sa kanya habang ang papa nya ay inikot pa ng tingin ang kabuuan ng restaurant.
“Ah.. Anak inimbita ko na pala si Sir Ace. E kahapon kasi humiling itong makipag bonding kumbaga, nagkataong wala syang klase ngayon at tayo naman ay magcecelebrate ng parangal mo at saktong nagtext sya sa akin kaya heto sya.”
“Ahh.. Ok po.”
“Magkakilala na ba kayo ng anak ko Sir? ” ito pala si Nice. Anak si Sir Ace yong nobyo ni Maam Khate, kilala mo na siguro. Anak ni Governor Alex?”
” Ah, oo pa..”
Inilahad pa ni Ace ang palad…
Napabaling naman sa paligid ang tingin ni Nice.
“Anak?”
Napilitan din syang inabot ang palad nito.
Nakokonsyensya na sya.
Iniusog ni Ace ang upuan sa tabi ni Mang Anton. Inakbayan nya ang matanda habang masayang nakipagkwentuhan dito.
Patingin tingin lang din si Nice.. Inaamin nya masaya sya na ang bilis nagkasundo ng dalawa, anoman ang hidden agenda ng binata.. . Inaamin nya… Hindi sya bato para di mafall pero hindi naman sya aamin at magiging showie.. Hindi rin sya mag a assume.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top