πŒπˆπ’π“π€πŠπ„ CHAPTER 7


πŒπˆπ’π“π€πŠπ„: (MISTY ALEJANDRA LOPEZ)
CHAPTER 7
Kinabukasan, nagising si Misale sa pagkalam ng kanyang sikmura. Natural iyon dahil hindi siya nakapag hapunan kagabi at sa pagod na din na nararamdaman.
Bumangon siya at nag tungo sa malaking salamin na nasa kanang bahagi ng kanyang silid at sinipat ang sariling puno ng pasa.
Malinaw pa sa kanyang isipan ang kanyang dinanas kagabi mula sa mga kamay ng ina. Hindi nga lang niya matandaan kung sino ang naghatid sa kanya sa kanyang silid gayong galit na galit sa ang kanya ang ina.
Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili kung may bagay bang nawala sa kanya at napagtanto niyang wala naman. Napahinga siya ng maluwag ng hindi siya pinagsamantalahan ni Condrado the demonyo sa panahon na wala siyang malay.
Lingid sa kaalaman ng dalaga na magdamag niyang nakasama ang ina na siyang nagbantay sa kanya dahil duda ito sa kilos ng lalaki na kanyang kinakasama.
Hindi gusto ng ina na magaya ang anak sa nangyari sa kanya na naging pabaya sa sarili. Oo nga’t galit siya sa anak ngunit hindi parin mawala ang pag-aalala sa kanyang puso.
Tiningnan ni Misale ang orasan at alas nuebe na ng umaga. Subrang tahimik ng bahay, wala ni yabag ng Paa ang kanyang naririnig.
Dahan dahan siyang naglakad at ininda ang sakit ng kanyang katawan na dulot ng kanyang ina. Hindi naman masyadong masakit ang kanyang mga sugat dahil halatang nagamot na ang mga ito. Ang kanyang ulo namn ay may bendahe ng nakalagay.
Napangiti siya sa isiping baka ang kanyang ina ang gumawa nito. Marunong ang kanyang mama pagdating sa gamutan ng mga sugat dahil isa itong nurse sana kung pinalad na makapagtapos sa kolehiyo.
“Masaya ako mama na malaman na kahit kunti may halaga parin ako diyan sa puso mo. ” sabi niya sa kanyang isipan. Napuno ng galak ang kanyang batang puso.
Pinakiramdaman niya ang buong paligid ng bahay baka naroon ang demonyong Condrado. Ayaw niyang mapahamak sa kamay ng lalaking iyon. Hinding hindi siya papayag.
Nang masiguro na walang ibang tao bukod sa kanya ay nagtungo siya sa kusina at ipinaghanda ang sarili ng umagahan.
Pagkatapos niyang kumain ay iniligpit niya ang mga kalat. Pagkatapos niyang gawin ito ay bumalik siya sa kanyang silid at ikinandado ng mabuti ang pintuan para masiguradong hindi nakapasok ang demonyong Condrado.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising siya bandang alas singko y media na ng hapon.
“Hala, antagal ko namang nagising! Hindi pa ako nakapagluto ng hapunan.” nag aalalang sabi niya.
Nagbihis siya ng ibang damit. Damit na mahirap hubarin. Kinuha niya sa kanyang drawer ang kulay itim na swiss knife na nakita niya sa daan noong isang araw.
Alam niyang Swiss knife ito dahil marami na siyang napanood na action movie na mayroong ganito, ginagamit ng mga bida sa pelikula.
“You’re a blessing in disguise!” Bulalas niya sa hawak na swiss knife.
Isinuksok niya ito sa may bandang likod upang madali lang niya itong mabunot kapag naagrabyado na siya.
Lumabas siya sa silid at nagtungo sa kusina. Nagtataka siyang lumingon sa paligid ngunit wala siyang nakitang tao na maaring maghanda ng mga pagkain sa lamesa.
“Baka si mama ang naghanda nito.”. Kumbinsi niya sa sarili.
Pumunta siya sa ref at kumuha ng tubig at uminom. Pagkatapos ay lumabas siya at nagtungo sa balkonahe.
Pinagmasdan niya ang paligid, bukas na ang mga ilaw sa tabi ng kalsada at ganoon na din ang malaking bahay na may layongg desisais metro. Kitang kita ito dahil walang puno na nakaharang, puro bakanteng...


lupain lang ang makikita at damuhan na siyang nagsilbing dekorasyon sa lupain.
Nang tumingin siya sa kalangitan ay nakita niya ang iilang bituin na kumikinang sa gitna ng maulap na himpapawid.
“Kay tahimik ng kanilang bahay. Kahit minsan ay hindi ko nakitang may taong lumabas diyan pwera nalang sa security guard. Tanging magagarang sasakyan lang aking nakikita na dumaan dito sa tapat ng bahay.” sabi niya sa sarili habang nakatanaw sa malaking bahay o mansion kung sa mga mayayaman.
Naputol ang kanyang pagmumuni-muni ng May biglang nahulog sa kusina. Dali-dali siyang tumayo, sa isipin baka kinain na sa layaw na pusa ang pagkain nakahain.
Ngunit ng tuluyan na siyang nakapasok ay wala namang tao o pusa at wala ding bagay na nahulog.
“Ah baka guni guni ko lang yon. Nasubrahan lang yata ako sa tulog.” sabi niya sa sarili at humagikhik pa.
Bumalik siya balkonahe at wala na ni isang bituin ang makikita. Nagbabadya nang umulan isang kalabit nalamang.
Hindi nga siya nagkamali, ilang sandali pa ay bumuhos ang malakas na ulan. Bumalik siya sa loob at tungo sa kusina para magpakulo ng tubig.
Nabigla siya ng may kung sino ang humila sa kanya. Nilingon niya ito at nakita niya ang nakangising si Condrado. Sisigaw na sana siya ngunit maagap nitong natakpan ang kanyang bibig.
“Huwag kang magkamaling sumigaw!” madiin na sabi nito at may kung anong malamig na bagay ang dumampi sa kanyang leeg. Nang tingnan niya ito ay kumikinang na kutsilyo ang bumulaga sa kanya.
Nangangatog ang kanyang tuhod sa labis na takot pero natuto na siya. Hindi siya magpapatalo sa takot at hayaan na babuyin siya ng demonyong Condrado.
Nagisip siya ng paraan upang makawala sa bisig nang lalaki at makahingi ng tulong ngunit malabong mangyari ang kanyang iniisip. Masyadong malakas ang lalaki.
Sa halip na kumawala sa ng lalaki, malakas na kinagat niya ang balad nito dahilan para mabitawan siya.
“Hayop ka Condrado! Hinding hindi ako mapapasaiyo! Magkamatayan muna tayo!” buong lakas niyang sigaw. Sinadya niya itong gawin upang May makarinig at ng matulungan siya.
“Matapang ka, huh? Anong ipinagmamalaki mo? Hahahha” nanggagalaiti ito sa galit at kalaunan ay tumawa na parang baliw.
“Nasisiraan Kana ng bait Condrado!” piglas niya. Gusto niya itong saksakin ng matapos na ngunit hawak nito ang kanyang mga kamay.
“Ako nasisiraan ng bait? hahahahah . Kung ako sayo Misale humithit ka nito, pangako maaabot mo ang langit.” Bulong nito sa kanya at dinilaan ang kanyang tinga.
Ipinilig niya ang kanyang ulo upang malayo sa mukha ng demonyo. Masyado itong nakakadiri.
“Bitawan mo ako Condrado! Kaya pala mukha kang baliw dahil gumamit ka pala ng druga!” diin niyang sigaw. Nasasaktan na siya. Humahapdi na ang kanyang mga sugat.
“Sabing hindi ako baliw!” Pasigaw na sagot ni Condrado at sinuntok sa tiyan ang walang kalaban laban na dalaga.
Nawalan siya ng lakas. Nagkaroon ng pagkakataon ang demonyo na mahalikan siya sa kanyang leeg. Pumiglas siya ngunit kulang na ang kanyang lakas.
Walang humpay sa pagpatak ang kanyang mga luha at nanalangin nalamang na sana ay May dumating.
Nagsimula ng hubaran siya ng lalaki ng damit nang biglang…
“BLAGGG!” isang malakas na bagsak ng pintuan ang nagpapigil sa ginawa ng lalaki.
Labis na pagpapasalamat ang kanyang nararamdaman habang ang lalaki ay nagtitimpi na sa galit. Nang lingunin niya ito ay isang pigura ng babae ang kanyang nakita, na malaki ang hakbang palapit sa kanilang kinaroroonan.
Agad na inayos ni Condrado ang pagkatayo at nakakunot na ngayon ang noo nito na wari’y ay walang ginagawa…..
Sino kaya ang babaeng ito?






Share On Whatsapp

"12" Comments
  1. We’re developing a conference, and it looks like you would be a great speaker.

  2. It’s time for communities to rally.

  3. Unquestionably believe that which you said. Your favorite reason seemed to be on the net the easiest thing to be aware of. I say to you, I certainly get annoyed while people consider worries that they plainly don’t know about. You managed to hit the nail on the head. Will probably be back to get more. Thanks

  4. bonjour I love Your Blog can not say I come here often but im liking what i c so far….

  5. Certainly. And I have faced it. Let’s discuss this question. Here or in PM.

  6. Your thing regarding creating will be practically nothing in short supply of awesome. This informative article is incredibly useful and contains offered myself a better solution to be able to my own issues. Which can be the specific purpose MY PARTNER AND I has been doing a search online. I am advocating this informative article with a good friend. I know they are going to get the write-up since beneficial as i would. Yet again many thanks.

  7. You are a very smart person! πŸ™‚

  8. Some genuinely choice content on this site, bookmarked .

  9. Our community leaders need to read this, and look at developing some of your recommendations.

  10. Hello this is kinda of off topic but I was wondering if blogs use WYSIWYG editors or if you have to manually code with HTML. I’m starting a blog soon but have no coding knowledge so I wanted to get advice from someone with experience. Any help would be enormously appreciated!

  11. Do you offer workshops?

  12. creator patayin mona kasi yang si condrado baka mawala pa pagkababae ni misale manyak ang hayop

Leave a Reply


top