Mr.Alejandro Sebastian (My one nigth stand)


🌼Chapter 4..🌼 Encounter🌼
“Isabelle” POV”
“Halos takot naman ang bumalot sa katawan ni Isabelle ng aksidenteng masira ang lift nito habang binabagtas niya pababa ang kumpanya na kanyang pinapasukan.”Pero ang mas nakaka-bahala sa kanya ay ang halik ng isang lalaking hindi man lang niya malimutan.
“Mabilis akong umalis papalayo sa taong halos hindi ko naman talaga kilala,lalo na yung maglapat ang mga labi namin sa isat-isa. pakiramdam ko kakaibang sensasyon ang bumalot sa aking katauhan… na halos ngayon ko lamang naramdaman.
“at isang Halik na unang beses ko pa lamang natikman.
“Bakit ganun na lamang ang nararamdaman ko,parang kuryenteng dumadaloy sa buong pagkatao ko.bulong ni isabelle.
habang kasunod ang pagbukas niya ng pinto at pagpasok nito sa isang silid.
“first day of my work…..naku..alin ba dito ang uunahin ko…….?
“sa susunod hindi na talaga ako sasakay sa elevator na ‘yun..tugon niya sa kanyang sarili habang tambak ang mga sine-xeroz niyang papers work.ini-isa-isa niya ang mga papel na halos magulo na ito lahat dahil sa pagkakalaglag.napa-buntong hininga nalang siya sa kanyang sarili….
.”Kaya ko ito …..makakaipon din ako…….
“.hay……..Mabuti nalang talaga at mabait si Mr.Lance Sebastian… kung hindi wala ako ngayong trabaho ….
“isang tawag naman ang natanggap ni isabelle mula sa kanyang kaibigang si ellaine…kaya’t mabilis niya itong sinagot.
“hello…ellaine..bakit napatawag ka….?
“naku …isabelle inimbitahan ka ni daddy dito sa bahay birthday celebration kasi ni mommy ngayon.”teka na saan ka ba para mapasundo na kita.
“mamaya pa kasi ako makakauwi,marami kasing nakabinbin..natrabaho ko ngayon.
tugon ni isabelle…
“sandali…trabaho hindi ba’t ka darating mo palang dito…may trabaho kana agad…”ang bilis ha…..bilib na ako sa kagandahan mo bessy….hehe..
“hindi ko ginamit ang ganda ko…ini-recommend lang ako ni aling mel sa kakilala niya.
“Sus …..bessy ganun na din yun…oh basta ha….ipapasundo nalang kita kay manong driver ,Aasahan kita isabelle…text mo nalang
ako kapag out kana sa work mo or else kung saan kita ipapasundo..gets…
” Ok sige..ellaine marami pa akong gagawin.kasabay ng pagbaba niya agad ng telepono.
“Ms.Clavio natapos mo na ba ang lahat ng pinagagawa ko sayo.tugon ng isa sa mga kasama din niyang empleyado.
“ah…oh..matatapos na po ….mautal-utal na saad niya .
“paki-bilisan na lang …dahil kailangan ng ma-finalize bago pa dumating si Mr.Alejandro Sebastian.
“.pero akmang tatalikod na ito sa kanya ng magsalita ulit ito sa harapan niya.”
“by the way pakidala nalang ng folder sa kanya..office ni Mr.sebastian…after mo matapos.ok…dont forget Ms.Clavio….kasabay nang pag-abot nito sa kanya.
tanging pagtango lamang ang kanyang isinagot…kahit hindi niya alam kung sino sebastian ang tinutukoy nito..matapos kasi niyang marinig ang pangalan ni Mr.Alejandro sebastian…
“pero sino si Mr.Lance sebastian….baka siguro magkapatid sila.tugon nalang niya sa kanyang isipan.
Mag-aala sais (6:30pm) pasado na ng gabi ng siya ay nakatapos sa kanyang ginagawa…habang napaupo siya sa sahig at inuunat ang magkabilang braso niya pataas..
“grabe…ang sakit ng balikat ko…
“Napabalikwas na lamang siya sa kanyang kinauupuan ng maalala niya ang folder na kailangan niya dalhin sa office ni Mr.Sebastian.
“Naku …naman…bakit sa dinami-dami pa yun pa ang nalimutan ko..”shit naman oh….
“Dali-dali niyang tinakbo ang office ni sebastian at mabilis binuksan ni isabelle ang pinto pero akmang papasok na siya ng loob nito ng biglang..
“Ay…kabayo..matapos siyang matalisod sa pinto nito….
“haist naman oh bakit ba ang dilim naman dito…wala ba itong ilaw..mabilis din niyang napindot ang bottom sa gilid ng pintuan…pero .pagkagulat naman ni isabelle muli ang kanyang nabungaran sa harapan nito… .”ay kabayo talaga…..
“Gulat naman ang namutawi sa dalawa ng mabuksan ni isabelle ang ilaw nito.
“F”ck….!!!! tugon nito kasabay ng pagbaling nito kay isabelle.
“don’t you know how to knock on the door before you enter my office. galit…na tugon nito sa kanya…
“I’m sorry…hindi na po mauulit…kasunod ng pagtungo niya sa harap nito habang nakaupo sa ibabaw ng lalaki ang babaeng halos makita na ang kabuuan ng katawan nito.
“what do you need..? baling nito sa harapan niya…kasunod ng pagtitig nito sa mukha niya…
“ahmmm.ito raw po yung folder…pinabibigay lang po…ni…hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang…magsalita ang babaeng hindi maalis-alis ang pagkakayakap nito sa lalaki.
“Get out…at kung maaari…pakilock nalang ng pinto ng walang katulad mo ang basta nalang pumapasok dito.understand…..
“Mataray at may halong inis sa mukha nito at
kasunod naman ang paglisan niya sa loob ng office nito.
“kasalanan ko ba kung…gumagawa sila ng kababalaghan…tugon na lamang niya sa kanyang sarili….
“Akmang aalis na siya ng biglang may isang baritonong boses ang kanyang narinig..sa labas ng pintuan ng office nito.
sa susunod tumawag ka nalang sa office ko …kung may kailangan ka…para hindi ka nagugulat….tama ba …Ms.Clavio..
“sige..po ..Mr.Lance sebastian …saad ni isabelle..
“Excuse me…I’am not Mr.Lance sebastian…ngiti nito sa kanya…”I’m Mr.Alejandro sebastian…


/> “Ah…ganun po ba..mahiya-hiya niyang sabi.
“pasesnya na po..Mr.sebastian hindi ko po sinasadya na makita ang …natigil na lamang siya ng biglang magsalita ito.
“its ok…don’t even think about what happened…Ms.Clavio…naputol ang usapan nila ng biglang lumabas sa loob ang kaninang babaeng halos ayaw ng bumitaw sa pagkakapit nito sa lalaki..”Suot nito ang above the knee na dress na talagang bumabagay sa pagka-slim nitong katawan…at ang mataas na heels nito na lalong nagpatangkad sa kanya.
“babe lets go..its already late…baka hindi natin maabutan….ang celebration ni tita fe….ayokong magalit sa akin si mommy…ahmmm…sabay tingin nito kay Isabelle…na parang kakainin siya ng buhay sa pagkakatitig nito sa kanya.
“ilang oras na din siyang naghihintay ng sundo mula kay ellaine pero hangang ngayon ay wala pa din ito.
“hello ….ellain….please text me..kapag narecieve mo ang voice mail ko.
“nandito na ako sa labas…ng building pakisundo mo.nalang ako sa driver mo..
Nagpaikot-ikot na lamang siya sa lugar na yun.. habang hinihintay niya ang sundo nito pero magaalas-dyes na (10:00pm) ng gabi ay wala pa ding sasakyan ang dumadating …
“Ano bang nangyari bakit ang tagal naman ng driver niya…?
kaya’t nag-decide na lamang siyang umuwi ng bahay tutal may trabaho pa siya kinabukasan…pero kahit taxi ay walang dumadaan sa harapan niya….pa lobat na din ang telepono niya kaya’t hindi na din siya makatawag kay aling mel.
“malas na nga kanina …hangang ngayon malas pa din…unang pasok ko palang sa trabaho pero parang puro kamalasan ang araw ko ngayon.haist….naman oh…pansin niya ang pamamaga ng paa niya dahil sa taas ng sapatos na suot niya…kahit hindi naman siya sanay sa ganuong suot ay kailangan niyang magtiis dahil lahat ng mga ka workmate niya ay nakaheels…
“Naupo na lamang siya sa isang gilid ng shade habang nagaabang ng taxi.subalit isang malakas na hangin ang dumadampi sa kanyang pisngi…kasabay ng mahinang bugso ng ulan nito.habang yakap niya ang bag na nagsisilbing harang sa malamig na hanging kanyang nararamdaman.
Makalipas ang ilang segundo ay isang magara at itim na sasakyan ang tumigil sa kanyang harapan.at bumungad sa kanya ang lalaking unang tingin palang ay mamangha kana sa kanya kakisigan na halos bumakat naman sa dibdib nito ang white long sleeve nitong suot.
pero napatulala siya ng ito’y kanyang makita…
“are you waiting for someone…its already late of nigth pero…hangang ngayon hindi ka pa nakakauwi…tugon nito sa kanya.
at “natigil ang pagkakatitig ni isabelle ng magsalita ito sa kanya…”
“Mr.Alejandro Sebastian…bangit sa pangalan nito…
“ahmmmm nahihintay lang po ako ng taxi…pauwi.sambit niya sa lalaking walang humpay din siyang pinaka-titigan…kasunod ng pagbaling ng tingin nito sa kanyang mga paa
“what happened to your feet … and why are you not wearing shoes. the weather is too cold you should not take off your shoes in this cold and rainy place.sambit ulit nito.
“masakit po kasi yung paa ko..kaya’t hinubad ko po muna pansamantala…akmang tatayo na siya ng biglang buhatin siya nito na parang bagong kasal at mabilis siya nitong isinakay sa itim na sasakyan…habang bitbit naman ng lalaki ang sapatos niya at kasunod ng paglagay nito sa kanyang mga paa.
“dont ever do that again…kung ayaw mong mawalan ka ng dalawang paa….pagkabigla naman kay isabelle ang ginawa nito sa kanya.
“dont ever do that again kung ayaw kong mawalan ng dalawang paa..”sandali..may balak ba siya putulin ang paa ko…at bakit concern na concern siya sa akin ….samantalang halos ngayon lang kami nagkakilala at nagkita…
“ano ba ito…?baka iniisip niya na bayaran din akong babae..na madaling ikama.
pagkatakot ang nangibabaw sa kanyang isipan kaya’t bubuksan na niya ang harap ng pinto ng sasakyan ng biglang umupo na ito sa driver seat…gusto na niyang lumabas pero isang madiin na boses ang kanyang narinig mula kay sebastian.
“just stay…i’ll take you home…tugon muli nito sa kanya…
“walang anumang nangibabaw na kahit na anong salita sa kanilang dalawa.subalit ang takot na kanina pa ni isabelle nararamdaman ay napalitan ng halo-halong emosyon..
“tibok ng pusong halos ayaw na nitong tumigil…sa kanyang dibdib…nabaling na lamang ang pakatitig niya muli habang hawak nito ang manibela.
“are you done staring at me….tugon nito kay isabelle…pero kasabay nun ang mabilis na pagiwas nito kay alejandro…sebastian..
“Tumugil na lamang ang sasakyan hudyat na nakarating na sila sa kanyang tinutuluyang bahay.
“Kaagad naman bumaba si sebastian patungo sa kabilang pinto nito..para siya ay pagbuksan..halos hindi naman magkaintindihan si isabelle sa pagtanggal niya ng kanyang seatbelt..
“ano ba ito..bakit ayaw matagal…pero akmang hihigitin niya ito ng si sebastian mismo ang tumanggal ng seatbelt niya…halos maamoy ni isabelle ang pamilyar na pabango nito ..kaya’t kaagad niyang ini-angat ang ulo niya at sa hindi sa sinasadyang pagkakataon nagtama ang mga labi nila sa isat-isa.
“hindi ko alam kung anong meron sayo….pero nasisigurado kong..kinakabahan ang puso ko.sa tuwing nakikita kita.
sambit ni isabelle sa kanyang isipan.
,🌼thank you readers and admin🌼






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top