Ako Naman Kabanata 41


Itinuon ko nLang ang sarili ko sa trabaho ko..
Di na ko umaasang susuyuin ako ni Totoy dahiL alam kong mas mahal nya ang pride nya kesa sa akin..
Alas singko ay uwian na at di nman ako nagmamadaling umuwe sa bahay kaya dumaan ako sa plasa na madadaanan Lang pag uuwe ako sa bahay…
Umupo ako sa upuang lagi kong inuukupa.
Khit may mga bata na nakaupo sa paborito kong upuan ay pinalayas ko sila..
Gusto kong mag emote kaya ayaw kong may istorbo..
“Alis kayo Jan “, masungit kong taboy sa mga batang lalaking nandun..
“Ate.. Nauna kme dto.. “, angal ng isang bata ..
Ngumiti ako..
“Alam ko nman yun pero kapag di kayo umalis jan. Sasabihin ko sa doctor na magt*tuli sa inyo na putulin yang ano nyo “, pananakot ko sa mga ito..
Sa sinabi ko ay agad silang tumakbo paalis.. Natakot sa sinabi ko..
Tumawa ako saka umupo sa paborito kong upuan..
Mapait akong ngumiti ng maalala ko ang kissing scene namin dto ni Totoy..
“Ang pest*ng totoy na yun “, inis na bulong ko..
Nagmumuni muni ako ng nakita kong papalapit sa kinaroronan ko si Ronron .
Nakangiti itong papalapit sa akin ..
Wala ako sa mood para magsungit.. Kaya kahit ayaw kong tumabi sa akon si Ronron ay hinayaan ko nlng..
Di ko nlang sya kakausapin..
Naramdaman kong umupo ito sa tabi ko ..
“Marya ..”rinig kong tawag nito sa akin…
Pero di ko sya pinansin..
Akala ko di na nya kukulitin pero naguLat ako ng hipan nito ang tenga ko ..
NaguLat ako pero natawa ako ..
“Loko ka.. “, sabay hampas sa braso nito.
“bat ka nandto…? Malungkot ka no? “tanong nito.
Tunawa ako..
“Tamang hinala ka din no? ” irap ko dto..
Marinig kong mahinang tumawa ito.
“Eh kamusta na kayo ni Totoy? “tanong nito sa akin..
Di agad ako nakakibo.. Ayaw kong sabihin kay Ronron ang status namin ngayon ni Totoy..
Di nman kme close para malaman nya..
Ngumiti lang ako..
“Ganyan.. Dpat lagi kang nakangiti para mas lalo kang gumanda “, sabi ni Ronron ska kinuha ang buhok kong nasa mukha ko...


at inipit sa tenga ko..
Nagulat ako sa ginawa ni Ronron pero mas naguLat ako sa narinig kong boses..
“MARYA!!!
sa gulat ko ay napatayo ako bigla..
Nakita ko ang kunot noong papalapit sa kinaroroonan namin si Totoy..
Agad ako nitong hinawakan sa braso saka hinila pero nagmatigas ako..
“Bitawan mo ko.. “, mahinang bulong ko pero may diin ..
Pero di man lang nito binitawan ang braso ko khit hinihila ko ito..
“Marya?? Umuwe ka na.. Sinusundo ka na ng boyfren mo “, nakangiting turan ni Ronron..
Gusto ko pa sanang magsalita ng pwersahan akong hiniLa ni Totoy.
Ng makalayo na kme sa plasa ay hinatak ko ang braso ko.
At nagtagumpay nman ako ..
“Ano namang drama mo ngayon? “inis na tanong ko kay Totoy ..
Pagkatapos ng nangyare kagabi.. Umaasta parin sya sa bf ko. Patawa sya!!
Tiningnan ako nito at matapang ko iyong sinalubong.. Nakipagtitigan ako sa kanya at ayaw kong magpatalo..
Umiwas ito ng tingin..
“Kagabi mo lang ako brineyk pero nakikipag ngitian ka na agad kay Ronron “, tiim bagang na turan nito sa akin.. Halata sa boses nitong nagseselos ito..
Tumawa akong nang aasar.
“Wala ka ng paki sa akin..! Gagawin ko ang khit anong gusto —–“,
bigla ako nitong hinila palapit sa kanya at saka hinalikan..
Pero pinanindigan kong hindi na ko ang Marupok na si Marya..
Di ako pumikit at di rin ako tumugon..
Naramdaman kong kusa itong tumigiL..
“tpos ka na??? “may pang iinsultong tanong ko dto..
Nakita kong dumilim ang mukha nito..
“Patawa ka talaga! ” sabi ko dto saka mabilis na nagLakad..
Sinundan ako ni totoy pero mas binilisan ko ang pagLalakad ko..
Pagkadating sa amin ay mabilis kong pinihit ang saradura saka pumasok sa loob..
Dere deretso ako sa kwarto at pabagsak na nahiga..
Tumawa ako ..pinupuri ko ang sarili ko dahiL sa kauna unahang pagkakataon ay nagawa kong di magpadala sa damdamin ko para kay totoy..
“Ang galing mo Marya! ”
Puri ko sa sarili ko sa kabila ng mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko..
“ipinagmamalaki kita “,
Dagdag ko pa..
At ipinikit ko ang mga mata ko.
-itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top