Munting Pangarap ni Esang” Kabanata 1


“Oh’ Ano uutang ka na naman? “tanong ni ate Nenet ang dalagang may tindahan na malapit sa bahay namin.
“Sana.. Kung Pwede po”Mahinang sagot ko
“Di pa nga kayo nakabayad nung mga nakaraang inutang nyo uutang na nman kayo? Anong akala nyo hinihingi ko ang pinuhunan ko dto? blah blah blah blah “patuloy na talak neto
Umalis na ko agad kase alam ko namang sermun at pamamahiya lang nman ang mapapala ko at di rin nman ako pauutangin.Yung di nman magpapautang pero andami pang sinabi.
Nakita kong naghihintay ang tito’tita ko sa pag uwe ko. At malungkot silang ngumuti ng napansin nilang wala akong dalang kape.
“Wala pong tao “sabi ko agad dto pagpasok ko
“Ah ganun ba.sige balik ka nlng mamaya ulit”sabi ni tita Sisa
Napangiwi ako pero di ako nagpahalata.kung sana nagsabi nLang ako ng totoo edi sana di na ko babalik pa dun pero kapag naiisip kong mapapahiya sila sa mga sinabi ni ate Nenet kapag nalaman nila.. Mas minabuti ko nlng talagang di magsabi ng totoo. Ayaw ko kse sila malungkot kse mahal na mahal ko sila kase sila na ang nagpalaki sa aming magkakapatid. Iniwan kase kame ng nanay ko sa kanila nung mag pipitong taong gulang na ako. 5 taon narin kameng naninirahan sa kanila..
Pumunta ako sa kusina at isinalang sa lutuang kahoy ang halos mabutas ng kawali saka inilagay ang isang takal na bigas para gaing AROS (tawag sa sinunog na bigas para gawing kape) pagkatapos kung sunugin ang bigas ay inilagay ko naman ito sa takuring may tubig para pakuluin at salain ng malinis na damit para gawing kape para sa meryenda. Kawawa nman kase ang tito ko pag di daw sya nakakapagkape ay pakiramdam nya aynang hihina sya kaya para d na ko bumalik sa tindahan ni Ate Nenet ay ako na ang gumawa ng paraan. Habang nagsasalin ng kape sa baso ay pumasok ang tita ko sa kusina


/> “Di ka pinautang no? “tanong nito
Marahan akong tumango at ngumiti sa tita ko .Inilagay nya ang kamay nya sa braso ko.
“Hayaan mo na. Magpapadala ang mama mo bukas ng pera kaya makakabayad na tayo para maka utang tau ulit “sabi pa neto.
Napatingin ako dto ng may Tuwa sa mga mata. Masaya ako at kahit papano makakabayad na kame kay Ate Neneth. Buwan buwan nman nagpapadala ang mama ko pero dahil kasambahay lng ang trabaho nya ay di parin sapat para sa amin ang pinapadala nya pero ayus lng ang importante nakakaraos kame.
“ibigay mo na yan sa tito mo para makapagkape na sya “utos nito sa akin
Halata sa kilos ko ang saya dahiL sa sinabi ni tita at tiyak kong makakain na nman kame bukas ng TINAPAY at may kasama pang malaking ROYAL 😁..
Pagkatapos naming kumain ng Hapunan ay pinakuha sa aming apat ang kanya kanya naming aklat para magbasa. Tanging gasirang iLaw lamang ang nagsisilbeng liwanag sa aming madilim na gabi. Nakasanayan na naming pagkatapos kumain ay magbasa ng aklat bago matulog. Grade 6 na ako at klasmeyt ko ang kapatid kong si Long. Grade 4 nman si Boboy at Grade 2 ang bunso kong kapatid. Medjo matanda na kong nakpag aral ng Grade1 dahil sa magulong buhay ng mga magulang ko. Pasalamat nga ko at napunta ako sa tito’tita ko at nakpag aral pa ko.
“Lagi nyong tatandaan mga Anak’ ang kaisa isang Pamanang maipamamana ko sa inyo ay ang inyong Karunungan..kahit salat tayo sa yaman ay wag na wag nyong kakalimutang pagbutihin ang pag aaraL nyo.. Mawala man kame sa mundo ay ang karunungang meron kayo ay ang tanging kayamang di mananakaw sa inyo “mahabang paalala ng Tito Kiko namin habang nagbabasa kame ng libro…
*Salamat po sa matyagang nagbabasa ng story ko
*Pagpasensyahan nyo na di to love story at sorry kse di ako magaling sa English






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top